"A-anong sabi mo?" Hindi ko na natiis na hindi makisabat. Zale turned to me. Mula sa madilim nitong mukha ay unti-unting lumambot. Inabot niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon. Ang pagsusumamo sa mga mata niya ang mas lalong nagpadadag ng mga katanungan sa aking isipan. "I can now remember." Nalaglag ang panga ko at hindi agad maka-react. Bumilis ang paghinga ko at nanghina ang mga tuhod. Nakakaalala na siya? Kailan pa? "Z-zale," nanginginig na sambit ni Zam. Fear is evident on her face but I don't care about it right now. Hinawi ko ang kamay ni Zale sa akin saka nanginginig na napaupo. Hinilamos ko ang dalawang kamay sa aking mukha at hindi malaman ang gagawin. "Look!" Zam shrieked. "You're freaking her out." "At least, I am not fooling her. You ruined us, Zamantha. And y

