Shantal Mia Namalayan ko na lamang na nangangatal na ang buo kong katawan at halos wala na akong ibang marinig na ingay sa paligid kundi tanging ang malakas na kabog na lamang ng dibdib ko. "Andrei! Nandito ka rin! Alam mo bang matagal na kitang hinahanap?" Kaagad akong nilampasan ni Brittany at sinalubong ang paparating na si Andrei ngunit nanatili lamang ako mula sa kinatatayuan ko at hindi ko na makuha pang gumalaw o lingunin man lamang sila. Hindi ako makapaniwala. Paano niya nagawa sa akin 'to? "Dito lang pala kita matatagpuan at mukhang itinadhana talaga tayong dalawa!" "W-What?" dinig kong tanong ni Andrei kaya doon ko na nagawang lingunin sila. Nakita kong magkasalubong na ang mga kilay niya habang nakatitig kay Brittany na para bang naguguluhan siya sa sinasabi ng kapatid