Makalipas ang dalawang linggong pagbabakasyon nila ni Elijah sa New York bumalik silang mag asawa sa San Miguel na may dalang good news para sa kanilang mga magulang lalo na sa Papa ni Elijah. Buntis na kasi siya, natupad na rin sa wakas ang matagal niyang nais mangyari para matanggap na siya ng Papa ni Elijah at syempre para mabuo na ang pamilya nila ni Elijah. Marami mang pagsubok ang dumating sa pagsasama nila ni Elijah nalagpasan naman nila ang lahat ng iyon na magkasama. Nakakulong na ngayon sina Pauline at Joseph ginawa lahat ng Papa ni Elijah para makulong ang dalawa na nanakit sa kanya. Nakulong din ang mga tauhan na binayaran ng dalawa, pero isang taon lang, dahil nga inutusan at binayaran lang ang mga ito. Sina Pauline at Joseph naman at makukulong ng sampu hanggang labinglimang

