Shantal Mia Lumipas ang ilang linggong pananatili ko sa mansion ng mga Gu. Naging mas malapit pa ako sa mga taong nakatira dito at sa mga nakakasama ko araw-araw. Ewan ko ba kung bakit pakiramdam ko ay especial kung ituring nila ako. Hindi naman nila ako inuutusan sa mga gawain at kung maabutan naman nila akong may ginagawa ay kaagad nilang inaagaw. Kaya kadalasan ay nakatanga lang ako sa kanila at nahihiya ako sa mga ginagawa nila sa akin. Hindi naman nila ako amo pero parang gano'n nila ako ituring. Malimit ko ring makasama si tita Gemma sa garden niya. Mahilig din pala siyang magtanim kaya naman napakagaganda ng mga halaman niya at iba't ibang klase ang mga bulaklak na bibihira ko lang makita dito sa Pilipinas. Ang sabi niya ay nagmula pa raw ang iba sa mga iyon sa China. "Ang taw