QOUTES FOR THE CHAPTER
ONE DAY I CAUGHT MYSELF SMILING FOR NO REASON, THEN I REALIZED I WAS THINKING OF YOU. PERO HINDI PA ITO ANG TAMANG PANAHON..... AMIRA CASIMIRO
"Paano mo nalaman?"
Pagtataka kong tanong sa kanya, Habang pinapatakbo niya ang kanyang kabayo.
"Diba sabi ko ang lahat-lahat sa'yo ay alam ko"
Pabulong niyang sabi sa akin. Dahil ang kanyang labi ay malapit sa leeg ko.
"Saan tayo pupunta?"
Tanong ko na lang, Dahil gusto ko mawala ang kakaibang nararamdam ko.
"Hmmm.. Basta hintayin mo lang"
Narinig ko na sagot niya, Kaya hindi na ako kumibo. Pero nagtataka ako bakit sa loob ng Hacienda namin kami papasok. At pinahinto niya ang kabayo niya sa Isang malaking Puno. Nauna siyang bumaba at hinawakan niya ako sa magkabilang bewang ko para maibaba rin.
Pamilyar sa akin ang Malaking Puno na ito. Dahil dito ako nahulog at hindi sinasadya na masalo ng kanyang katawan. May sapin din ako nakita na nakalatag sa damuhan sa ilalim ng Puno.
Inalalayan niya ako para maupo at ganoon din siya. Nakita ko rin na kinuha niya ang kanyang phone at binigay niya sa akin.
"Ano ito?"
"Play mo siya My Amira"
Nakangiti niyang sabi sa akin. Dahil nakasandal kami sa Puno habang magkatabi kami na nakaupo. Mas lumapit pa siya sa akin para lalo pa magdikit ang balikat namin. Siya na ang nag play habang hawak ko parin ang Selpon niya.
Unti-unti ko nakikita ang lumalabas sa Screen ng kanyang Selpon.
"Hi Sis busangot? Happy birthday though today I'm not with you, I wish you receive a lot of good wishes, blessings,and love, I love you Sis, Happy birthday sa atin dalawa"
Napangiti ako dahil si Kuya Amir ang nasa Video. Akala ko tapos na dahil si Mommy naman ang nakita ko sa Screen. Alam ko Hinde sila mag-kasama ni Kuya Amir dahil nasa Spain parin si Kuya Amir
"Happy birthday to our sweet little princess Amira, You give us a thousand reason to smile everyday, I smile because you're my daughter, I laugh because there's nothing you can do about it! I love you!"
Naramdam ko na may namumuo ng luha sa mga mata ko. Dahil Sobrang miss ko na si Mommy.
"Hi My Princess Amira! listen to me ok! They say that men don't cry, I say that cried when I saw your face for first time, When I learned you walking, When I heard you calling me "Daddy" I love you My Princess Amira! Happy birthday"
Tuluyan na ako napaiyak, Dahil mas marami pang sinabi si Daddy at ibinilin sa akin. Habang patuloy ako na umiiyak kahit tapos na ang video record at naibulsa na ni Alexander ang kanyang selpon sa kanyang pantalon.
"Anu ba yan! Sabi ko papasahayin kita! Pero napaiyak yata kita!"
Dahil sa kanyang sinabi bigla ako yumakap sa kanya na labis niyang kinagulat. Sa una hindi niya alam kung gaganti ba siya ng yakap sa akin. Pero naramdaman niya na patuloy ako umiiyak kaya sa huli yumakap narin siya akin. At dahan-dahan na humahaplos ang isa niyang palad sa buhok ko.
"Salamat A'Alexander"
. Umiiyak kong sambit sa kanya.
"Sa nakikita ko ngayon sa'yo sobrang miss mo na sila diba?"
Hindi ako sumagot nanatili ako nakayakap sa kanya, Habang patuloy na umiiyak. Dahil Tama siya sobrang miss ko na ang masayang pamilya ko.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa posisyon namin na mag-kayakap, Basta naramdam ko na lang ako na ang kusang kumalas.
"Pasensya na ahh, Salamat ulit"
Sabi ko ulit sa kanya, Habang pinupunasan ng palad ko ang mga luha ko. Pero hinawakan ng dalawang palad niya ang magkabila na pisngi ko.
"Alam ko natatandaan mo ang lugar na ito, Dahil dito ko unang naranasan ang masuntok! At ng Isang batang babae pa. Kaya alam mo ba napaka espesyal sa akin ang lugar na ito? Dahil hinulog ng Puno na ito ang pangarap ko'y Ikaw!"
Bigla siyang napatingala sa itaas ng Puno,pero muli rin bumalik ang kanyang paningin sa akin.
"Gusto ko sana Amira magsimula tayo sa umpisa, Gusto ko yung walang alitan na namamagitan sa ating dalawa, Pero ngayon gusto ko ang kakaibang tingin mo sa akin. I wonder what you're thinking every time you look at me and smile. Whatever it is, it gives me butterflies in my stomach My Amira!"
Nangungusap ang kanyang mga mata habang sinasabi niya sa akin ang mga iyon. Gusto ko sana sabihin sa kanya na ganoon din ang nararamdaman ko minsan. Pero sinarili ko na lang.
"Happy birthday My sweetie Amira!"
Kasabay nun ang paghalik niya sa noo ko. Napapikit ako dahil sa kanyang ginawa. Muli ko na naman naramdaman ang abnormal na pagtibok ng puso ko.
Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Dahil siya lang naman ang may kakayahan na makagawa sa akin ng ganito. Pero Ayoko muna nito kaya hanggat maari lalabanan ko ito.
Wala pa ako panahon sa mga ganitong bagay, At meron ako gustong mas nais pagtuunan ng pansin, Ang makamit ang pagkapanalo ko sa laban. Upang maging proud ulit sa akin si Daddy. Kaya hanggat kaya kong labanan itong nararamdaman ko ay pipilitin ko. Dahil magiging sagabal lang siya sa pangarap na gusto kong marating.
"Salamat Alexander, Paano mo pala natawagan si Kuya Amir?"
Pagtataka na tanong ko sa kanya, Dahil napaka importanteng tao iyon! bihira ko rin siya matawagan. Kung sila Mommy at Daddy alam ko madali lang para sa kanya. dahil nasa Manila lang ang mga ito.
"Humingi ako ng tulong kay 'Daddy' Este sa Daddy mo"
Nakangiti niyang sagot sa akin. Napatango na lang ako at umayos na ako ng pagkakaupo ko at muling sumandal sa Puno.
"Naaalala mo pa pala ang Puno na ito? Pasensya kana sa nangyari sa atin dito ah? Masyado pa kasi akong bata noon!"
Sabi ko sa kanya. Nakasandal na rin siya sa Puno Kaya magkadikit na ulit ang mga balikat namin.
"Edi inaamin mo narin na bata kapa nuon?"
Narinig kong sinabi niya, Dahil naaalala ko na sinisigaw ko sa kanya na hindi na ako bata. Kaya natatawa na lang ako pag naalala ko iyon.
"Hmmm.. Yes inaamin ko kaya lahat ng sinabi ko noon Wala pa ako sa tamang isip"
Hindi ko alam kung ano ang ibig Sabihin ng pagbuntong hininga niya ng malalim. Dahil hindi iyon nakaligtas sa aking pandinig.
"Hindi ko alam kung dapat ba ako masaktan sa sinabi mo! Dahil para sa akin Sagrado na salita iyon. Dahil nang masilayan ko ang galit na galit mong mukha. Hindi parin maitago nito ang maamo mong mukha. Pati ang bawat salita na lumalabas sa maninipis mong labi ay tila musika para sa akin. Kaya dahil sa mga sinabi mo noon. Iyon ang pinanghawakan ko para maabot ko ang Isang Amira Casimiro.."
Nagsalubong ang aking mga kilay dahil sa mga naririnig ko mula sa kanya.