"Ma'am," pareho naming binati ni Cassie yung manager. Seryoso ang mata na bumaling siya sa akin. Medyo nagtaka ako dahil may kakaiba sa tingin niya. "Miss Crimson, can we talk?" Pumasok siya sa may dressing room na agad kong sinundan. Kita ko sa mukha ni Cassie ang kagustuhang marinig din ang sasabihin nito pero kailangan siya sa rito. Huminto yung manager at humarap sa akin. Ramdam ko ang pag-a-alinlangan niyang diretsahin ako sa nais niyang sabihin. "I heard what happened. Kumusta ka naman?" Ngumiti ako habang nilalaro ang mga daliri ko. "Hindi pa rin po okay pero kinakaya naman," buong katotohanan na sagot ko. "Salamat po sa pagtatanong," dugtong ko. May pakiramdam ako na hindi lang ito ang dahilan kaya niya ako gustong kausapin. At napatunayan ko iyon sa sunod niyang sinabi.

