Bakit? Bakit ganoon? Hindi niya nabanggit sa akin ang mga bagay na iyon kahit kailan. Ilang beses ko siyang tinanong tungkol sa sarili niya, sa pamilya niya... Kaya pala hindi siya nagulat nang malaman na isang malaki at kilalang tao ang pamilya ko. Pero bakit hindi niya sinabi sa akin? If he said it earlier, then maybe, just maybe, I would have a chance to meet my dad before he died. Para saan? Para makaganti at maramdaman ko rin ang sakit na mamatayan ng ama, ganoon ba? Hindi pa ba sapat na nalayo ako sa kanila ng ilang taon? Hindi pa ba sapat na sa sobrang trauma ay wala akong maalala sa mga nangyari? Hindi pa ba sapat na namatay ang Mommy ko? Bakit pakiramdam ko kinukuha lahat sa akin? Ayoko ng ganito. Ayoko ng ganitong pakiramdam please. Tinaas ko ang dalawang tuhod sa upuan at

