QUOTES FOR THIS CHAPTER
"SA AKIN KANA LANG!!"
IS THE MOST SELFISH LINE YOU'LL EVER HEAR..
BUT THE SWEETEST THING THAT EVERYONE LOVES TO HEAR...
"Ok fine!"
Sagot ni Eva' lumapit na s'ya kay Lenard at piniringan na ang mata nito.
"Ok lenard' meron ka naman choice para sa mapipili mo sa aming tatlo eh' pwede mo hawakan ng kamay mo ang mga mukha namin"
"Kailangan paba yun Eva? hindi ba pwedeng piliin na lang niya?"
Biglang nagsalita si Alexander, Kaya nabaling ang aking atensyon sa kanya. mababakas sa kanyang mukha ang tila pag-aalala. Kaya napakunot-noo ako bakit kailangan niya mag-alala?
"Kahit naman hawakan niya ang mga mukha namin Alex' para naman makikilala n'ya kami sa pagdampi lamang ng kanyang palad sa mukha namin? pwede na lang kung kabisado n'ya talaga ang bawat hugis ng aming mukha!"
Natatawang tugon namn sa kanya ni Eva' Napansin ko rin ang lalim nang kanyang tingin kay Lenard' na unti-unti ng inalalayan ni Eva' na lumapit sa amin.
Sinenyasan niya si Natty na magpalit kami ng pwesto. Pero nagtataka ako bakit dalawa lang kami ni Natty na nakaupo sa sofa at siya ay nanatili sa likod ni Lenard'.
"Eva! bakit nandyan ka? diba dapat kasali ka sa kanila?"
Salubong ang kilay na tanong ni Alexander sa kanya.
"Hah? A'Ah eh k'kasi....."
"Ok lang hayaan muna siya Kuya Lex! madaya ka Eva ha! Ok sige' pagbibgyan kita! ganito ang bagong rules' ang dalawang palad ko ay hahawak ng sabay sa pisngi ni Natty at Amira, para sigurado na hindi iisang tao lang ang nasa harapan ko! Ok ba Eva?"
"Hah? Oh'Ok s'sige! s'sige!
Hmmmp! kainis! Narinig ko na bulong pa ni Eva. At nabaling ang kanyang paningin sa akin na tila naiirita.
"Bro' wag naman ganun!"
Boses ni Alexander na parang kinabahan, Kahit ako ay nakakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung bakit.
"Sorry Kuya it's a game!"
Napansin ko na nanigas ang panga ni Alexander sa naging sagot ni Lenard' sa kanya.
"Ok game na Lenard!'"
Dahil magkatabi lang naman kami ni Natty' Lumuhod na sa harapan namin si Lenard. Si Eva na rin ang umalalay sa dalawang palad ni Lenard' para humawak sa magkabilaang pisngi namin ni Natty, napatingin ako kay Natty na namumula at tila ang saya ng kanyang mata.
Habang humahaplos sa pisngi ko ang palad ni lenard, napatingin ako sa mata n'yang nakapiring hindi ko alam tila parang tumatagos ang paningin ko sa mata niya. Tila tumatagos din ang kanyang paningin sa akin.
"Bullshit that games!!"
Narinig ko na boses ni Alexander' pero hindi ko siya makuhang tignan dahil tila napako na ang aking atensyon kay Lenard, Dahil unti-unti ng lumalapit sa akin ang kanyang mukha. Hindi ako makakilos para ako namagnet sa papalapit niyang mukha sa akin. napatingin ako sa manipis na labi niya na unti-unti nang lumalapat sa labi ko.
Hindi ko alam kung pipikit ba ako, dahil ang manipis na labi ni Lenard' ay lumapat na sa labi ko habang ang isang palad niya ay nanatili sa pisngi ko.
"Sa akin kana lang!"
Mahinang boses ni Lenard' na tila sinadya n'ya na ako lang ang makakarinig..
"Oh f*****g that games!! Stop that Lenard!"
Nagpagising naman sa akin sa boses na tila galit ni Alexander, Biglang inalis ni Lenard' ang kanyang piring at nagsalubong ang aming mata. Hindi ko alam parang katuwaan pa ang nakita ko sa kanyang mga mata, tila walang halong pagsisisi.
Tumayo na siya mula sa kanyang pagkakaluhod.
