Adobo

1125 Words
QUOTES FOR THIS CHAPTER FOCUS ON WHAT YOU DO WELL, IGNORE WHAT YOU DON'T IMAGINE WHAT COULD HAPPEN! Ako na ang nag-aya na bumalik na kami sa Hacienda nila. At hinde narin siya pumayag na ako ulit ang magpatakbo kay Alexander ko. Habang pinapatakbo niya si Alexander ko at habang nakapulupot naman ang dalawang braso niya sa bewang ko, Hinde ko alam kung ano ang pilit na kumawala sa puso ko, Pero pilit ko itong hinde pinapansin. Dahil natatakot ako na bigyan ko naman ito ng pansin. Nabawasan na ang konting inis na nararamdaman ko sa kanya. Pero hinde ko parin masasabi na nakuha na niya ang tiwala ko. Dahil sinisigurado ko na mahihirapan muna siya bago iyon mangyari. Pagdating sa Hacienda nila kaagad sumalubong si Tatang Nardo sa amin. Kaagad ako nito inalalayan para makababa sa kabayo at sunod naman na bumaba si Alexander. "Iha' tumawag pala ang Daddy mo kinakamusta ka, sabe ko huwag siya mag-alala sa'yo dahil hinde ka naman papabayaan ni Alexander" "Salamat po tawagan ko na lang po si Daddy mamaya" Nakangiti kong sagot sa kanya. Habang sabay-sabay na kami lumakad para pumasok sa loob ng bahay. Iniwanan kona silang dalawa sa sala at tumungo na ako sa kwarto ko. Pero bago ako makapasok may tumawag muna sa pangalan ko. "My Amira lumabas karin kaagad at tumungo sa kusina" Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Bakit pinapapunta niya ako sa kusina? At tila nasasanay na siya na tawagin akong My Amira?. Hinde na ako sumagot. Pagpasok ko sa kwarto kaagad ako tumungo sa banyo para makaligo dahil alam ko na marumi ang katawan ko, Lalo na ang suot ko na pantalon. Paghubad ko sa jacket ni Alexander na suot ko pinagmasdan ko ito habang hawak ito ng mga kamay ko. Pero kaagad ko rin ito nabitawan dahil ayoko ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit basta Ayoko. Pagtapos ko maligo at magbihis tulad ng sinabi niya lumabas narin agad ako at tumungo na sa kusina. Pagpasok ko naman sa loob nakita ko si Alexander na may kinukuha sa Ref, Nakuha ko naman agd ang atensyon niya kaya kaagad naman niya ako nginitian. Hinde ako gumanti ng ngiti sa kanya lumapit na lang ako. "Gusto mo ba matutuo magluto?" "Ha? Hinde nga ako marunong magluto e!" "Kaya nga tinatanong ko kung gusto mo ba matuto magluto?" Hinde niya ako nilingon at tumungo naman siya lababo. "Bakit? Tuturuan mo ako? Marunong kaba magluto?" Saglit niya ako nilingon at seryoso na naman ang kanyang mukha. "Mula nang mag-aral at mag-isa ako sa manila lahat pinag-aralan ko dahil wala ako ibang aasahan kundi ang sarili ko, Lalo na nang matagal ako tumira sa bansang Iran Wala ako inasahan kundi ang sarili ko. Pati ang emosyon ko ay kinalaban ko dahil ang lahat ng iyon ay may dahilan, At para sa taong naging inspirasyon ko" Napakunot-noo ako sa kanyang sinabe dahil sobrang seryoso naman ng kanyang mukha habang hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa akin. "Ok Sige ano ba iyang lulutuin mo?" "Lulutuin mo! Ikaw Ang magluluto. huwag ka mag-alala tuturuan naman kita" Nakangiti na niyang sabi sa akin. Nalaman ko din na Adobong manok daw ang lulutuin ko. Dahil Isa raw ito sa madaling lutuin. Pero nagtaka ako bakit may saging saba? Kasi sa Hacienda madalas makita ko na sahog sa Adobo ay patatas o kaya kamote. Tinanong ko siya. Tanging sagot niya lang sa akin dahil ang saging saba daw ay matamis kaya masarap daw ang magiging lasa nila. Yung asim, alat, at tamis, Hinde na ako sumagot sinunod ko na lang kung ano ang kanyang sinasabi habang inumpisahan ko na magluto, nakasandal naman siya sa Malaking Ref habang pinapanood niya ako, Gusto ko mainis kasi naririnig ko na natatawa siya dahil ang layo ko sa niluluto ko, Natatakot kasi ako matalsikan ulit ako ng mantika. Habang hinihintay naman namin matapos ang niluluto ko. Nagkwentuhan kami kaya marami rin ako nalaman tungkol sa kanya. Dahil laging ako ang nagtatanong ng tungkol sa kanya. Pero siya hinde man lang siya nagtanong ng tungkol sa akin. Kaya parang nadismaya ako. "Ako hinde mo ba ako tatanungin tungkol sa sarili ko?" Naisipan ko naman na itanong sa kanya. Bigla na naman sumeryoso ang kanyang mukha. Nakita ko pa na napailing siya. "Hinde na kailangan matagal na kitang kilala at alam ko ang lahat-lahat sa'yo" Nagsalubong ang kilay ko sa kanyang sinabe, Gusto ko siya tanungin pero nginuso na niya ang niluluto ko dahil matutuyo na siya at nagmamantika na ang adobo. Kaya nawala na sa isip ko ang kanyang sinabi. Siya na ang nagsalin ng niluto ko sa malaking mangkok. Dahil may pinuntahan daw si Tatang Nardo kami lang dalawa ang kakain. Nang nag-umpisa na kami kumain, Hinde ako makapaniwala na ako ang nagluto ng kinakain namin ngayon. Napatingin din ako kay Alexander na nasa harapan ko at kumakain ng naka kamay. Ganadong-ganado siya kumain kaya pati ako nahawa na sa kanya. Kaya nagkamay narin ako. Napansin ko na napatigil siya sa kanyang kinakain kaya napatingin ako sa kanya. "Sigurado kang magkakamay ka? mamantika ang ulam natin" Pagtataka na tanong niya sa akin. "Oo naman parang ang sarap kasi ng naka-kamay habang kumakain eh" Tanging sagot ko lang sa kanya. Hinde na siya muli pang nagsalita at muli niyang binalik ang kanyang atensyon sa pagkain, Ganoon din ako. Pagtapos namin kumain siya naman ang naghugas ng aming pinagkainan. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakaupo ako sa upuan. "Gusto mo ba na magkarera tayo bukas?" Narinig ko na tanong niya sa akin na hinde ako nilingon. Natuwa ako sa narinig ko dahil namiss ko talaga ang makipag karera habang sakay ni Alexander ko. "Sige ba!" "Pero may kabayaran!" Lumingon na siya sa akin habang pinupunasan niya ang kanyang dalawang kamay ng isang twalyang miliit na nakasabit sa Ref. "Mahilig kaba talaga magpabayad Mr. Ybañez??" Nag-uumpisa na naman ako mainis sa kanya. "Pero Ikaw hinde ka marunong magbayad! diba sabi ko tawagin mo ako sa pangalan ko na 'ALEXANDER!" "Ok Fine! Alexander! Masaya kana?" Nakita ko naman na napangiti na siya. Bigla naman tumibok ang puso ko. Ano ito? bakit nararamdaman ko ito? May sakit naba ako sa puso? Kailangan ko na yata magpatingin ah! kausap ko sa sarili ko. "Diba sa bawat pagtakbo natin kasama ang ating kabayo ay may dahilan? Gusto natin manalo dahil meron tayo na gusto na maabot? Ganoon ang gusto ko mangyari ngayon! Pag natalo mo ako lahat ng gusto mo ay susundin ko! pero pag natalo naman kita lahat ng gusto ko ay susundin mo!" Sobrang seryoso ng kanyang mukha habang sinasabi niya ang mga iyon sa akin. Pero matalo ko kaya siya? Dahil narinig ko narin minsan na sobrang layo na ng narating niya kung ikukumpara sa narating ko..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD