My Guardian Devil AiTenshi Part 24: Mukha ng Panganib Naibalik na si Yul sa kanyang orihinal na katawan ngunit sa pag aakala namin na tapos na lahat, biglang bumangon sa impyerno ang lalaking nag nakaw ng kanyang katawan at ngayon ay ako naman ang pinag babalakan nyang agawan. Iba na ang kanyang anyo at ramdam ko ang kanyang lakas na mas tumindi pa kasya kanina kaya wala kaming nagawa kundi ang dumistansiya ng kaunti. "Akin na ang katawan mo!" ang sigaw nito at mabilis na lumipad patungo sa akin. Literal itong lumutan sa ere habang nag lalabas ng itim na aura sa kanyang katawan. Dahil wala akong tatakbuhan ay sinubukan kong humarap at lumaban sa kanya pero hindi na sapat ang aking lakas kaya naman sinakal ako nito at inilipad sa paligid palayo sa aking mga kasamahan. Ramdam na ramdam