Tinignan ko siya ng masama. Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko, sasabihin niya sa akin iyan? Ano ako, baliw? Baliw para maniwala pa sa kanya? "Sky--" "Magda-drive ka o lalabas ako rito at maghahanap ng ibang sasakyan?" He sighed before nodding. Pagdating sa condo ay walang sabi-sabi akong lumabas at iniwan siya roon. For a moment, I feel stupid. Ano, gagawin niya akong tanga? Padabog kong sinara ang pinto ng kwarto. Wala si Trina kaya walang nakapansin ng ginawa ko. Marahas kong ibinaba ang mga dalang gamit sa may sofa sa loob ng kwarto saka dumapa sa kama. Mistulang dinudurog ang puso ko ngayon habang naiisip ang mga sinabi niya. Ano raw? Hindi raw totoo ang mga pinaniniwalaan ko? He's crazy! Sa halip na magmukmok ay lumabas nalang ako at nanood ng movie sa Mall mag-isa. Magp

