My Guardian Devil AiTenshi Part 23: Misteryosong Kalaban "Devon! Friend! Gumising ka!" ang boses ni Santi habang inuuga nito ang aking walang malay na katawan. "Devon, gumising ka! Gumising ka! Nandito na ako!" ang boses ni Yul, marahil ay nag tagumpay nga talaga si Santi na mahanap ang kanyang kaluluwa. Unti unting nag balik ang aking ulirat kasabay nito ang matinding pag kirot ng aking ulo at ng buo kong katawan. Ramdam ko ang pamamanhid ng aking mga braso at hita. Marahan kong binuksan ang aking mata at doon ay nakita ko si Santi at ang kaluluwa ni Yul na nasa harap. "Nasaan na? Nasaan ang katawan ni Yul? Huwag niyo siyang papatakasin!" ang bulong ko at nag pumilit akong bumangon. "Hay friend, itinakas muna kita dahil malaal ang lagay mo. Sa ngayon ay ligtas tayo rito. Siguro sa m