QUOTES FOR THIS CHAPTER
WHEN I TELL YOU I LOVE YOU..
I AM NOT SAYING IT OUT OF HABIT.
I AM REMINDING YOU THAT YOU ARE MY LIFE..
"Ano ba bitawan mo ako!!"
Galit kong sigaw sa kanya, Dahil medyo malayo naman kami sa bahay nila.
"Bakit si Lenard ngayon mo pa lang nakilala ang dali niya nakuha ang loob mo!? Bakit sa akin tila ang hirap mo ipagkatiwala sa akin iyon hah Amira...?"
"Ano ba iyang mga pinagsasabi mo Mr. Ybañez?!"
"AMIRA!!! tawagin mo ako sa pangalan ko pakiusap naman!!!"
Medyo tumaas na ang kanyang boses dahil sa kanyang sinabe na tila paghihirap ng kanyang loob.
"Amira kailangan ba lumuhod pa ako sa harapan mo para ibigay mo sa akin ang tiwala mo? ano ba ang kailangan kong gawin para makapasok ako diyan sa puso mo?"
Nagsalubong ang kilay ko sa kanyang sinambulat sa akin.
"Anong sinasabe mo? anong makapasok sa p'puso ko?"
Pagtataka na tanong ko sa kanya. mababakas sa gwapo n'yang mukha ang tila pag alinlangan kung dapat ba n'yang sabihin sa akin.
"Amira Paano ba ako makakapasok sa puso mo? ano ba ang dapat kong gawin para makuha ko ang tiwala mo?"
"Bakit kailangan mo hilingin sa akin iyon? kung meron kang babae na iniibig?"
Tugon ko naman sa kanya, Dahil sa totoo lang labis na ang kabang nararamdaman ko. Dahil ang mga narinig ko sa kanilang pag-uusap kagabi at sa sinasabi niya ngayon sa harapan ko ay tila nagkakaroon na ng kasagutan.
"Meron nga Amira! at simula noon hanggang ngayon patuloy pa rin n'yang gingulo ang puso ko"
"Iyon naman pala e!! Hinihintay lang naman niya na mag-propose ka sa kanya ng kasal ah!!"
Sagot ko naman sa kanya. Nakita ko ang labis na kagalakan sa kanyang mukha dahil sa naging tugon ko sa kanyang sinabe.
"Talaga Amira? Hinihintay mo lang na mag-propose ako sa'yo ng kasal??"
"Anoo?? bakit sa akin? diba may kasintahan ka?!"
Sagot ko sa kanya. Dahil kahit ako ay naguguluhan na sa nagiging takbo ng usapan namin.
"Sinong kasintahan?"
Kunot-noo na tanong niya sa akin.
"Si Eva...? diba kasintahan mo siya?"
"Ano?? Sino nagsabi sa'yo? kinakapatid ko lang siya. At kapatid lang ang tingin ko kay Eva. Dahil simula sa umpisa pa lamang Isang babae lang ang pinangarap ko na magiging asawa ko pagdating niya sa tamang edad!"
Lalo lumakas ang t***k ng puso ko. Tuluyan ko nang naramdaman ang abnormal na pagtibok nito.
"A'Aalis na ako! B'bitawan mo na ako!"
Nauutal kong utos at sambit sa kanya. Nagtangka ako lumakad palayo sa kanya pero lalo lang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Akala ko ba matapang ka Amira? Bakit hindi mo ako harapin ngayon? at subukan na intindihin ang mga sinasabi ko!!"
Maawtoridad na sambit sa akin ni Alexander. Hindi ko siya matignan dahil natatakot ako sa maari kong makita mula sa kanyang mga mata. Dahil pakiramdam ko ipagkakanulo ako ng puso ko. kahit na alam ko na lumalaban ang isipan ko.
"Kung ang ibig mong sabihin ang salitang pakasalan mo ako! tulad ng sinabi ko, Hindi mo kailangan gawin iyon dahil bata pa ako nang mga panahon na iyon Mr. Ybañez!"
"Amira naman!! Sa ngayon wala ako pakiaalam kahit salita lamang iyon ng Isang bata! pero para sa akin ang salita mo na iyon ang nagbukas sa puso ko para alagaan ka dito!"
"Bitawan mo na ako! pakiusap wala ako maintindihan sa mga sinasabi mo!"
Pilit kong hinila sa kanya ang aking kamay na hawak pa rin n'ya. Pero mas lalo itong humihigpit mula sa kanyang pagkakahawak.
"Amira huwag mo ako pilitin na makagawa ng Isang bagay na maaring makapag pababa sa iyong pride! alam ko may nararamdaman ka rin sa akin! At pilit mo lamang iyan na pinipigilan na lumabas!"
Dahil sa kanyang sinabe bigla na ako napatingin sa kanya.
"Hah!! anong sinasabe mo? wala ako tinatagong Pag-ibig sa'yo Mr. Ybañez! Nahihibang ka naba!?"
Galit kong sambit sa kanya. Pero nanlisik lamang ang kanyang mata habang nakatingin sa akin.
"Gusto mo bang gisingin ko iyang pilit mong tinatago diyan sa puso mo!?"
"Hah!! talaga ha?? paano mo naman ga........?"
Hindi pa ako tapos sa aking sasabihin ng maramdaman ko ang labi niya na nakalapat na sa aking labi. Nanlalaki ang mata ko habang pilit ko siyang itinutulak. pero hindi ko alam kung paano niya nagawa na ang dalawa kong kamay ay sabay niyang nahawakan lamang ng isa niyang kamay. At pinigilan niya itong itulak ko siya palayo sa akin. Habang ang isa na niyang kamay ay nasa aking batok at pilit din na pinipigilan ang Pag iwas ko sa mapag parusa na halik niya.
"Hmmmp.. Alex uhhh pls! ssstop...!"
Pakiusap ko sa kanya, Habang ang labi niya ay pilit na tila may tinutuklas sa aking labi, Ramdam ko ang init ng kanyang labi kasabay ang kanyang dila na unti-unti na nakapasok na sa labi ko dahil naibuka ko ito para mag-salita.
Tumigil naman siya at tinignan ako sa aking mga mata. Nakita ko ang kanyang singkit na mata na tila nangungusap at tila nakikiusap. Ang ilong niya na sadyang nililok para mas bumagay sa pangahan niyang mukha. At ang labi niya na manipis na sadyang mapula.
"Mahal kita Amira! Hayaan mo ako na gisingin ko ang natutulog na puso mo para sa akin! At hindi ako makakapayag na may ibang gagawa nun!"
Pagkasabi niya nun. Muling bumalik ang labi niya sa labi ko na nakauwang dahil sa nagulat ako sa kanyang sinabi na Mahal niya ako.
Sa muling pagdampi ng kanyang labi sa akin. Tila iba na ang pakiramdam ko. Kaya napapikit na ako hindi ko alam kung tumutugon na ba ako sa mainit na halik niya. Dahil naramdaman ko na unti-unti nang lumuluwag ang pagkakahawak niya sa dalawang kamay ko. Hanggang sa pakawalan na nga niya ito. At lumipat naman ito sa aking bewang para mas hipitin pa niya para lalo magdikit ang aming katawan.
Kung kanina ang dalawang kamay ko na hawak niya ay kusang pumulupot na sa batok niya. Kaya naramdaman ko na mas lalo pang lumalalim ang kanyang halik.
"Uhhh My Amira!! Pangarap lamang kita noon! pero ngayon pipilitin kitang maabot!"
Siya na ang kusang tumigil sa malalim na halik na tagpo sa pagitan namin. Nakakulong na sa dalawang palad niya ang magkabila kong pisngi. Naiilang ako sa klase ng kanyang tingin. Dahil nahihiya ako dahil alam ko na tumugon ako sa halik niya.
"Huwag ka mahiya My Amira! Mauulit pa iyon! Basta sa ngayon Ayoko ng iiwasan mo ako! Gusto ko bukod sa pamilya mo na pinag kakatiwalaan mo. Pagkatiwalaan mo rin ako! At ipagkatiwala mo sa akin ang puso mo!"
Seryoso na sambit niya lahat sa akin ng mga iyon. Hindi ko siya sinagot dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot sa kanya.
"Sa ngayon tatanggapin ko ang pananahimik mo! pero umaasa ako na darating ang tamang panahon na sasabihin mo sa akin ang nilalaman ng puso mo! Mahal kita Amira mula pa noong una kitang masilayan!"
Nakangiti na niyang sambit ulit sa akin, Hinalikan niya ako sa noo at muli niyang hinawakan ang palad ko at hinila na ako palayo sa tapat ng bahay nila...