Kinjie's P O V "Alex! Huwag kang pipikit ah? Huwag kang bibitaw. Malapit na tayo" sambit ko kay alex na habang nagmamadaling nagmaneho patungong ospital. Hindi ko siya nasagip kanina. Hindi ko nakita ang plaka ng kotse na nakabangga sa kanya. Pinigilan ko iyong kotse ngunit humaharorot lang ito palayo na parang walang nangyari. Pagkarating ko sa ospital, agad akong bumaba sa kotse ko at daling dinala sa emergency room si alex. Halos nanginginig na ako sa takot na habang nakikita ang patak ng dugo ni alex galing sa kaniyang hita. Tumama ito sa gilid ng kotse na nakabangga sakanya. Gusto kong suntukin ang sarili ko. Kung hindi lang sana ako dumalaw kay tina sana hindi ito nangyari. "Dok! Gagawin niyo po ang lahat maligtas lang siya!" Kabado kong tugon. Agad kong kinu