Papalabas na ako ng building namin nang mamataan ko si Zale. Nasa may waiting area siya sa may lounge at nakaupo na parang may hinihintay. Gulat na lumiko ako at nag-isip ng paraan kung paanong lalabas ng hindi niya nakikita. Pero wala na ring sense iyon dahil napansin niya na ako. Our eyes met and in an instant, my cheeks flushed. Ano bang ginagawa ng lalaki na iyan dito? He stood up and walk towards me. Nagpatay-malisya ako at naglakad ng mabilis palabas. "Sky," he called. Hindi ko siya pinansin. Ano na naman ba kasing kailangan niya? Hindi ba siya napapagod na mangulit? It's been a week since we last saw each other. Yung mga araw na hindi siya nagparamdam ang ginamit ko upang magmuni-muni. Aaminin ko na may parte sa aking umaasa na magpaparamdam siya, magte-text, o bibisita man l

