QUOTES FOR THIS CHAPTER
SOME HORSES WILL TEST YOU,
SOME WILL TEACH YOU,
AND SOME WILL BRING OUT THE BEST IN YOU...
Maganda ang pakiramdam ko ngayon pagkagising ko. Dahil siguro sa nangyari kahapon, Kaya naisipan ko na gumising nang maaga. Tumungo na ako sa kusina dahil gusto ko ako ang magluluto ng agahan ngayon.
Pagpunta ko sa kusina natuwa ako kasi wala ako nakitang pagkain na nakahain sa lamesa, ibig sabihin naunahan ko silang gumising ng maaga.
Kaya naghanap ako ng pwede ko mailuto. Pagbukas ko sa Ref natuwa ako dahil nakakita na ako ng bacon, Hotdog, At beef tapa. Yung mga alam ko na madaling lutuin. Bawat balot ay nagluto ako dinagdagan ko narin ng pritong itlog.
Naging maingat na naman ako sa pagluluto, Pero hindi parin maiwasan na matalsikan parin ako paminsan-minsan ng mainit na mantika.
Tapos na ako magluto nang pumasok si Tatang Nardo sa loob ng kusina. At nagulat pa siya nang makita niya ako.
"Good morning Amira' ang aga mo naman nagising? At Teka Ikaw ba nagluto ng mga ito?"
May pagtataka sa kanyang tanong habang nakatingin sa mga nakahain sa lamesa.
"Good Morning din po' Opo Tatang maaga po kasi ako nagising eh"
Nakangiti kong tugon sa kanya. Napansin ko rin ang isang pigura na pumasok sa pintuan ng kusina.
"Good morning Tay' Ang aga naman po ninyo nagising? Naunahan po tuloy ninyo ako magluto"
Narinig ko na boses ni Alexander, Hinde pa niya ako napapansin dahil nasa gilid ako ng Ref, Habang kinukuha ko ang Tinapay sa ibabaw nito. Hindi na niya hinintay ang sagot sa kanya ni Tatang dahil kaagad niya naman ako nakita.
"Hi Good morning My Amira"
Nakangiti na niyang bati sa akin, Dahil nakita na niya ako.
"Hi Good morning"
Nakangiti ko rin na sagot sa kanya, Magsasalita pa sana siya nang may marinig kami na boses sa pintuan ng kusina.
"Good morning Alex' Tay Nardo"
Boses ni Eva, Napataas agad ang kilay ko dahil parang hindi niya ako nakita. Kaagad naman lumingkis ang braso niya sa siko ni Alexander.
"Inagahan ko talaga ang pagpunta dito' Kasi dinamihan ko ang Adobong itik' diba Paborito ninyo ni Tatay Nardo ito?"
Narinig ko na sabi niya, Kaagad na lang ako umupo sa bakanteng upuan na nasa tapat ng lamesa sa katapat ng kay Tatang Nardo.
"Talaga iha? mapaparami ata ako ng kain ngayon! Aba maupo na kayo ni Alexander dito at nang sabay-sabay na tayo kumain"
Biglang sabat ni Tatang Nardo na hindi maitago ang pagkatuwa sa dalang pagkain ni Eva.
Nakita ko na hinila na ni Eva si Alexander na maupo sa tabi ni Tatang Nardo at naupo rin siya sa tabi nito. Hindi ko alam parang nakaramdam ako nang pagkailang dahil silang tatlo ay napatingin pa sa akin.
"Iha' kumakain kaba ng adobong itik?"
Tanong ni Tatay Nardo sa akin, Umiling lang ako at ibinalik ko na ang aking atensyon sa pagkain ko.
"Alex dapat ito ang kainin mo ha? Ay Teka lang kukuha lang ako ng kanin"
Narinig ko na sambit ni Eva at nagmamadali na kumuha ng kanin. Sinundan ko siya nang tingin nakita ko na kabisado na niya ang mga gamit sa loob ng kusina. Buti na lang din pala nakapag salang ako ng kanin habang nagluluto ako ng ulam, Dahil hindi ko alam kung nagkakanin ba sila sa umaga. Dahil ako kasi ay tinapay lang tuwing umaga.
Nakita ko na binigyan niya ng nang tag isang pinggan si Tatang Nardo at Alexander.
"Amira Ikaw? hindi kaba kakain ng kanin?"
Narinig ko na boses ni Alexander, Hindi ko siya tinignan inabala ko ang sarili ko sa pagkain ng bacon na nasa aking harapan.
"No thanks! Hindi ako kumakain ng rice sa umaga!"
"Alexander hayaan muna siya! Ganoon naman talaga ang mga rich diba? Hindi sila kumakain ng rice! sa umaga"
Boses naman ni Eva na pinakadiinan pa ang salitang "rice" nakaramdam na naman ako nang pagkainis Dahil sa kanyang sinabi at kanina pa ako nakakahalata na tila ako lang ang hindi niya pinapansin. Inangat ko na ang aking paningin at hinuli ko ang mata ni Eva na pailalim kung tignan ako.
"Hindi naman porket rich! ay hindi na kumakain ng kanin sa umaga! Nasanay lang talaga ako na tinapay lang ang kinakain ko. Dahil meron proper diet na sinusunod ang katawan ko para kay Alexander ko! para hindi siya mahirapan sa akin!"
"Alexander???"
Pagtataka na tanong niya. Napangisi naman ako.
"Yes My Alexander!!"
Napansin ko ang talim ng kanyang mata, Kaya ganuon din ako sa kanya.
"Mga iha tama na iyan. kumain na lang tayo, At Eva' si Alexander niya ay ang pangalan ng kabayo ni Amira"
Biglang sabat naman ni Tatang sa amin. Nakahalata siguro si Tatang na kapwa may laman ang palitan namin ng opinyon ni Eva.
Mahabang katahimikan rin ang namagitan sa aming lahat habang kumakain. Alam ko napapatingin sa akin si Alexander, Pero hindi ko hinahayaan na magawi ang aking paningin sa kanya. Dahil alam ko na nakatingin din sa akin si Eva.
"Iha' Hindi parin kumukupas ang galing mo sa pagluluto"
Tuwang-tuwa na basag ni Tatang Nardo sa aming katahimikan.
"Talaga po Tatay Nardo? Salamat po' Hayaan ninyo madadalas na ang pagluluto ko para po madalhan ko kayo"
Tuwang-tuwa na tugon naman ni Eva. Nakita ko na kumuha si Eva ng itlog at bacon na niluto ko.
"Ayy!! ano ba ito? ang alat!!"
Naiiritang sabi ni Eva, Sabay tayo para tumungo sa lababo at iluwa ang kanyang nakain na itlog.
"Tay Naparami yata ang asin na nilagay ninyo sa itlog?"
Boses ni Alexander, Sasagot na sana ako' na ako ang nagluto, pero naunahan na ako ni Tatang Nardo.
"Ay Hindi ako nagluto ng mga iyan. Si Amira maaga siya gumising para magluto ng agahan"
Napatingin sa akin si Alexander, Pero hindi ko mabasa kung ano ang nakabakas sa kanyang mukha. Kaya napayuko ako. Dahil nakaramdam ako ng pagkahiya dahil palpak na naman ako.
Napansin ko naman na kinuha ni Eva ang Isang malaking pinggan kung saan nanduon lahat ang niluto ko na itlog. kasama ang Bacon at beet tapa.
"Saan mo dadalhin iyan Eva??"
Pagtataka na tanong sa kanya ni Alexander. Kaya napaangat na Ang ulo ko mula sa pgkakayuko para tignan siya, Napansin ko na napatingin naman sa akin si Eva.
"Itatapon! magkakasakit kayo sa pagkain na ito!"
Sabay talikod niya at itatapon na niya sana sa basurahan ang mga niluto ko, pero bago iyon mangyari nakatayo na pala si Alexander at kinuha ng mabilis sa kanya ang pinggan.
"Bakit mo ito itatapon?"
"Sobrang alat ng mga iyan! Hindi na ninyo iyan makakain Alex!"
"Ako ang kakain!!"
"Pero Alex...?"
Hindi na siya pinansin ni Alexander dahil naupo na ito sa upuan, Nakita ko na inalis niya sa tapat niya ang pagkain na binigay ni Eva. Nilagay niya duon ang pinggan na naglalaman ng mga niluto ko.
"My Amira.."
"B'Bakit?"
Pagtataka na tanong ko. dahil tila nagising yata ako sa Isang masama at magandang panaginip.
"Pahingi ako ng tinapay"
Malambing na sabi niya sa akin. kaagad ko inabot sa kanya ang tasty na nasa tabi ng baso ko..