QUOTES FOR THIS CHAPTER
"THAT MIGHT REFLECT YOUR SECRET FEELINGS"
Sinundan ko nang tingin ang papalayong si Kuya Alexander at Amira. Kanina nang sinabi ni Amira na ako ang gusto niyang makasama natuwa ako. Pero hindi ko inasahan na gagawin ni Kuya na ilayo sa sa amin si Amira.
Muli ako naupo sa upuan at napatingin sa isang basong gatas na nasa ibabaw ng lamesa na tinimpla ko para sa babaeng lihim ko rin na minahal. At nagbalik tanaw ako kung paano ako nag umpisa na umibig sa babaeng inilayo sa akin ni kuya Alexader.
Mula sa malayo habang sakay ng kabayo lihim ko na pinagmamasdan si Amira. Dahil iyon ang laging hinahabilin sa akin ni Kuya Alexander, habang Nag-aaral si kuya sa Manila ako ang laging nakasubaybay kay Amira. At lahat ng iyon ay lagi kong sinasabi kay Kuya. Dahil iyon ang kagustuhan niya. Pati ang simpleng pagkuha ng litrato sa kanya habang nagdadalaga siya, Lahat ng iyon ay pinadadala ko kay Kuya.
Pero habang tumatagal hindi ko alam kung para pa rin ba sa kagustuhan ni Kuya ang ginagawa ko. Dahil habang tumatagal tila ako na ang may kagustuhan na subaybayan at bantayan si Amira. Lahat ng laban na kanyang napag tagumpayan ay naroon ako.
Minsan pa nga hindi sinasadya na magkita kami ni Kuya Alexander sa isang laban ni Amira. Labis ako nagulat dahil naroon rin siya at wala ako ibinalita sa kanya na may laban si Amira ng araw na iyon. At ang alam ko rin nasa bansang Iran siya dahil may Laban rin siya na kailangan niyang paghandaan.
Nangatwiran na lang ako na ipinarating ko sa kanya iyon. At baka hindi lang niya na natanggap ang mensahe ko.
Kaya magkasabay kami na pinapanood si Amira habang lumalaban. Nakita ko ang labis na kagalakan kay Kuya nang si Amira ang nanalo. Halos ipagsigawan niya sa mga katabi namin ng mga araw na iyon. Na ang babae daw na nanalo ay ang kanyang Magiging asawa balang araw. Kaya pilit ko na itinago ang nararamdaman ko para sa dalaga.
Pero minsan Isang araw muntikan na niya malaman ang lihim ko. Dahil ang nag-iisang litrato na itinago ko sa ilalim ng unan ko ay hindi sinasadya na makita niya. Nangatwiran na lang ako na naiwanan lang iyon sa mga litrato na pinapadala ko sa kanya habang nasa bansang Iran siya.
Gusto kong agawin sa kamay niya ang larawan ni Amira pero pinigilan ko ulit ang sarili ko. Kaya kanina habang umiinom ako ng tubig labis ako nagulat ng may marinig ako na sumigaw at nakita ko na siya ang nasa harapan ko.
Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit dahil sa loob ng Isang buwan na nawala ako ay siya lagi ang nasa isip ko. Dahil nasanay na ako na habang abala sa trabaho dito sa Hacienda ay sinisingit ko sa oras ko ang magpunta sa Hacienda nila at tanawin siya mula sa malayo.
Pati ang muntikan rin na mahulog siya sa malalim na bangin ay naroon rin ako. Pinabilis ko ang kabayo na sundan siya dahil nakikita ko sa kabayo niya na may kakaiba. Pero napahinto akong bigla dahil biglang lumitaw si Kuya Alexander kung saan at ito ang tumulong sa kanya.
Kaya muli ako tumalikod palayo sa kanya. Hindi ko alam kung tama paba na mahalin ko ang babaeng iniibig ng kapatid ko. Sinubukan ko naman itong pigilan pero hindi ko magawa. Dahil habang pinipigilan ko lalo lamang itong lumalalim.
"Hoy Natulala kana diyan Lenard!"
Nagpagising sa pagbabalik tanaw ko sa babaeng mahal ko.
"Kainis iyang Amira na iyan! Lagi na lang nagpapansin sa Kuya mo!
Naiiritang sambit ni Eva. Napailing ako sa sinabi niya. Dahil alam ko na may pagtingin siya kay Kuya nuon pa man. Pero alam ko na hindi siya magagawa na mahalin ni Kuya dahil baliw sa pagmamahal ang kapatid ko kay Amira Casimiro na tulad ko rin. Natawa ako sa isipin na iyon.
"Sa tingin ko hindi naman! Nakita mo naman diba? parang umiiwas siya kay Kuya?"
"Hmmp!! kunwari lang iyon! para lalo siya mapansin ng Kuya mo!!"
Hindi ko na sinagot ang huli niyang sinabi. Muli ako napatingin sa pintuan ng kusina kung saan nakita ko kung paano na hinila ni Kuya ang kamay ni Amira para dalhin kung saan. Sana minsan magkaroon rin ako ng lakas ng loob na magawa ko ang ginawa ni Kuya kay Amira. Pero magagawa ko nga ba sa harapan ni Kuya Alexander?. Muli ako napabuntong hininga ng malalim.
"Lenard diba sabi mo sa akin may babae ka ng nagugustuhan? Dahil ayaw mo sa kaybigan ko na si Natty?"
Napatingin ako sa kanyang sinabi, Dahil minsan na niya akong nireto sa kaibigan niyang si Natty dahil may gusto raw ito sa akin. Nakita ko naman ang kaibigan niya. Maganda naman, Maputi at mukhang matalino. Pero may nakilala na ang puso ko, Kaya hindi na ito magawang tumingin pa sa iba.
"Yes!"
Matipid kong sagot sa kanya.
"Sino ba ang babae na iyon? Alam mo ba na nasaktan si Natty dahil sa pambabalewala mo sa kanya! Naku pag nalaman ko lang talaga kung sino siya? Sasabunutan namin siya ni Natty!"
Nanlilisik ang mata ko na napatingin ako kay Eva. Dahil hindi ko alam kung totoo oh nagbibiro lang siya sa kanyang sinabi.
Nakita niya ang matalim na tingin ko sa kanya kasabay ang paninigas ng aking panga. Dahil hindi ko kayang makita na may mananakit o nasasaktan si Amira.
"Heto naman hindi na mabiro! Paano naman namin iyon gagawin masyado kang malihim! Wala nga kami nakikita na babaeng nakakasama mo e! Pati nga sa Social account mo wala ka rin Friend na girl! kahit kami ayaw mo maging kaybigan duon!!"
Tumayo na ako para iwanan na si Eva, Dahil wala ako panahon na makipag kwentuhan ng matagal sa kanya. Kung kanina nang nandito pa si Amira gusto ko na pahintuin ang oras dahil ang saya ko na nakakausap ko siya. Pero ngayon wala ng dahilan para magtagal pa ako dito.
"Hoy Lenard saan ka pupunta?"
Narinig ko na tawag niya sa akin.
"Matutulog! Kulang pa ako sa tulog! Sige maiwan na kita!"
Sabay taas ko ng Isang palad ko habang nakatalikod sa kanya na naglalakad palabas sa pintuan ng kusina.
Pero hindi pa ako nakakarating sa pintuan ng kwarto ko ay napalingon ako sa malaking pintuan namin na nakabukas. Hindi ako pwedeng magkamali sa aking nakikita kahit na medyo may kalayuan na sila sa tapat ng bahay namin.
Si Kuya Alexader at ang babaeng lihim kong minamahal ay magkadikit ang katawan habang parehas na magkalapat ang kanilang mga labi. Nanigas ang aking panga sa aking nakita. Pati ang dalawa kong kamao ay naitiklop ko ng sobrang higpit. Ramdam ko rin ang tila may kutsilyo na tumarak sa dibdib ko..
"Amira........."
Bigla ko nabigkas ang pangalan niya habang nakita ko na hinila na siya ni kuya para muli na naman ilayo sa aking paningin..