Naabutan ko si Trina sa sala at nakikipaglaro kay Cloud pagdating ko. Cloud came to me waggling his tail. Aww baby. Umupo ako saka nakipaglaro sa kanya. Trina stayed where she was earlier but I can see her staring at me. "Sky," she called after some minutes of looking. Alam ko naman na may gusto siyang sabihin. Halata sa kanya. "Hmm?" Tumayo ako habang karga-karga ang napaka-cute at malambing kong aso saka lumapit at umupo sa tabi ni Trina. "Alam kong awkward sayo ito... but I think we should invite Zale tomorrow, too. I mean, technically, wala naman talaga siyang ginawang masama sayo maliban sa kinalimutan ka niya na hindi niya naman sadya... I think we're being too much on him." Alam ko. "Inimbita ko na siya." Tumango siya na parang naintindihan ang sinabi ko at matapos ang ilan

