Makalipas ang tatlong araw nakauwi na rin si Tamara sa bahay nila. Maayos na ang pakiramdam nito tanging mga sugat na lang sa katawan nito ang hindi pa tuluyang naghihilom. Noong nasa ospital pa sila dumating ang Mommy at Daddy ni Tamara para kumustahin ang kalagayan ng asawa niya. Hindi na nga niya nagawang tawagan ang mga magulang ni Tamara dahil focus siya masyado sa pagbabantay sa asawa niya. Humingi ng tawad sa kanya at kay Tamara ang Daddy ni Joseph at nangakong tutulong sa kaso ng anak nito. Noon pa man alam naman niyang mabuting ama ang Daddy ni Joseph at kahit masakit rito na makitang nakakulong ang nag-iisang anak nito, ay hinayaan nitong makulong si Joseph at ganoon rin ngayon, lalo na't si Tamara na ang sinaktan ng anak nito. Nagpapasalamat siyang hindi katulad ng mga Domingue

