QUOTES FOR THIS CHAPTER
YOU ARE MY ANSWERED PRAYER,
MY FULFILLED WISH,
MY REALIZE DREAM...
Nang maghapon din na iyon ay hindi ko na nakita si Alexander Ybañez. Gusto ko magsisi sa inasal ko sa kanya. Pero nadala lang naman ako ng aking pagkainis dahil sa mga sinabi sa akin ni Eva. At Lalo ako naiinis dahil bakit pumayag siya sa kagustuhan ni Daddy na manatili ako rito kung meron naman pala siyang kasintahan na magagalit sa paglalagi ko rito sa kanila.
Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa pader sa kwarto ko. Alas diyes na pala ng gabi, Bakit hindi ako makatulog. Tumayo ako dahil naisipan ko tumungo sa kusina para magtimpla ng gatas habang hindi pa ako inaantok. Pagbukas ko ng pintuan ng kwarto may narinig ako na parang tunog ng gitara. Kaya naudlot ang dapat na paglabas ko, Kaya sumilip muna ako, Nakita ko nakatalikod siya sa akin. Nakaupo siya sa mahabang Sofa.
Alam ko na siya si Alexander Ybañez.
Narinig ko na ang bawat kalabit niya sa gitara, Pamilyar sa akin ang naririnig ko na tunog sa gitara na hawak niya.
*******Marry Me******
JASON DERULO
105 is the number that comes to my head,
When I think of all the years
I wanna be with you
Napataas ang kilay ko dahil sinasabayan niya ng pagkanta ang bawat tunog na lumalabas sa gitara.
Wake up every morning with you in my bed,
That's precisely what I plan to do..
And you know one of these days
When I get my money right..
Hmmp!! Nagpra-practise na ba siya para sa pag propose niya kay Eva? Naiinis na tanong ko sa sarili ko.
But you Everything and show you all the finer things in life..
Will forever be enough, so there ain't no need to rush..
But one day, I won't be able to ask you loud enough..
I'll say you marry me..
.
Hindi ko alam tila para ako nakaramdam ng panibugho o kainggitan para kay Eva.
Isasara ko na sana ang pintuan ng kwarto ng may marinig ako na isang boses.
"Hindi kaba makatulog anak?"
Si Tatang Nardo, Naupo siya sa tabi ni Alexander kaya napahinto na sa pagkanta at paggitara ito.
"Nagpapa antok lang po itay"
"Para sa kanya ba iyang kinakanta mo?"
Tanong sa kanya ni Tatang Nardo, Pero hindi ko narinig ang kanyang pagsagot.
"Alam mo iho' Paano niya malalaman na gusto mo siyang pakasalan? kung sinasarili mo lang iyang nararamdaman mo?"
"Ginawa ko ang lahat itay para mapantayan o mas higitan pa siya. Para naman pag dumating ang araw na sa muli namin pagkikita ay hindi na ako maging alangan sa kanya. Pero kahit nakamit ko na ang gusto ko tila ang hirap parin niyang abutin!"
Nasa himig ng kalungkutan ang boses ni Alexander habang sinasabi niya ang mga iyon. Kaya napakunot-noo ako. Paanong mahirap abutin si Eva? Hinihintay na nga lang ni Eva na mag propose siya dito eh.
"Susuko ka naba Alexander Ybañez?"
"Hindi po itay! Hindi ko po siya susukuan! alam ko na darating ang araw na masasabi ko sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin at sisiguraduhin ko na may katugon na ito mula sa kanya!"
"Ganyan nga Anak! Huwag mo siyang susukuan! Darating rin ang araw na makakamit mo ang puso niya!"
"Salamat itay! Dahil alam ninyo na sa simula pa lang ay siya na ang pinangarap ko!"
"Naiintindihan kita sa nararamdaman mo Anak! Dahil sobrang swerte niya dahil siya ang minahal mo, At hayaan mo malalaman din niya ang lahat ng sakripisyo mo para lamang maalayan mo siya ng buhay na kanyang nakasanayan"
Nagsalubong na ang dalawang kilay ko dahil sa patuloy na naririnig ko sa kanilang pag-uusap. Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng kaba at pagtibok ng puso ko.
"Mamahalin ka rin niya anak! Ang kabayo nga na lihim mong binigay sa kanya ay Minahal niya ng lubos e! Ikaw pa kaya na may tunay na pangalang Alexander!"
Para ako binuhusan ng malamig na tubig sa aking narinig. Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakaintindi ko sa kanilang pinag-uusapan. Si Alexander ko si Alexander Ybañez ang nagbigay?
Pero ang pagkakaalam ko regalo iyon ni Daddy sa akin? Kaya paanong kay Alexander iyon nanggaling. Pilit ko inaalis sa isipan ko ang posibilidad na totoo nga iyon. Baka naman ibang kabayo at ibang babae ang pinag-uusapan nila.
Hindi ko na itinuloy ang pagtungo ko sana sa kusina. Dahan-dahan ko isinara ang pintuan ng kwarto na aking kinaroroonan.
Kinabukasan dahil siguro sa Sobrang pag-iisip ko sa narinig ko kagabi na pag-uusap ng mag ama ay tinanghali ako ng gising. Nagbanyo na ako at lumabas na sa kwarto.
Tumungo na muna ako sa kusina. Pero labis ako nagulat sa aking nakita. Kaya napasigaw ako dahil may lalaking walang damit pang itaas sa loob ng kusina habang nasa gilid ng Ref at umiinom ng tubig.
"Eeeeeee!!!!!"
Bigla kong tili. Na kaagad naman niyang binitiwan ang baso na hawak niya at nagmamadali na lumapit siya sa akin.
"Miss bakit sumisigaw ka???"
"Huwag kang lalapit sa akin! Sino ka?"
Huminto naman siya at napakunot-noo pa sa aking harapan. Iniwas ko ang aking paningin sa kanya dahil nakalantad sa aking harapan ang matipuno na katawan niya. Kasing taas siya ni Alexander gwapo rin siya pero mas gwapo pa rin si Alexander sa kanya.
Pilit ko naman inalis sa isip ko ang papuri para kay Alexander Ybañez at muli kong ibinaling ang aking atensyon sa lalaking nasa harapan ko.
"Hindi ba dapat ikaw ang asking tanungin sino ka? bakit nandito ka sa bahay namin Miss...?"
Ako naman ang napakunot-noo sa aking narinig. Ibig sabihin dito siya nakatira? eh bakit ngayon ko lang siya nakita dito?
"Ako nga pala si Lenard Ybañez At Ikaw Misss.....?
Seryoso na tanong niya sa akin. Napatingin naman ako sa mata niya na tila nangungusap. At sa ilong niya na sobrang tangos. at bumaba ang paningin ko sa labi niyang mamula-mula na manipis. Napansin ko rin na napangiti ito kaya muli ko ibinalik ang aking paningin sa kanyang mata.
"Tapos kana pag-aralan ang aking mukha? siguro naman pwede ko na malaman kung sino ka? at ano ang ginagawa mo dito sa bahay namin?"
Seryosong ulit na tanong niya sa akin.
"Ako si Amira Casimiro"
Lalong sumeryoso ang kanyang gwapo na mukha kasabay ang pagkunot-noo niya..