Sumisibol na Pag-ibig

1086 Words
QUOTES FOR THIS CHAPTER ANG TUNAY NA PAG-IBIG? YUN YUNG HINDI MO ALAM KUNG BAKIT MO SIYA NAGUGUSTUHAN. PERO MINAHAL MO SIYA SA HINDI MAIPALIWANAG NA DAHILAN. Kinabukasan maaga ako gumising, Pagtapos ko magbanyo lumabas na ako ng kwarto at tumungo na sa kusina. Nabungaran ko si Tatang Nardo na nagtitimpla ng kanyang kape. "Magandang umaga iha" "Magandang umaga rin po Tatang Nardo" "Iha' Kumain kana nagluto na si Alexander ng pagkain. At may pinuntahan lang siya saglit, babalik din daw siya agad" "Salamat po Tatang" Nakangiti kong sagot sa kanya, Lumabas narin siya ng kusina. Ako naman ay naupo na para kumain. Napaisip naman ako habang kumakain dahil sa mga pagkain na nasa aking harapan. Niluto lahat ito ni Alexander? Dahil Akala ko hindi totoo na wala sing katiwala dito na dapat ay gumagawa ang lahat ng ito. Unti-unti na ako humahanga habang nagtatagal ako dito. Dahil kahit malaki na ang pinagbago ng kanilang buhay ay nanatili parin sila sa buhay na nakasanayan nila. "Alex! Alex!" Naririnig ko na tila boses ng Isang babae. At sinisigaw ang pangalan na Alex. Tapos narin naman ako kumain kaya napalabas na ako ng kusina. May nakita ako na babae Mataas siya sa akin, morena, Balingkinitan ang kanyang katawan at hanggang balikat ang kanyang itim na buhok. Nakapasimple rin ng kanyang kasuotan. "Hi sino hinahanap mo?" Sabi ko para makuha ko ang kanyang atensyon. Nang mapatingin siya sa akin duon ko nakita ang kanyang hitsura. maganda siya kahit simple lang siya. Nakita ko rin na nagulat pa siya nang makita niya ako. "Hi si Alex?' Ang ibig kong sabihin si Alexander?" Ngumiti naman siya sa akin, Kaya gumanti na rin ako ng ngiti sa kanya. Wala siya rito e' Ang sabi ni Tatang Nardo may pinuntahan lang daw siya at babalik rin daw siya agad" Nakita ko ang tila pagkadismaya sa kanyang mukha. "Ganoon ba! Talaga iyang si Alexander walang isang salita!" Napakunot-noo ako sa narinig ko mula sa kanya. At kaagad rin siyang tumingin ulit sa akin. "Sino ka nga pala? Pero parang namumukhaan kita?" Saglit pa siyang nag-isip habang tinitignan niya ang kabuuan ko. "Ako si Amira Casimiro" Napansin ko na saglit siyang natulala at kaagad rin na nagsalubong ang kanyang kilay. "Anong ginagawa mo rito?" Mababakas sa maganda niyang mukha ang labis na pagtataka. Lumapit ako sa kanya pero nagtaka ako sa naging reaksyon niya. Tila nangingilag siya sa akin. "Bakasyon lang hanggat hindi pa umuuwi ang Daddy ko" Nakangiti kong sagot ko sa kanya. Magsasalita sana siya ng magawi ang kanyang paningin sa pintuan. Nakita ko na biglang nagbago ang reaksyon ng kanyang mukha. Bigla ito naging masaya at ang mata niya ay biglang kumislap. "Alex! Saan kaba nagpunta?" Narinig ko na sinabi niya at nagmamadali na siyang pumunta sa pintuan. Kaya sinundan ko naman siya ng tingin. Kaya nakita ko pa na lumingkis agad ang dalawa niyang kamay sa braso ni Alexander. Biglang napataas ang isang kilay ko sa nakita ko. Dahil tingin ko ay sobrang malapit sila sa isa't-isa. "Anong ginagawa mo dito Eva?" "Hindi kana kasi dumadalaw sa bahay e kaya ako na na ang nagpunta dito! At pinapasabi rin ni Tatay na dumalaw kana man daw sa bahay" Hindi sinagot ni Alexander ang sinabi niya