"Kahit ano pa ang sabihin nila wala ako pakiaalam basta iisa lang ang salitang naiintindihan ko ang "Mahal Kita" lsang linggo narin ang lumipas mula ng tinuturuan ko ang batang si Alex sa pangangabayo. Nakikita ko sa kanya na mabilis syang matuto. At mas madalas din syang sungitan ng aking anak na si Eloisa dahil narin sa kagustuhan rin nito matuto na mangabayo. Pero si Amira na mismo ang nagsabi na masyado pang bata ang Anak namin para matuto sa pangangabayo. Hapon mag isa lang ako sa bahay si Lenard at Tatay ay may pinuntahan, Si Amira at Eloisa naman ay sinundo ni Tatay Lambert para pumunta sa bahay nila Tito Ashlem. Gustuhin ko man samahan ang mag ina ko ay hinde pwede dahil may hinihintay rin ako na bisita galing sa Iran. Panatag naman ang loob ko na malayo sa tabi ko ang mag ina k