Shantal Mia "M-Mommy mo s-si t-tita Gemma?" tanong ko kay Andrie at hanggang ngayon ay napapatulala pa rin ako sa hindi ko mapaniwalaang bagay na ito na nalaman ko. Tumayo naman siya at binuhat ako. Awtomatikong yumakap ang mga braso ko sa batok niya at sumiksik ang mukha ko sa leeg niya. Mis na mis ko siya sobra. 'Yong amoy niya at 'yong init ng katawan niya habang yakap ako. 'Yong pakiramdam na parang safe na safe ako. Lumabas kami ng closet room niya at nagtungo sa kama. Umupo kami habang siya ay nasa likuran ko at nakayakap sa akin. Tiningala ko siya at hinintay ang sagot niya. "Yeah, they're the family, who adopted me, and this room ... is mine." Napanganga ako at ilang beses napakurap habang nakatitig sa kanya. Seriously? Hindi ba panaginip lang ito? Nananaginip ka lang, Mia! "