My Guardian Devil Season 2 AiTenshi Part 40: Ang Paggising "Hindi na masama para sa isang guardian na may mababang ranggo ang umabot sa kanyang ikalawang bahagdan ng lakas. Ngunit sa palagay mo ba ay sapat ito? Isang oras na mahigit na akong nakikipaglaban sa inyo pero ni isang galos ay hindi niyo pa rin ako nabibigyan. Sana naman sa anyo mong iyan ay mabigyan mo man lang ako kahit isang gasgas, huwag akong biguin," ang wika niya sabay sugod sa aking kinalalagyan kaya naman bumukas ang aking pakpak at mabilis ko siyang sinagupa. Nagkaroon ako ng karagdagang bilis at lakas, sa palagay ko nakakasabay ako sa kanya kahit kaunti. Nag-aabot ang aming lakas, ang bawat hampas ng aming mga sandata ay nagdudulot ng malakas na impact sa paligid. Paminsan minsan ay umiiwas ako at muling aatake p