Humarang siya sa bintana kung saan ako nakatingin. Nanatili akong tulala. Lumilipad ang isip ko at kung saan-saan napupunta pero isa lang ang alam ko. Wala akong naiintindihan. Hindi ko alam kung bakit nangyayari lahat ng ito. Kung pagsubok ba ito o parusa. Kung deserve ko ba lahat ng ito. Kung ako lang ba ang trip ng mundo ngayon. Lahat ito nangyari simula noong trahedyang nangyari noong bata pa ako. Kung hindi nangyari iyon ay sana kasama ko pa ang mga tunay kong magulang. Kung sana hindi iyon nangyari ay buhay pa ang ama ni Zale, hindi niya na hahangarin pang maghiganti at saktan ako. Kung hindi iyon nangyari ay masaya sana sila ni Zam ngayon at ako naman ay kontento na sa buhay ko. Kung hindi iyon nangyari baka pati ang tadhana ni Trina ay mag-iiba. Kahit walang koneksyon ay baka, b