"Sorry bro' it's a games! at hanggang duon lang iyon! walang mangyayaring pagkakulong sa room! siguro naman napasaya na kita Eva! by the way Happy birthday Natty"
Sabay talikod niya sa aming lahat. Napatingin ako kay Natty na mangiyak-ngiyak na sa aking tabi, Habang naupo narin sa kanyang tabi si Eva na tinignan muna ako ng nanlilisik niyang mga mata.
"I'm sorry Natty' ang plano ko talaga para sa'yo yun! hindi ko alam na babaguhin ni Lenard' ang rules e! kaya hindi na ako nakagawa ng paraan"
Pang-aalo niya kay Natty, Naramdaman ko rin na hinawakan na ako sa pulsuhan ko ni Alexader at nilayo na sa tabi nila Eva' at Natty' na yakap na ni Eva dahil umiiyak na ito.
Para ako nakaramdam ng habag. anong ginawa ko? bakit hindi ko naiwasan ang halik ni Lenard'? kung gugustuhin ko kaya ko naman iyon iwasan. pero bakit ang isip ko ang nagsasabi na tignan ko ang mga mata ni Lenard' na kahit nakapiring ay tila parang alam niya kung sino ang gusto niyang halikan.
Pagdating namin sa pintuan ng kwarto ko. tila tulala parin ako, hindi pa rin binitiwan no Alexander ang kamay ko.
"Amira' magpahinga kana! huwag muna isipin ang ginawa ni Lenard' alam ko hindi n'ya iyon sinasadya dahil nakapiring siya at pinagbigyan lang niya ang kakulitan ni Eva"
Sambit ni Alexader na tila paghihirap ng kanyang loob habang sinasabi n'ya sa akin iyon, pero hindi n'ya ako matignan.
"Hah? ahmm.. Oh'Ok lang sa akin iyon"
Bigla siyang napatingin sa akin. Mababakas sa kanyang mukha at tila nasaktan sa aking tinugon.
"Sa akin hindi ok iyon Amira! Hinde ko alam kung ano iisipin ko sa nakita ko sa ginawa ni Lenard'! P'pero imposible yung iniisip ko eh!"
Paghihirap ng loob niyang sambit sa akin. Tila may laman ang kanyang sinabi para sa kanyang kapatid.
"Hah? anong ibig mong s'sabihin Xander?"
Malungkot siyang napailing lang sa akin. tinanggal na niya ang kamay ko na hawak niya. At malungkot siyang napatingin isa sa pintuan na kahilera lang ng kwarto niya. Nakatingin siya sa pintuan ng kwarto ni Lenard' habang nasa malalim siyang pag-iisip.
"H'wag munang isipin ang sinabi ko' magpahinga kana!"
Sabay bukas niya ng pintuan ng kwarto ko, Pumasok naman ako sa loob, pero bago ko iyon isinara, napatingin ako sa malungkot na mukha ni Xander habang nakatingin rin s'ya sa akin.
"Xander bukas ba sasamahan mo ako sa laban ko?"
Tanong ko sa kanya. Dahil wala si Daddy para samahan ako, Kaya sobrang lungkot ko dahil ngayon lang ito mangyayari na wala si Daddy sa tabi ko para palakasin ang loob ko.
"S'yempre naman! lahat ng laban mo hindi naman ako nawala"
Nakangiti niyang tugon sa akin, nagsalubong naman ang kilay ko habang napaisip sa kanyang sinabi. Anong ibig niyang sabihin na lahat ng laban ko ay hindi naman siya nawala? bigla ko lang inalis sa isip ko iyon. Baka sinabi lang n'ya iyon para palakasin ang loob ko.
"Sige t'thank you Xander"
Nakangiti kong sagot naman sa kanya.
Pinisil n'ya ang pisngi ko habang nakangiti siya sa akin.
"Basta para sa'yo! lagi lang ako nasa likod mo aking Amira.."
Tumalikod na siya kaya isinara ko ang pintuan, pero bigla ako may naalala na itanong sa kanya kaya muli ko itong binuksan para sana tawagin siya. pero pagbukas ko natanaw ko siya na pumasok sa kwarto ni Lenard' Kaya muli ko nang isinara ang pintuan ng kwarto ko.
Nahiga na ako sa kama ko. Napako ang aking tingin sa kisame habang napahawak ako sa labi ko. Bakit ganon? imposible ba na magkaroon ng puwang ang dalawang lalake sa puso ko?
Pero bakit si Lenard' ang dali n'yang nakuha ang loob ko?
Bakit si Alexander? tila ang daming katanungan sa isip ko bago niya makuha ang loob ko? Bakit ganoon?