Chapter 6

890 Words
Alexandra's P O V   Halos mabuhol-buhol ko na ang buong laman ng bag ko, pero wala akong makita, sayang! May importanteng bagay pa naman doon,   "Nak! Bilisan mo jaan! Nandiyan na si manong sa labas naghihintay" Talak sa'kin ni mama   "Teka lang po, may hinahanap lang" Sagot ko   Nasaan na ba kasi iyong wallet na iyon? 'Pag minamalas na nga naman oo! 'Di pwedeng mawala ang bagay na iyon! Importente yun sakin eh, kainis naman.   Muli kong tinignan ang laman ng drawer ko, ilang beses ko na itong pabalik balik na tinignan pero wala, walang wallet ang lumitaw sa aking mga mata,   Lumabas nalang ako ng kwarto ko at bumaba na, baka puputok na sa galit si mama sa ibaba, may dragon pa naman sa katawan 'non.   "Tara po?" Pagtataray ko pa,   Isinantabi ko muna ang nawawalang wallet ko, ngayon kasi namin napagpasyahan ni mama na dalawin si papa sa puntod niya... Matagal tagal narin kaming hindi naka dalaw kay papa, namimis ko narin siya   Sumakay na kami ni mama sa sasakyan at kalaunan ay nakarating narin kami sa puntod.   Hinanap nalang namin ang puntod niya, at nang mahanap na namin ito ay agad namin itong nilinis,   Lumipas ang isang oras na pananatili namin sa puntod ni papa, napagpasyahan naming umuwi na   "Ma? Daan muna tayong mall ah? May bibilhin lang ako doon" Sabi ko kay mama   "Ano yun anak?" Tanong niya   Naman! Si mama talaga o!   "Gamit pambabae ma! Alam niyo na po" Ngiti kong sambit,   "Pasador mam?" Sabat naman ni manong drayber   Aba? Loko loko, shout out talaga? At tsaka alam niya talaga ah? Ikaw manong ah! May hindi ka ata sinasabi samin ah?   Umirap nalang ako, kairita 'tong si manong eh!   Habang patakbo ang kotse, bigla kong nakita ang isang iskinita,   Bigla kong naalala, tama!   "manong? Itabi mo po iyong sasakyan." Utos ko pa   Napakunot noo nalang si mama nang masulyapan ko ito.   "Saan ka pupunta?" Tanong sa'kin ni mama   "Wala ma, just wait here nalang po" Tugon ko   Agad nalang akong lumabas ng kotse, tsaka nagmamadaling naglakad,   Baka doon ko naiwan ang wallet na iyon,   Pagkarating ko sa gitna nang gubat ay pansin ko na pakapal nang pakapal yaong mga ulap, kaya dinoble ko na ang aking paglalakad,   Hanggang sa dumating ang puntong bumuhos ang napakalakas na ulan, wala na akong ibang magawa kung hindi ang sumilong sa malaking puno, kainis naman! 'Bat pa ba kasi umulan?   Di nagtagal ay tumila narin ang ulan na iyon, pero kapalit ay ang ginaw, basang basa ang shirt at pants ko, damn!   Lumakad nalang ako papuntang tree house, at di nagtagal ay nakarating din ako sa tapat nito,   Dumeretso na ako sa isang mesa kung saan ako nakaupo kahapon,   Iwan ko ba kung bakit? Pero kahapon, habang tumatakbo ang sasakyan ay bigla ko nalang nakita iyong iskinita, isang pamilyar na daan.   Kaya dahil doon ay pinahinto ko muna ang saaakyan at sinundan ko ang mga tapak ng aking mga paa.   Ewan ko dito sa aking mga paa, pero bigla nalang akong dinala sa isang tree house na nasa gitna ng kagubatan...   Bigla akong nakaramdam ng gaan ng loob, habang nanatili ako sa tree house na iyon ay parang ang gaan gaan ng aking loob, pakiramdam ko ay komportable ako, ano kaya itong lugar na ito? May koniksyon kaya ito sa aking nakaraan?   Hinanap ko nalang ang wallet ko, mula sa mesa, sa mga drawer, sa kama hanggang sa ibat ibang sulok pero kahit isang anino man lang ng aking wallet ay wala, wala akong makita,   Nasaan na ba kasi 'yon?   Habang tumatagal ay padilim ng padilim ang paligid, mukhang may paparating nanaman na malakas na ulan.   Nagmamadali nalang akong bumaba sa hagdanan,   Akmang patakbo na sana ako upang umuwi nang bumuhos ang napakalaling ulan,   Nanaman?   Bumalik nalang ako sa tree house, mas mabuting doon muna ako mananatili habang palakas ng palakas itong ulan, mas safe doon kaysa sa gitna ng gubat,   Pagkarating ko sa tree house ay agad ko namang hinubad ang aking suot na damit, pero bago iyon ay inikot ko muna ang aking paningin sa buong paligid,   Siguro naman walang makakita sa'kin dito, sino ba kasing magkakainteres sa lugar na ito? nasa gitna ng gubat? Lalo na't malakas pa iyong ulan, kaya imposibleng may lalaking mapadpad sa lugar na ito, pwera nalang kay tarzan.   Sa wakas ay nakaramdam din ako ng maaliwalas na pakiramdam, medyo nawala na ang ginaw sa aking katawan mula nang hubarin ko ang aking shirt,   Sinilip ko nalang ang bintana nitong tree house.   Ang ganda din pala dito sa lugar na ito, pakiramdam ko ay nasa isang fantasy island ako, nasa gitna ng gubat at kitang kita ang buong kagubatan.   Sino naman kaya ang nagmamayari sa lugar na ito?   Bakit sa gitna ng gubat pa?   Habang nakaupo ako sa isang sofa, napakunot noo nalang ako ng makita ang isang shirt na kulay puti na nakapatong sa mesa ng tree house,   Agad ko  nalang itong nilapitan at dinampot,   Kanino kaya ito?   Pamilyar sa'kin ang scent niya,   Napailing nalang ako sa tapat ng pintuan ng tree house ng marinig ko ang mga tapak ng paa na ngayo'y papunta sa'kin.   Halos lumipad na ang aking kaluluwa sa nakita ko, wala na akong ibang magawa kung hindi ang takpan ang nakahubad kong katawan,   "A-anong ginagawa mo dito?" Gulat kong tanong sa lalaking ngayo'y nakaharap sa'kin   ---   KinDra    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD