QUOTES FOR THIS CHAPTER
LOVING SOMEONE YOU DONT SEE
EVERYDAY IS NOT A BAD THING,
ITS JUST A PROOF THAT LOVE IS NOT
IN SIGHT BUT IN THE HEART...
"Amira Casimiro? Hmmm..."
Sabay himas niya sa kanyang baba at napangiti sa akin. Hindi ko alam kung ano dapt kong isipin sa kinikilos niya sa aking harapan.
"Parang alam ko na kung bakit nandito ka sa bahay namin! Napakasalan ka naba niya?".
Nanlaki ang mata ko sa aking narinig. Anong napakasalan sinasabi nitong nasa harapan ko? parang gusto ko tuloy lumubog sa kinatatayuan ko. Tila alam din niya ang kalokokohan ko nang bata pa ako.
"A'Anong napakasalan?"
"Ahhh.. Wala joke lang iyon! Anong ginagawa ng Isang Amira Casimiro dito sa aming munting bahay?"
Nakangiti niyang tanong sa akin. Pinagmamasdan ko ang labi niya sa bawat pagsalita niya. Bakit ganon ngayon ko lang naman siya nakilala? bakit parang ang gaang na ng loob ko sa kanya? Bakit kay Alexander Ybañez halo-halong emosyon ang nararamdaman ko pag kaharap o alam ko na nasa tabi ko lang siya.
"Ahmmm.. Kailangan ko paba ikwento sa'yo?"
"Hmmm.. Handa ako makinig"
Nakangiti ulit niyang sagot sa akin.
"Sige pero pwede ba umalis ka muna sa daraanan ko?"
Sagot ko naman sa kanya. Dahil sinakop niya ang kabuuan ng pintuan ng kusina. Gumilid naman siya at sinenyas niya pa ang kanang palad niya bilang pagbibigay daan sa akin. Napailing naman ako sa kanyang ginawa. Napansin ko na sumunod naman siya sa akin.
Nagtimpla ako ng gatas at napansin ko na may mga pagkain na sa ibabaw ng lamesa.
"Kumain ka naba?"
Tanong ko sa kanya. Naupo naman siya sa upuan tinanggal niya ang mga takip ng pagkain.
"Hmm.. Hindi pa nga e' nang makita mo ako dito galing ako sa labas nagpapawis lang ako"
"Hmmm.. Ok"
Sagot ko lang sa kanya. Nakita ko na tumayo siya at kumuha ng pinggan.
"Sabay na tayo kumain' Siguro naman ok lang sa'yo?"
Nakangiti niyang tanong sa akin. Napatingin ako sa hawak niya na pinggan.
"Sige ok lang. Pero gatas lang at tinapay ang kakainin ko"
Napatingin siya sa katawan ko at sa pinggan na hawak niya. Kaya binalik niya ang Isang pinggan at muli siyang bumalik sa upuan niya. Umupo na rin ako pero hindi sa tabi niya. may pagitan ng Isang upuan ang pwesto namin.
"Ikaw pala ang Amira Casimiro na lagi ko naririnig dito"
Napatingin ako sa kanya. Pero ang atensyon niya ay nasa pagkain niya sa kanyang harapan.
"Anong naririnig mo tungkol sa akin?"
Pagtataka na tanong ko sa kanya. Tinignan naman niya ako at muling ngumiti.
"Huwag ka mag-alala puro papuri ang naririnig ko sa'yo' Lalo na sa isang tao na labis na humahanga sa'yo"
Napakunot-noo ako sa kanyang sinabe. Muli niyang inalis ang kanyang tingin sa akin.
"Bakit ngayon lang kita nakita rito Lenard?"
"Naku! Pag nandito siya huwag mo ako tatanungin ng tungkol sa akin! Seloso iyon baka isipin niya interesado ka sa akin!"
Nagsalubong naman ang dalawang kilay ko sa kanyang naging tugon. At teka lang ang yabang naman nito. Ako interesado sa kanya? bulong ko sa isip ko.
"Hahahaha!! Huwag ka maiinis ha! ganito lang talaga ako. Pero totoo ang sinabe ko, Kung crush mo ako ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yo hindi kita pwede na i-crush back dahil baka masapak ako!"
