QUOTES FOR THIS CHAPTER
WHILE ON THIS RIDE CALLED "LIFE"
YOU HAVE TO TAKE THE GOOD WITH THE BAD,
SMILE WHEN YOU'RE SAD..
LOVE WHAT YOU'VE GOT AND REMEMBER WHAT YOU HAD..
ALWAYS FORGIVE, BUT NEVER FORGET,
LEARN FROM YOUR MISTAKES, BUT NEVER REGRET.
PEOPLE CHANGES.
THINGS GO WRONG
JUST REMEMBER,
THE RIDE GOES ON.
"Bakit nandito na naman tayo? Akala ko ba sasamahan mo ako mag-practise?"
Pagtataka na tanong ko sa kanya. Dahil nandito na naman kami sa loob ng Hacienda Casivue kung saan nandito kami sa itaas ng malaking Puno kung saan una kami nagkakilala. Magkaharap kami na nakaupo sa parehas na matibay na sanga sa malaking Puno.
"Kahit hindi kana mag-practise alam ko mananalo ka naman eh"
Nakangiti niyang tugon sa akin.
"Xander ikaw ba? Ano ang nagpapalakas ng loob sa'yo bago ka lumaban?
Naisipan ko na itanong sa kanya. Nakita ko na nanlaki ang mata niya sa tuwa. Kaya napakunot-noo ako sa inasal niya. Ano naman nakakatuwa sa tanong ko? bulong ko sa isip ko.
"Ano ang itinawag mo sa akin..?"
"Hah? Eh kasi... Hindi kita pwede na tawagin na Alexander! dahil pangalan na iyon ng kabayo ko! tapos ayoko rin na tawagin ka na Alex! dahil iyon ang naririnig ko na tawag sa'yo ni Eva! Kaya Xander......"
Napatigil pa ako sa iba ko pang sasabihin sa kanya dahil ang Isang daliri niya ay nilapat niya sa labi ko. Kaya napatingin ako sa kanyang gwapo na mukha. Ang ganda ng kanyang ngiti pati ang kanyang mata ay tila nangungusap na naman na nakatingin sa aking mata.
"Ikaw lang ang papayagan ko na tatawag sa akin niyan. Dahil isa na iyang tagumpay para sa akin!"
"Hah? anong tagumpay sinasabi mo? pangalan lang..."
"Para sa akin ang unti-unti na makapasok sa puso mo ay mas importante pa sa horse racing na aking naipapanalo. Dahil ang makapasok diyan ang talagang gusto ko na makamit! Dahil ang horse racing My Amira daan lamang sila para mapansin mo ako!"
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa mga naririnig ko mula sa kanya.
"Ang tanong ko Xander! ano ang nagiging motivation mo para ang lahat ng laban mo ay naipapanalo mo?"
Inulit ko ang tanong ko, Dahil naiilang ako sa mga sinasabi niya sa akin.
"Ikaw ba My Amira? ano at sino ang nagiging motivation mo para maabot mo kung nasaan ka man ngayon?"
Napakunot-noo ako dahil siya ang tinatanong ko pero binalik niya sa akin ang tanong ko.
"Hmmm.. Ako? Siyempre ang pamilya ko! ang mga taong naniniwala sa kakayahan ko. At siyempre ang Daddy ko na lubos kong naging inspirasyon sa bawat pagsakay ko kay Alexander ko, sa bawat hampas ko nang Latigo para marating ang Finish line dahil alam ko na nanduon si Daddy na nakangiti at habang nakabukas ang dalawang braso niya at hininintay ako na yakapin at sabihin niyang "I'm so proud of you My Princess Amira"
Nakangiti kong sagot sa kanya. Dahil iniisip ko ang bawat panalo ko na si Daddy ang naghihintay sa akin sa Finish line.
"Ang ganda mong pagmasdan pag nakangiti ka, My Amira"
Bigla ko naman inayos ang Pagkakangiti ko dahil nakatitig na pala siya sa labi ko.
"Parehas lang tayo My Amira! bukod sa pamilya ko na alam ko na lagi lang nasa tabi ko at nakasuporta sa lahat ng desisyon at laban ko. May Isang tao ako na mas higit na naging inspirasyon ang lahat ng ito. Siya rin ang lagi kong nakikita sa Finish Line habang nasa malayo pa ako naaaninag ko ang Isang bata na sobrang tapang ng kanyang mukha. Pero habang lumalapit na ako sa kanya unti-unti ko nakikita ang kanyang maamong mukha ang maganda niyang mata, ang pilik mata niyang malago , ang matangos niyang ilong, ang labi niyang nakangiti na sa akin lamang, Kaya pilit kong inuunahan ang aking mga kalaban dahil ayoko maunahan nila ako na makalapit sa Finish line dahil naghihintay sa akin duon ang aking si Amira!"
Unti-unti nawala ang ngiti sa aking labi, Tila natulala ako sa aking mga naririnig. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang mga sinasabi niya sa akin habang ang kanyang mga mata ay tila napako na sa aking mga mata.
Tila may sariling isip ang mga mata ko dahil kusa itong pumikit dahil unti-unti na lumalapit sa akin ang mukha ni Xander, Naramdaman ko na rin ang mainit na paglapat ng kanyang labi sa labi ko.
Abnormal na naman ang pagtibok ng puso ko. Ayaw ko man aminin pero alam ko unti-unti na nga siya nakakapasok dito. Pero bakit tila ayaw ng isip ko sumang-ayon sa nararamdaman ko.
Tinugon ko ang halik niya,Dahilan para kumapit ako sa batok niya pero dahil sa ginawa ko naramdaman ko na mahuhulog ako mula sa pagkakaupo ko sa sanga ng puno. Pero bago naman iyon mangyari naramdaman ko na kumapit na ang Isang braso ni Alexander sa akin para maikulong niya ako sa matipunong katawan niya. At sabay kami nahulog sa lupa. Wala naman ako naramdaman na kahit na ano mang sakit saan man parte ng aking katawan.
"Xander' a'ayos ka lang ba?"
Kumalas ako bigla sa pagkakapulupot niya sa aking katawan at buong pag-aalala na naupo sa lupa at tinignan ko ang katawan niya. Unti-unti narin siya naupo para magpantay ang aming mukha.
" Ayos ka lang ba My Amira??Wala bang masakit sa'yo??"
Bigla niya ako hinawakan sa magkabilang balikat ko at tinignan ang kabuuan ko. Gusto ko siya batukan sa inaasal niya ngayon, alam ko na siya ang nasaktan pero ako parin ang inaalala niya.
Parang nangyari lang yung nangyari sa bangin kung paano niya sinalo ang katawan ko para hindi man lang ako masaktan o magalusan.
"Hmmpp!! gusto mo maulit ang nangyari sa atin dito 12 year ago? Ikaw na nga ang nasaktan ako pa ang inaalala mo!!"
Nakaamba na ang aking kamao sa kanyang mukha, Pero nakangiti parin siya. habang hinawakan lang niya ang kamao ko na nakaamba sa kanyang mukha at unti-unti itong binaba. pero nanatili niya parin itong hawak.
"Ok lang tatanggapin ko iyon basta may kapalit. Pero sa ngayon gusto ko muna makuha ang premyo ko bago mo iyon ulit gawin sa akin!"
Pagkasabi niya ng mga iyon. Lumapat na ang labi niya sa labi ko, At tinulak na ako ng katawan niya para mapahiga sa lupa habang patuloy na magkalapat ang aming mga labi.
Napakapit na ako sa batok niya dahil tumutugon na ako sa mainit na halik niya. Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganoon na tagpo, Basta siya na ang tumapos na naging ganap sa amin.. Napako ang kanyang paningin sa aking mukha habang nakadagan parin ang kanyang katawan sa akin.
"Salamat sa labing dalawang taong nakalipas dahil nakilala kita dito aking Amira"