Games of heart

1165 Words
QUOTES FOR THIS CHAPTER "TRUE FRIENSHIP IS SITTING TOGETHER IN SILENCE AND FEELING LIKE IT WAS THE BEST CONVERSATION YOU'VE EVER HAD" Sakay kami ni Alexander ko habang pabalik na kami sa loob ng Hacienda nila, Tulad ng kanyang sinabi, hindi na niya ako hahayaan na ako ang magpatakbo kay Alexander ko basta kasama ko siya. Paghinto ni Alexander ko kaagad siyang bumaba at hinawakan ako sa dalawang bewang ko para maibaba. Ibinilin na lang niya si Alexander ko Isa sa mga tauhan niya na sumunod sa amin pagkakita sa amin. Magkasabay kami pumasok sa loob ng bahay, Pero sa pintuan pa lang may naririnig na ako na boses na nagtatawanan . Nang tuluyan na kami nakapasok sa loob nakita ko ang dalawang babae na nakaupo sa sala na parehas nagtatawanan may mga Can beer din ako nakita sa lamesa sa kanilang harapan. "Alex' ang tagal mo naman! kanina kapa namin hinihintay eh! si Lenard naman nakakainis ayaw lumabas sa kwarto niya!" Nakalapit na siya sa amin ni Alexader, at pumulupot na naman ang kanyang kamay sa braso nito. "Anong meron Eva? Bakit dito kayo umiinom?" Tanong sa kanya ni Alexander. "Birthday kasi ni Natty eh! at nagpaalam naman kami kay Tatay Nardo! Mas ok nga daw dito kami kesa naman daw sa labas pa kami uminom!" Napatingin ako sa babaeng sinabi niyang may birthday. Maputi ito siguro kasing taas ko lang siya. balingkinitan ang kanyang katawan kahit wala siyang make-up maganda naman siya. "Sige maiwan na namin kayo" Biglang hinawakan ni Alexander ang kamay ko at inakay na para tuluyan na makapasok sa loob ng bahay. Pero napahinto siya dahil pinigilan siya ni Eva na nakahawak parin sa braso niya. "Alex naman! Kaya nga dito kami nag celebrate ng birthday ni Natty para naman masamahan natin siya eh!" Nasa boses ni Eva ang pagsusumamo, Kaya napatingin narin ako kay Natty na iniwas ang tingin sa akin. "Ok sige' ihahatid ko lang si Amira sa kwarto niya" "Kuya may Long distance Call ka kanina galing sa Iran" Napalingon kami kay Lenard na kalalabas lang sa kwarto niya. "Ahh sige' salamat bro' mag call back na lang ako mamaya" "Alex tara na maupo na tayo duon!" Boses ni Eva habang pilit niyang hinihila si Alexander kaya pati ako ay natatangay narin dahil hindi binibitiwan ni Alexander ang kamay ko na hawak pa rin niya. Bago makaupo si Alexander sa mahabang Sofa dahil sa hila-hila parin siya ni Eva. nagsalita na ako. "Bitawan muna ang kamay ko' papasok na ako sa kwarto ko" Mahinang bulong ko sa kanya. "Huwag na samahan mo narin kami dito" Boses ng babae na may pangalang Natty ang nagsalita. Kaya napatingin ako sa kanya. "Hay naku Natty! Huwag mong pilitin kung ayaw!" "Eva ano kaba!" Boses ni Alexander na pagsita niya sa inasal ni Eva. "Sige na dito kana lang muna' kahit hindi ka uminom" Nakangiti na bulong naman sa akin ni Alexander. Kaya wala ako nagawa nang maupo siya ay napasabay narin ako ng pagkakaupo. Kaya magkatabi kami at nasa kabila naman niya si Eva' Kaya nasa gitna namin siyang dalawa. "Lenard lumapit kana dito! huwag ka naman ganyan! huwag mo naman pasamain lalo ang loob ng kaybigan ko!" Napatingin ako kay Lenard dahil sa sinabi ni Eva. At sa babaeng si Natty, Nakita ko nga na malungkot ang kanyang mga mata. Lumapit naman sa amin si Lenard pero naupo siya sa Sofa sa aking tapat. Kaya ginawa ni Eva hinila niya si Natty para maupo sa tabi ni Lenard. Para ako nakaramdam ng awa para kay Natty dahil nakikita ko sa kanya ang labis na paghanga kay Lenard. Pero si Lenard mababakas sa kanyang mukha at kilos na walang kahit katiting na pagtingin para sa dalagang si Natty. Nasa kalagitnaan na sila ng kanilang pag-inom nang inuming nakakalasing ng abutan ako ni Natty ng Isang Can beer na siya mismo ang nagbukas. "Subukan mo lang kahit isa lang!" Nakangiti niyang abot sa akin. pero biglang nagsalita si Lenard na nasa kanyang tabi. "Huwag na! may laban siya bukas at mas importante iyon!" Biglang naibaba ni Natty ang hawak niyang Can beer at napayuko. Kaya nahabag naman ako para sa kanya. Kaya kinuha ko ang binuksan niyang Can beer na nilapag niya sa mesa. "Ok lang naman' Salamat Natty" Nakangiti kong tugon kay Natty' na nginitian naman ako. Nakakarami na kami ng iniinom, pero paminsan-minsan inaagaw ni Xander ang can beer na hawak ko. Kaya hindi naman ako gaano nalasing. Pero si Eva alam ko lasing na dahil sobrang daldal na niya at maanghang na ang mga salita na lumalabas sa labi niya. "Natty' dahil birthday mo! Gusto ko bago matapos ang araw na ito! bibigyan kita ng magandang ala-ala" "Hah? ano ba iyang pinagsasabi mo Eva?" Naguguluhan na tanong ni Natty, Na halatang medyo lasing narin. "Ahmmm. Naalala mo nang party natin sa Colleges natin? yung games natin? gagawin natin ngayon" Masayang sambit ni Eva sa amin. Tumayo siya para hilahin si Xander na nasa tabi namin at pinagpalit kay Natty na katabi naman ni Lenard. Kaya kaming tatlo ni Eva' at Natty' ang magkatabi sa mahabang Sofa. Habang si Lenard' at Xander' naman ang magkatabi sa kabilang sofa na nasa harapan namin. May kinuha siyang pabango sa kanyang Bag, at winisik niya sa amin ni Natty' at pati narin sa kanya. "Ano ba iyang ginagawa mo Eva?" Pagtataka na tanong ni Xander sa kanya. inamoy ko ang pabango. Napangiti naman ako kahit na hindi ko hilig ang pabango pero maginhawa naman siya sa amoy. "Ganito ang games' ang bawat isa sa inyo ni Alex' at lenard' ay pipiringan namin sa mata, tapos kaming tatlo dito na nakaupo ay pipili kayo ng Isa lang! ngayon kung sino ang mapili ninyo dapat halikan ninyo ng hindi inaalis ang inyong piring sa mata" "Anong kalokohan ba iyang sinasabi mo Eva!" Naiiritang tanong naman ni Lenard na napatingin naman sa akin. Hindi ko alam pero parang may kakaiba akong nakita sa kanyang mata. Pero kaagad din niyang iniwas sa akin. "Ahhh!! basta! huwag kang isip-bata Lenard!! kahit heto na lang ang birthday gift mo kay Natty noh!" Naiiritang sagot sa kanya ni Eva, Napatingin naman ako kay Xander na kinindatan naman ako sabay ngiti nang napakatamis. Kaya iniwas ko rin kaagad ang aking paningin sa kanya. "Pero siyempre! habang nakapiring ang mata ninyo, Magpapalit kami ng pwesto sa upuan, Kaya sigurado na walang dayaan! Ok game? Ok Alex' Ikaw ang mauuna!" Tumayo si Eva para piringan na siya sa kanyang mata.. "At may isa pa pala! kung sino ang mapipili ninyo na sa amin para mahalikan! ay makukulong sa kwarto ng dalawang oras! ok game ha!!" "Ok game ako! Ako muna ang mauuna!" Boses ni Lenard' ang biglang nagsalita kaya napatingin ako sa kanya. Dahil sa akin siya nakatingin. Bakit ganito? Bakit ang puso ko abnormal ang t***k pag si Alexander ang nasisilayan ko? Pero bakit ang isip ko pilit na sinasabing lingunin ko si Lenard at basahin ang sinasabi ng mata nito...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD