My Guardian Devil Season 2 AiTenshi Part 39: Ipul "At sa tingin ko ang kalaban natin ngayon ay nabibilang sa ikatlong bahagi, ang Darken!" ang wika ko. "Tama ka doon, bilisan natin upang makapagpahinga si Yul," ang wika ni Boss at habang nasa ganoong paglalakad kami paalis sa rooftop ay may narinig akong ingay ng kadena na ang mumula kung saan. At isang hakbang pa ang aming ginawa ay biglang bumulagta si Boss Lu, nagulat rin ako noong sumabog ang tugon sa aking bibig. Noong mapatingin ako sa aking tiyan at laking gulat ko noong may tumamang pangalawit dito, nakabaon sa aking kalamanan at nag durugo ng husto. Agad kong inalis ang nakatarak na pangalawit ang sa aking tiyan, ni hindi ko man lang naramdaman ang kanyang pag dating, ngayon ay wala na siyang nakakatakot na pwersa, pero an