Pagkatapos naming mag-agahan ay inaya ko silang dalawa na mag-mall. Mag-go-grocery kasi ako ng mga lulutuin ko para mamaya. "Saan ba kayo magdi-dinner? Sure ka bang makakauwi iyon ng maaga?" Si Kael ang natutulak ng cart, ako ang naglalagay ng mga pagkain at si Trina naman ang kanina pa nagdadaldal. "Magluluto nalang ako para hindi na kami lalabas kaya either sa condo natin or sa condo niya. Mas okay na 'yun hindi ba? Para hindi na lalabas lalo na't pagod iyon." "Aww. Sana all nilulutuan," pagpaparinig ni Kael. Hindi siya nakailag sa hampas ni Trina. Ang s*****a talaga ng babaeng ito. Sinita ko siya pero hindi ako pinansin. "Nilulutuan naman kita, ah?" "Sinabi ko bang hindi?" Nagpapatalasan sila ng tingin sa isa't isa. Kung meron mang nagbago sa kanilang dalawa ay ngayon ay napapad