CHAPTER 39: CCTV

2065 Words

Shantal Mia Hindi ko inakala na kung gaano pala kasarap ang magmahal, hindi lang triple ang balik kapag nasaktan. Hindi lang puso ang nadudurog kundi buong katawan, buong pagkatao at buong kamalayan. Nawalan na ako ng lakas pang gumalaw. Hindi ko na magawa pang ihakbang ang aking mga paa at ang tanging nagagawa ko na lang ay tumulala sa kawalan at hayaan ang mga luhang patuloy sa pagbagsak. Kasabay nang pagbagsak ng napakalakas na ulan mula sa kalangitan na pakiramdam ko ay nakikiramay sa pagdadalamhati ng puso kong nawasak sa pangatlong pagkakataon matapos akong ipagtabuyan ng sarili kong pamilya at pagkawala ng pinakamamahal kong lola. Saan pa ako pupunta? Ano ba talaga ang dahilan bakit naririto ako sa mundong 'to kung puro sakit lang naman ang mararanasan ko? Ipinanganak lang ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD