Quotes "Anumang laban sa buhay kaya ko na ipanalo basta alam ko na may kakapitan ako" Kinabukasan tinanghali ako ng gising dahil sa puyat at pagod pero magaang ang pakiramdam ko dahil sa nangyari sa amin ni Amira, Dahil sinamantala ko talaga ang Pagkakataon kagabi na masolo sya habang wala ang masungit kong anak na si Eloisa. Agad na hinanap ng aking paningin si Amira subalit wala na sya sa higaan agad ako nagbanyo, at pagkatapos ko agad ko ng tinungo ang pintuan ng kwarto upang puntahan si Amira, konting uwang pa lamang ng pinto ay agad ko ng narinig ang pamilyar na boses na kapag nagsusungit. kaagad ako napangiti dahil nandito na ang aking anak na si Eloisa. Pero nagtaka naman ako kung sino naman kaya ang sinusungitan ng aking anak. "Sino kaba? at anong ginagawa mo dito sa bahay ng