Maaga nga ang alis ni Zale kinabukasan. Hindi na rin siya personal na nakapag-paalam pero nag-iwan naman siya ng text. Kaya ending, kasama ko ngayon si Kael at Trina. Hindi naman ako na-o-out of place dahil madalas naman talaga kaming magkakasamang tatlo. From: Zale I arrived safely here. Mahina ang signal dito so I'll just call you when I have the chance to. I love you. Nag-reply ako ng I love you too saka ibinaba na rin ang cellphone. "Sino nag-text?" Kael asked. Katatapos lang nila magtalo ni Trina kung anong panonoorin namin. Honestly, kung tutuusin parang wala namang nagbago sa kanila ni Trina. The only thing is that now they have a label. "Si Zale. Wala raw signal doon." "Oh? Naniwala ka naman?" Binato ko siya ng unan na agad niya ring nasangga. "Biro lang naman eh." Si Trina