Sa tulong ng kanyang mga kaibigan na naka base na sa New York maayos naman silang naikasal ni Tamara. Kahit papano nakapagsuot naman ang asawa ng wedding dress at nakapaglakas sa altar. Iyon nga lang wala itong parents na kasama, wala din ang kanyang mga magulang para masaksihan ang isa sana sa pinakamagandang araw ng kanyang buhay. Nariyan naman ang kanyang mga kaibigan na talaga namang todo suporta sa kanila ni Tamara. Wala siyang choice kundi ilayo si Tamara sa San Miguel, masyadong maraming tao ang nais manakit sa kanyang asawa. Una na riyan si Joseph. Si Pauline at nakisali na rin ang kanyang Papa. Ang lumayo sa mga taong tutol sa pagsasama nila ni Tamara ang dahilan kung bakit niya nilayo ang dalaga. Hindi pa nila napapag-usapan ni Tamara kung ano ang magiging set up nila ngayong k