dahil sa akin na ito nakatingin. "Amira kumain ka naba?" "Oo tapos na. Salamat sa niluto mo" Nakita ko na nagtaas ng kilay ang tinawag ni Alexander na Eva. "Bakit ikaw ang nagluto Alex? Naku dadalasan ko na nga ang pagpunta dito para maipagluto ulit kita" Kung kanina napataas ang Isang kilay ko. Ngayon salubong na ang kilay ko sa naririnig ko. "Amira hindi matutuloy ang gagawin natin ngayon, Dahil may kailangan ako asikasuhin. Pwede naman kayo mamasyal ni Alexander mo, Basta huwag ka lang lalayo dito sa labas ng Hacienda" Parang nakaramdam ako ng pagkainis sa aking narinig mula sa kanya. Nang dahil lang sa babae na ito ay hindi na matutuloy ang napag-kasunduan namin na magkarera. 'Hmp! edi wag!!' Naiinis na bulong ko sa isip ko. "Sige ok lang!" Matipid kong sagot sa kanya. Kaagad ako lumapit sa kanila upang lumabas ng pintuan. Dahil nakaharang silang dalawa sa pintuan nasagi ng balikat ko ang balikat ni Eva na nakalingkis parin ang dalawang kamay sa braso ni Alexander. Hindi ako humingi ng paumanhin. Hindi ko alam kung bakit.Basta nakakaramdam ako nang pagkainis sa nakikita ko. Narinig ko pa na tinawag ni Alexander ang pangalan ko pero hindi ko na sila nilingon. Nagtuloy ako sa kwadra kung nasaan si Alexander ko. Kaagad ko hinimas ang kanyang ulo at niyakap ko ito. "Hmm.. Gusto mo ba ako batiin ngayon My buddy?" Kausap ko sa kanya, Habang hinihimas ko ulit ang kanyang ulo. Nilabas ko na siya sa kwadra at sumampa na sa kanya. Habang sakay niya ako hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta sa ngayon gusto ko mapag-isa. Muli ako dinala ni Alexander kung saan lagi ako pumupunta pag gusto ko mapag-isa. "Daddy, Mommy, Kuya Amir," Bigla ko nabigkas ang kanilang pangalan. Dahil ngayon ang unang beses na wala sila sa tabi ko isa sa importanteng araw sa buhay ko. Pakiramdam ko nag-iisa ako, Pero hindi naman ako nagagalit sa kanila dahil may dahilan naman ang lahat. Dahil si Mommy at Daddy ay abala sa paghahananap kay Bella. At si Kuya Amir naman ay nasa Spain at kahit nasa malayo ay patuloy na gumagawa nang paraan kung paano mahahanap ang kapatid namin na si Bella. Hindi ko alam kung ilang oras din ang itinagal ko sa lugar na ito, Bago ko maisipan na lisanin ito. Pero nahinto ako sa pagsampa sana kay Alexander ko nang makarinig ako tila yabag ng kabayo na papalapit sa kinaroroonan namin ni Alexander ko. Napakunot-noo ako dahil si Alexander Ybañez ang huminto sa harapan ko habang nakasakay siya sa kabayo niya. Nilahad niya sa akin ang kamay niya kaya lalo ako napakunot-noo sa ginawa niya. "Dito kana sumakay" "Ha? Bakit? e' Paano naman si Alexander ko?" Labis na pagtataka na tanong ko sa kanya. "Alam ko na nandito ka, Kaya mamaya lang meron ng susundo rito kay Alexander mo. Kaya halika na rito at may pupuntahan tayo" Nakangiti niyang paliwanag sa akin. Saglit ko pang nilingon si Alexander ko bago ko tuluyan na inabot ang kaliwang palad ko sa kanya. Na kaagad naman niyang hinila para makasampa ako. Habang pinapatakbo niya ang kanyang kabayo. May ibinulong siya sa akin. Kaya ang kanyang labi ay nakadikit sa tenga ko kaya ramdam ko ang init nang kanyang hininga. "Happy birthday My Amira!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD