"Bakit mo pa sinabi iyon Trina?" Ngayon ko lang siya natanong nang makarating kami sa condo. Tulala ako sa daan at pilit iniisip lahat ng nangyari. Where did it go wrong? Misunderstanding lang ba ang lahat... or... ugh. Bumuga siya ng hininga saka pabagsak na umupo sa sofa. "Wala bang bibig yang Zamantha na iyan para itama yung nanay ni Zale? Like how many times she mentioned that and still, nanahimik pa rin siya at umaktong girlfriend," nanggigigil na sabi niya. Kael sat beside her, trying calm her down pero mas lalo lang siyang na-bwisit. "Trina, kaibigan natin si Zam--" "So what? May kaibigan bang ganoon ha? Taking advantage of the situation si ate mo girl? Pa-victim? Pa-epal?" Hindi nalang ako nagsalita at baka kami pa ni Trina ang mag-away. Ganyan lang talaga iyan kapag galit pero

