Kinjie's P O V Palabas na ako ng bahay nina alex, akmang papasok na sana ako sa kotse ko na ngayo'y nakaparada sa harap nina alex nang makita ang tao na ngayo'y nakamasid sa harap ng bahay. Naka-itim ang suot na halatang tinatago ang sarili habang palihim na nakamasid kina alex. Bigla nalang itong lumakad papalayo nang makita ako na nakatingin sa kaniya. Sumakay ito sa isang motorsiklo na halatang kasabwat din niya ito. Biglang sumagi sa aking isip ang mga masasamang hinala at kutob, posibleng ang taong 'to ay may kinalaman sa pagkidnap kay alex noong nakaraang araw. Agad akong pumasok sa kotse ko at agad na sinundan ang taong iyon. Sila kaya ang may pakana sa nangyari kay alex noong nakaraang araw? Sila kaya ang nagtangka sa buhay ko kapag hindi lumayo si alex sa'kin?