Bigla ako napatayo at napalo ko ang dalawang palad ko sa lamesa dahilan rin para tumapon ang baso na may laman na gatas na aking tinimpla kanina.
"Hindi naman sobrang taas ng Confident mo sa iyong sarili Mr Ybañez the 2nd!!!!"
Naiinis kong sambit ko sa kanya, Nakita ko ang labis na pagkagulat sa kanyang mukha. Dahil napatingin na ako sa kanya habang naiinis kong sinasabi sa kanya ang mga iyon.
"Mr Ybañez the 2nd??"
Kunot-noo na tanong niya sa akin.
"Yes!!! at pwede ba sumagot ka ng matino! At wala ako panahon sa kayabangan mo!!"
Nakita ko ang pagsilay ng kanyang ngiti sa gilid ng kanyang labi. Napataas ang kilay ko dahil sa kanyang inasal.
Hindi niya ako sinagot, Pero tumayo siya at sinundan ko lang siya ng tingin.kumuha siya ng basahan at pinunasan niya ang gatas na tumapon. Kumuha rin siya ng malinis na baso at siya narin ang nagtimpla ng panibago at nilapag sa mesa sa aking harapan.
"Maupo kana! totoo nga na hindi ka madaling lokohin"
Nakangiti ulit niya na sagot sa akin. Naupo naman ulit ako. At siya naman ay naupo na rin. Pero lumipat na siya ng upuan. Dahil nakaharap na siya sa akin ngayon na nakapagitna sa amin ang lamesa. Hindi ko alam parang nailang naman ako.
"Ako talaga ang kasama ni itay para pamahalaan ang negosyo na itinayo ni kuya dito, May inasikaso lang kasi ako sa Manila kaya Isang buwan din ako nawala"
"Ako si Lenard Ybañez Ang nakababatang kapatid ni Alexander Ybañez!"
Nakita ko ang paglahad ng kanyang kamay sa aking harapan. Kaya tinaasan ko naman siya ng kilay. Napangiti naman siya sa inasal ko.
"Gusto ko lang magpakilala ng maayos sa'yo pwede ba Amira...?
Nakita ko naman sa kanyang mga mata ang sinseridad sa kanyang sinabi, Kaya bukal naman sa loob ko na iabot ko sa kanya ang isang palad ko.
Magkahawak ang palad namin ng may pumasok sa pintuan. Huli na para kunin ko ang palad ko na hawak ni Lenard, Dahil nakita na iyon ni Eva at Alexander.
Hindi ko rin alam kung dinadaya ba ako ng aking paningin dahil nakita ko ang tila galit sa mga mata niya.
"Lenard kailan kapa nakabalik?"
Boses ni Eva na hindi inaalis ang kanyang nakalingkis na kamay na naman sa braso ni Alexander Ybañez.
"Madaling araw na Eva"
Sagot niya kay Eva, Kinuha ko na ang palad ko na hawak pa ni Lenard.
"Kuya nasa kwarto ko nga pala yung potrait na itinawag mo sa akin!"
"Binuksan mo ba?"
"Hindi Kuya kinuha ko lang sa lugar na sinabi mo sa akin. Kahit hindi ko tignan iyon! alam ko naman kung sino iyon"
Seryoso na sagot niya kay Alexander at makahulugan na tumingin sa akin.
"Amira Mag Practice na tayo ngayon! Laban muna bukas"
Sa akin naman nabaling ang tingin ni Alexander, Blanko ang kanyang reaksyon wala ako kahit na anong mabasa sa kanya. Pero nahagip ng mata ko si Eva na nanlilisik ang mata sa akin. Napabuntong hininga naman ako.
"Huwag na Alexander! Salamat na lang"
Bumaling naman ang tingin ko kay Lenard na nakatingin sa kuya niya.
"Lenard may alam ka sa mga kabayo diba?"
"Hah? Oo naman"
"Kung ganoon ikaw na lang ang sumama sa akin para makapag parctise na ako"
"Hah? P'pero si K'kuya....?"
Pag alinlangan na sagot niya sa akin, Habang nakatingin siya sa kuya niya.
Lumakad na ako para lumabas sa kusina. Pero nasa pintuan pa lang ako nang may humawak na sa kamay ko. At nagmamadali na hinila ako palabas sa bahay..