Confession

1158 Words
QOUTES FOR THIS CHAPTER "MAYBE THERE ARE NO RIGHT MOMENTS, RIGHT GUYS, RIGHT ANSWER.. MAYBE YOU JUST HAVE TO SAY WHAT'S IN YOUR HEART!" Pinahinto ko na si Alexander ko, kung saan lagi ako nagpupunta. Nandito kami sa hinde naman kataasan na bundok kung saan sapat na para makita ang iba't-ibang tanawin. Madalas ako magpunta dito lalo na pag gusto ko mapag-isa. Naupo ako sa malapad na bato. "Pwede ba ako maupo?" Narinig ko na tanong niya sa akin. "Hinde ko pag-aari ito para magtanong kapa sa akin" Sagot ko naman sa kanya, Naupo naman siya sa tabi ko. "Madalas kaba rito?" "Yes' Lalo na pag gusto ko mapag-isa. lalo na pag papalapit na ang laban ko. Dito ko kasi nailalabas ang lahat ng naisin kong sabihin na walang makakakita at makakarinig sa akin! Pero mula nang dumating si Alexander ko siya ang tanging naging saksi sa lahat nang nakikita niya sa akin dito!" "Tulad nang ano?" "Alam ko ang tingin mo sa akin ay napaka-swerte na tao diba? dahil halos lahat nasa akin na! Yung bang hinde na kailangan magtrabaho kasi alam ng lahat ng tao na hinde ako magugutom! Dahil narin sa kung anong katayuan meron kami ngayon!" Napabuntong hininga ako nang malalim, Hinde ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang lahat ng bigat na nararamdaman ko sa loob ng labing anim na taon, Naramdaman ko na naglandas na ang mga luha ko, Hinayaan ko lang ito. Dahil kahit punasan ko naman sila patuloy parin sila na maglalandas sa mga mata ko. "Amira..?" Narinig ko na binanggit niya ang pangalan ko. Naramdaman ko na pinunasan ito ng kanyang palad. pero iniwas ko ang mukha ko. "Hayaan mo lang sila, Para mailabas ko man lang kahit papaano ang bigat ng nararamdaman ko dito sa puso ko" Patuloy ako sa pag-iyak habang sinasabi ko sa kanya ang mga iyon. Nilingon ko saglit si Alexander ko na nakatali na sa Isang puno mula sa likuran namin. At muling bumaling ang paningin ko sa tanawin na nasa harapan ko. "Alam mo ba Mr. Ybañez? masama akong kapatid?" "Tawagin mo ako sa pangalan ko 'Alexander!" At anong sinasabe mo na masama kang kapatid?" "Sakim ba ako? Dahil gusto ko ako lang ang nag-iisa na prinsesa ng Daddy ko?" Tuluyan na ako napahagulgol dahil sa sobrang sama nang loob ko. Naitakip ko na ang dalawang palad ko sa mukha ko habang patuloy ako na umiiyak. Naramdaman ko rin na yumakap ang katawan niya sa akin. "Amira Sabihin mo ang lahat sa akin. handa ako makinig!" Narinig ko na pakiusap niya sa akin. lalo humigpit ang pagkakayakap niya sa akin habang sinasabi niya iyon. "h'hinde ko naman kagustuhan na mawala ang k'kapatid ko na si Bella e! Nang nasa Mall kami n'naiwanan sa akin si Bella dahil nagpunta si Mommy sa Restroom. Sa sobrang dami ng tao sa Mall hinde ko napansin na nawala siya!" Patuloy ako sa pag-iyak habang nakatakip parin ang palad ko sa mukha ko. Naramdaman ko na inangat ng kanyang palad ang aking mukha kaya nagpantay na ang aming paningin. Pinunasan niya ang mga luha ko. Pero pilit ko iniiwas ang mukha ko sa palad niya. "Paano mo nasabi na kasalanan mo? Aksidente ang nangyari sa kapatid mo!" "Narinig ko silang lahat na nag-uusap alam ko kahit hinde nila sabihin ako ang sinisisi nila sa pagkawala ni Bella, Dahil Selosa daw ako! Dahil sarili ko lang daw ang iniisip ko! dahil gusto ko daw ako lang ang mahal ng Daddy ko! Gusto ko daw ako lang ang prinsesa ng Daddy ko!!" Patuloy parin ako na umiiyak, Wala na ako pakialam kung ano man ang itsura ko ngayon sa harapan ni Alexander. Dahil ngayon ko lang nailabas ang sama nang loob ko. Pilit ko itong itinago sa puso ko. Kahit hilam na ang mata ko sa luha hinde nakaligtas sa akin na tila may galit sa mata niya at sa panga niya na tila nanigas rin, dahil sa patuloy niya na naririnig sa akin. "T'tama naman silang lahat e! Gusto k'ko ako lang talaga ang prinsesa ng Daddy k'ko! Pero hinde ako masamang k'kapatid, Mahal ko si Bella!! Mahal ko ang k'kapatid ko!!" Patuloy siya sa pagpunas sa mga luha ko. Sa pagkakataon ngayon hinayaan ko na siya na gawin niya sa akin iyon. "Shhhh.. Tama na Amira! Naniniwala ako sa'yo. At hinde ka makasarili. Masyado mo lang minahal ang Daddy mo!" Patuloy parin siya sa pagpunas sa mga luha ko, Habang nakakulong sa dalawang palad niya ang mukha ko na basang-basa na dahil sa walang tigil na mga luha ko. "Alam mo ba? Ngayon narinig ko iyan sa'yo? Gusto ko mainggit sa Daddy mo! Sana maranasan ko rin ang mahalin ng isang Amira Casimiro! Dahil napakasarap mo magmahal Amira!" Hinde ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin, Pero kahit papaano gumaang ang loob ko sa sinabi niya sa akin. Labis ko lang talaga minahal si Daddy. At masyado pa ako bata nang mga panahon na iyon kaya nakaramdam ako ng pagseselos sa bunso kong kapatid na si Bella, Pero Pag nahanap na talaga siya nila Daddy hinde na ako makakaramdam nang selos. Dahil mas naiintindihan ko na. At hahayaan ko siya na makasama niya si Daddy gusto ko rin na maranasan niya kung paano magmahal at maglambing si Daddy bilang Isang ama sa aming mga Anak niya. Umayos na ako nang pagkakaupo ko dahil nakaramdam na ako nang pagka-asiwa sa itsura namin. Dahil masyado nang malapit ang mukha niya sa mukha ko. Muli kong ibinalik ang aking atensyon sa aking natatanaw mula sa aking harapan. "Salamat Mr. Ybañez! Pasensya kana rin at sa'yo ko nailabas ang lahat ng ito! Nakita mo tuloy ang kahinaan ko!" "Hinde kahinaan iyan Amira! Lalo ako humanga sa'yo! Dahil sa loob nang matagal na panahon na may dinadala kang sama nang loob ay pilit mo parin na inaangat ang sarile mo! Hinde ka nagpatalo sa mga negative na narinig mo para sila ang dahilan ng iyong kahinaan! Bagkus pinilit mo na maging Isang matagumpay para maging proud sa'yo ang Daddy mo!" Natuwa ako sa sinabi niya sa akin. Kahit papaano may Isang tao ulit na naniniwala sa akin, Bukod kay Daddy. "Salamat" "Anong Salamat? Hinde ako tumatanggap ng salamat lang!" Bigla ako napatingin sa kanya, kasabay ang pagkunot-noo ako sa kanyang sinabe. "Huwag mong sabihin na katawan ko ang gusto mong kabayaran?" Medyo naiinis ko nang tanong sa kanya. Narinig ko pang natawa siya. At napailing. "Hinde mo kailangan ipambayad iyang katawan mo! Dahil paghihirapan ko muna na makuha iyan kasabay nang puso mo!" Nakangiti niyang sagot sa akin. Kasabay ang pagkislap ng kanyang mga mata. "Sa ngayon ang gusto ko tawagin mo ako sa pangalan ko 'Alexander' pwede rin naman na 'MY ALEXANDER' para hinde ka malito sa amin ni Alexander mo" Nakangiti niya ulit na sabi sa akin. Napangiti narin ako. Dahil kung bakit ba naman kasi na Alexander ang naisipan ko na ipangalan ko sa kabayo ko..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD