My Guardian Devil Season 2 AiTenshi Part 25: Bagong Yugto "Magandang gabi, maraming salamat sa inyong pag dating, ang akala namin ay hindi niyo pauunalakan ang aming panawagan," ang bungad ng may ari ng bahay na aming pinuntahan. Tuloy pa rin ang aking trabaho bilang isang soul hunter dito sa mundo ng mga mortal. "Nasaan siya? Maaari ko bang makita?" tanong ko naman. "Nandoon siya sa itaas. Ilang pari ang aming tinawag ngunit wala pa rin, napapahamak lamang sila, nag kakabali bali ang kanilang buto at nalalagay sa peligro ang kanilang buhay," ang nag aalalang wika ng may bahay. "Siguro ay masyadong malakas ang nilalang sa kanyang katawan kaya't nagagawa nitong manakit," ang sagot ni Yul sabay bukas sa pintuan ng isang silid at dito ay bumulaga sa amin ang isang batang lalaki na naka