CHAPTER 38: Deserves Better/MATURE SCENES!

2087 Words

Shantal Mia Napatulala na lamang ako habang nakatitig sa dalawang linyang lumitaw sa pregnancy test na hawak ko. Saglit na nablangko ang isipan ko at hindi ko magawang gumalaw. Isa lang ang ibig sabihin nito. Nagbunga na nga ang maraming gabing pinagsaluhan namin ni Andrei. Isang sanggol na nga ang nabuo sa sinapupunan ko na siyang nagmula sa aming dalawa. Hindi ako makapaniwala. Napasapo ako sa tiyan kong sobrang impis pa lamang at marahan itong hinaplos. Paano kapag nalaman niya ito? Siguradong iiwan na talaga niya ako. Siguradong hindi niya ito matatanggap dahil ang tanging alam lang niya ay makalimot at maghiganti sa babaeng totoo niyang minamahal. Totoo ngang ginagamit niya lang ako laban kay Kisma, laban sa puso niyang ibang babae pa rin ang isinisigaw. Hindi ko napigilang mapa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD