Obsession.

1250 Words
QUOTES FOR THIS CHAPTER I MAY SHED A TEAR BUT YOU DONT CARE. I MAY CRY FOR YOU BUT YOU WON'T LISTEN. WHY ME I LOVED AND TRUSTED YOU, AND YOU THREW ME AWAY. PLEASE STOP TO HATE ME... Pagtapos kumain ng agahan nagpasya akong lumabas ng bahay, Nais ko lang munang mapag-isa. Kanina habang kinakain ni Alexander ang mga niluto ko gusto ko siya pigilan dahil alam ko naman na napipilitan lang siya na kainin ang mga iyon. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa, Basta nagpatuloy ako sa aking paglalakad. Sana umuwi na sila Daddy dahil gusto ko nandito siya pag dumating ang araw ng laban ko. Dahil dalawang araw na lang kailangan maikondisyon ko na si Alexander ko. Pero sabi naman sa akin ni Alexander Ybañez ok na naman daw si Alexander at handa na daw ito muling tumakbo. Dahil siya kasi ang personal na nag-aalaga dito dahil iyon daw ang kahilingan ni Daddy sa kanya. "Kailan ka uuwi sa inyo?" Nagulat ako sa boses na nagsalita. At bumalabog sa pananahimik ko. Nakaupo na kasi ako sa isang matibay na barrel kung saan tinatanaw ko ang maraming kabayo na pag-aari ni Alexander Ybañez. "Anong sabi mo?" "Narinig mo naman ako diba?" Pagtataray niya sa akin. Dahil halata naman sa kanyang boses ang tila pagkairita sa akin. "Narinig kita! Pero hindi ko naman siguro obligasyon na sagutin ang tanong mo diba!?" Pagtataray ko rin na sagot ko kay Eva na salubong ang dalawang kilay habang nakatingala sa akin. Dahil nanatili ako na nakaupo sa barrel. "Hindi naman sa nakikialam ako sa desisyon ni Alex na patirahin ka dito! hindi ba masyado ka nang abala para sa kanya? bakit dito ka naisipan na iwanan ng Daddy mo? Samantalang nasa kabilang Hacienda lang naman ang Tito Ashlem mo at Tita Sophia mo?" Napataas ang kilay ko dahil sa kanyang sinabi. At ano naman ang pakialam niya sa naging desisyon ng Daddy ko. Lumundag ako paibaba sa Barrel para magpantay ang aming paningin kahit na medyo may kataasan siya sa akin. "Alam mo naman siguro ang ibig sabihin ng 'PRIVACY?' Hindi lahat ng bagay kailangan mong malaman! Matuto kang rumespeto sa privacy ng iba!" Pagtataray ko na sa kanya. Dahil kanina pa ako naiinis sa inaasal niya sa akin. At pakiramdam ko rin ay ayaw niya sa akin. Tinalikuran ko na siya dahil ayoko ng patulan pa siya. Sapat na sa akin ang naipagtanggol ko ang naging desisyon ni Daddy na dito ako iwanan sa poder ni Alexander Ybañez. "Ayos din kayong mayayaman ano? Nalaman lang ninyo na nakakaangat na sa buhay sila Alex at Tatang Nardo! Heto kayo para kayong mga linta kung makadikit sa kanila! At mas mautak ang iyong ama dahil matinding linta ang iniwan niya dito para tuluyan na masipsip ang dapat na masipsip!" Napahinto ako dahil sa kanyang sinabi. Nilingon ko siya at tuluyan na nagsalubong ang kilay ko ng makita ko na nakangisi pa siya. "Ulitin mo nga ang sinabi mo?!!" Galit kong bigkas sa kanya. Lalo siyang napangisi at tinaasan pa ako ng isang kilay niya. "Bakit ko naman uulitin? Narinig mo naman ang sinabi ko diba?" "Anong ba ang problema mo sa akin Eva?" "Malaki!! Pero gusto ko narin ipaalam sa'yo! para naman nang malaman mo kung hanggang saan ang limitasyon mo habang nandito ka sa poder nila Alex! Bata pa lang kami pinagkasundo na kami ni Tatang Nardo at ng aking Ama. Kaya hinihintay ko na lang na mag propose sa akin si Alex!" "Bakit sinasabi mo sa akin ang mga iyan? Anong pakiaalam ko kung ano ang meron sa inyo ni Alexander Ybañez!!" "Dahil gusto ko ngayon pa lang na itaga mo diyan sa utak mo! Na kahit na anong gawin mo na pagpapansin kay Alex ay useless lang iyan! Nagpapagod ka lang!!" Gusto ko nang ingudngod ang kanyang mukha sa lupa na tinatapakan namin ngayon. Pero nagpigil ako. 'Kalma Amira' bulong ko sa isip ko. "Ano ba ang kinakatakot mo? Mahal ka naman yata niya diba?" Nakita ko ang pag-alinlangan sa kanyang mga mata. "Alam mo kahit ilang beses pa ako magpapansin sa kanya!, At kahit sipsipin ko pa ang lahat sa kanya! At kahit maghubad ako sa harapan niya! Kung mahal ka talaga niya! Mahal ka niya!! At Hindi niya ako pag aakasayahan ng kanyang panahon at oras!!" Pang-aasar kong sagot naman sa kanya. Nanlilisik ang mata niya na nakatingin sa akin kasabay ang paninigas ng kanyang panga. "Hah! Walang imposible sa Isang tulad mo Amira Casimiro! dahil kahit gaano pa namin kamahal ang isa't-isa at kahit gaano pa ako kasweet at mapag alaga na babae, Kung ang linta naman na nasa kanyang tabi ay sobrang landi at kati may posibilidad na siya ay mag wagi!!" Unti-unti na umaakyat ang lahat ng aking dugo sa aking ulo dahil sa patuloy ng mga maanghang na salita niya. Pero huminga ako nang malalim tulad ng laging sinasabi sa akin ni Daddy, Pag nasa ganitong kalagayan ako. "Making ka Eva!! Sabi ng Mommy ko sa akin, pagminahal mo raw ang isang tao sa maraming dahilan, marami ka rin daw dahilan para siya ay patuloy na pagkatiwalaan. Pero pag minahal mo raw ang tao na maraming pagdududa sa iyong sarili. Marami ka rin daw dahilan para siya ay patuloy na masaktan! At isa daw iyon sa nagpapatunay na hindi sapat ang pag-ibig mo para sa kanya! Dahil ang tiwala mo sa iyong sarili ang magtututuro at magpapatunay para pagkatiwalaan mo ang taong napili mong mahalin!!" Mahabang sagot ko sa kanya. Lalo ko nakita ang pagkairita sa kanyang mukha habang nanlilisik pa rin ang kanyang mga mata sa akin. "Kaya pwede ba Eva! Huwag mo ako isali kung ano ang meron sa inyo ni Alexander Ybañez!! Dahil wala ako panahon makipag agawan ng lalaki sa'yo! Kaya isak-sak mo siya sa baga mo!!" Tinalikuran ko na siya at nagmamadali ako lumakad palayo sa kanya. dahil kung maririnig ko pa ang ibang sasabihin niya, Baka hindi na ako makapagpigil at tuluyan ko na siya ingudngod sa lupa. Lalo naman nagsalubong ang kilay ko dahil nakangiting si Alexander Ybañez naman ang sumasalubong sa akin. "My Amira gusto mo ba na magkarera tayo? malapit na ang laban mo" Nakangiti niyang tanong sa akin. Napahinto naman ako sa kanyang harapan. "Salamat na lang! at wala ako panahon na makipag karera sa'yo!!" Pagtataray kong tugon sa alok niya. nagpatuloy na ako sa paglalakad pero bigla niya hinawakan ang siko ko. "Anong problema mo? Akala ko ba ayos na tayo Amira!!?" Pagtataka na tanong niya sa akin. napangisi naman ako sa kanya. Kaya mababakas na sa mukha niya ang labis na pagtataka. "Buong akala ko nga din eh!! Pero hindi ko pala kaya ang magkunwari na maging mabait sa'yo! kaya pwede ba bitawan mo na ako Mr Ybañez!!" Galit kong tugon sa kanya. Habang sinundan ko pa nang tingin ang kamay niya na nakahawak sa siko ko. Naramdaman ko rin na humigpit ang pagkakahawak niya dito, bago niya ito tuluyan na binitiwan. At tuluyan ko na siyang iniwan at lumakad palayo sa kanya. Pero hindi pa ako lubusan na nakakalayo sa kanya ng marinig ko ang galit at pasigaw na boses niya. "Amira Casimiro!! Masyado ka talagang mapagmataas! Hindi habang buhay iisipin mo na walang pwede na makapag paluhod sa'yo! at maari kang maibaba sa pedestal na iyong kinalalagyan!" Napahinto ako sa kanyang sinabi. Dahil mababakas sa boses niya ang matinding galit. Hindi ko na siya nilingon at nagpatuloy na ako sa aking paglalakad palayo sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD