QUOTES FOR THIS CHAPTER
MINSAN TALAGA DADATING KA SA PUNTO NG BUHAY MO NA KAHIT SARILI MONG NARARAMDAMAN HINDI MO NA RIN MAINTINDIHAN..
Hindi ko alam kung ilang oras na ako nakatulog, Basta nagising ako na parang masakit ang ulo ko. Kaya tumayo ako para tumungo sa kusina. Nakaramdam kasi ako ng sobrang pagkauhaw at gusto ko ay malamig na tubig.
Malapit na ako sa kusina ng mapansin ko na bukas ang ilaw, ibig sabihin may tao sa loob. Sa pintuan pa lang nakita ko na si Lenard' ang nakaupo at may nakalapag na can beer sa lamesa. Napakunot-noo ako hindi ba siya nalasing kanina? At umiinom ulit siya ngayon. Hindi ko alam kung tatalikod ba ako o itutuloy ko ang pagpasok sa kusina. pero mas nasunod na naman ang isip ko na ituloy ang pagpasok ko sa loob.
"Hi bakit umiinom ka ulit?"
Pagbati ko kay Lenard' hinde ko nakita kung ano ang naging reaksyon n'ya dahil tumungo na agad ako sa Ref para kumuha ng tubig.
"Hindi pa kasi ako makatulog eh' Ikaw bakit gising kapa? may laban ka bukas diba? Kaya dapat may sapat na tulog ka"
Naging tugon naman n'ya sa akin.
"Ahhhmm.. Nagising lang ako bigla na uhaw na uhaw eh"
"Hmmm.. mainit ba sa kwarto mo? mahina ba ang labas ng lamig ng aircon duon?"
"Ahhh hinde' malamig nga eh, nauhaw lang talaga ako eh, sige ha maiwan na kita"
Paalam ko sa kanya. patalikod na ako nang bigla ulit siya na nagsalita.
"Yung nangyari nga pala kanina..."
"Hah? Wa-wala iyon sa akin' Kaya wala ka-ka dapat problemahin"
Kinakabahan ko na sagot ko sa kanya. Hinde ko alam kung nakasagot ba ako ng hinde ako nauutal.
"Ganoon ba? bakit ka nauutal?"
"Hah? a'ano? anong nauutal?"
"Totoo naman eh' bakit ka nakatalikod? bakit hinde ka makatingin sa akin?"
Napapikit akong bigla dahil sa mga tanong n'ya sa akin. Kaya unti-unti na ako humarap sa kanya. Pagharap ko sa kanya hinde naman s'ya sa akin nakatingin kundi sa hawak n'yang Can beer na inikot pa n'ya sa kanyang kamay.
"Maupo ka Amira' samahan mo muna ako"
Sambit n'ya sa boses n'yang malumanay pero tila nakikiusap. Kaya umupo ako na may pagitan na isang upuan ulit sa gitna namin.
"Bakit Lenard'? may problema kaba?"
Pagtataka na tanong ko sa kanya.
Narinig ko ang malalim na buntong hininga n'ya.
"Hmmm.. Meron pero sa akin na lang iyon"
"Pwede mo naman sabihin sa akin eh' makikinig ako, malay mo naman gumaang ang pakiramdam mo kahit papaano, kahit na hindi ako magaling sa pag advice, h'wag lang problema sa Pag-ibig ahh! hehehe.. Wala kasi ako maitutulong sa'yo"
Nakangiti kong tugon sa kanya, dahil totoo ang sinabe ko na wala ako mai-advice sa kanya pagdating sa love problem dahil kung ang sarili ko nga ay hindi ko matulungan eh' dahil kahit ako naguguluhan ako sa nararamdaman ko.
"Kaya nga ok na sa akin yung alam ko na nandyan ka lang"
"Hah?"
Bigla kong tugon sa sinabi n'ya. bakit ganon ang naging sagot n'ya sa akin? eh kailan lang naman kami nagkakilala,
"Ang ibig kong sabihin ok lang sa akin na samahan mo ako kahit ngayon lang'
habang parehas tayong hindi pa inaantok"
"Uhh' hmm.. Ok"
"Amira nagtapat naba sa'yo si Kuya?"
Nagulat ako sa tanong n'ya, hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin n'ya na nagtapat. At Hindi ko alam kung ang mga nangyari sa amin kanina ni Xander at sa mga narinig ko na sinabe n'ya sa akin ay pagtatapat na.
"Hah? Ah eh..."
"Ok lang rin kahit h'wag mong sagutin"
Nahimigan ko ang malungkot na boses n'ya, Kaya napatingin ako sa kanya pero nasa can beer parin na hawak n'ya ang kanyang tingin.
"Uhmm Lenard' kanina pala si Natty..."
"Hindi ko s'ya girlfriend"
"Alam ko' ahmm.. ang ibig kong sabihin hindi mo ba nahahalata na may pagtingin s'ya sa'yo?"
"Alam ko iyon Amira"
"Ganon ba' pero bakit hindi mo s'ya man lang pansinin? alam mo ba kanina ang saya n'ya habang nakatingin s'ya sa'yo?"
"Hindi ko magagawa iyon dahil parang pagtataksil na iyon para sa tunay na babaeng mahal ko"
Bigla ako nakaramdam ng kaba na naman, dahil sa kanyang sinabi at sa bigla n'yang tingin sa akin.
"Ahh Kaya pala kasi may girlfriend kana"
Sagot ko sa kanya. Pero napakunot-noo ako kasi napangiti s'ya habang napapailing.
"Hindi ko rin s'ya girlfriend"
"Hah? Ibig sabihin pinopormahan mo pa lang?"
"Hinde rin, Dahil bawal ko s'yang pormahan eh"
"Bakit naman? may boyfriend naba s'ya? may asawa naba s'ya?"
bigla ko naman naitanong sa kanya.
"Asawa? wala! pero boyfriend? hinde ko alam kung sila naba ng lalaking labis s'yang minamahal"
Halos pabulong lang n'ya iyon sinabi, pero hindi naman iyon dahilan para hindi ko lubusan na marinig.
"Ang gulo naman ng sagot mo Lenard'"
Tugon ko naman sa kanya, Dahil naguluhan talaga ako sa naging sagot n'ya, Dahil hindi ko kilala kung sino ang tinutukoy n'ya, Pero kung tutuusin madali lang naman intindihin ang kanyang sinabi kung lubos ko lang silang kilala.
"Ganito kasi 'yon mahal ko s'ya ng Hinde n'ya alam, tapos mahal din s'ya ng taong malapit sa akin"
Biglang lumakas ang kaba sa diddib ko. At ang uri ng tingin n'ya sa akin ay kakaiba na naman.
"Paanong..? ahmm bakit..?"
Hinde ko alam kung ano ang itatanong ko sa kanya. Dahil parang kinakabahan talaga ako. Bakit parehas ngayon ang nararamdam ko kay Lenard' at kay Xander? Mag-kaiba nga lang sa paraan dahil si Lenard' kaagad kong nakagaangan ng loob. pero si Xander..? Hayyy!! Ewan ko ba! ano ba yan!! Sabay buntong hininga ko nang malalim.
"May problema ba..?"
Boses n'ya na nagpagising sa akin sa malalim na pag-iisip.
"Huh? ah' e w'wala naman"
"H'wag ka masyado mag-isip, Ang isipin mo ang laban mo bukas, Congratulations hah"
"Hinde pa naman ako ang nanalo e' Ang aga naman ng pagbati mo"
Nakangiti kong tugon sa kanya. Pero muli na naman s'yang tumingin sa akin. Kaya nailang na naman ako.
"Alam ko na Ikaw ang mananalo Amira' basta pag Ikaw ang nanalo libre mo ako hah?"
Nakangiti ulit n'yang sambit sa akin. Kaya ngumiti narin ako. Mas ok ang ganito, Hinde' nakakailang pag hindi tungkol sa Pag-ibig ang pinag-uusapan namin.
"Sige ba' ano bang gusto mo treat ko sa'yo?"
"Hmmm.. ano nga ba?"
Napahimas s'ya sa ibabang labi n'ya habang nag-iisip. Kaya napatingin ako sa labi n'ya na patuloy n'yang hinihimas. bigla ko naalala na kanina lang ay dumampi iyon sa aking labi.
Lumakas ang pagtibok ng puso ko nang bigla s'yang napatingin sa labi ko. Na kaagad ko naman tinakpan ng Isang palad ko. Nakita ko ang bigla n'yang pagtawa.
"H'wag ka mag-alala hindi yan ang hihilingin kong treat mo sa akin"
Nakangiti ulit n'yang sambit sa akin. Bigla ko naibaba ang palad ko na nakatakip sa labi ko, kasabay nun ang pamumula ng mukha ko. Nakaramdam ako ng hiya sa inasal ko.
"Pwede ba minsan maisakay kita sa kabayo ko? at gusto kitang dalhin kung saan lagi ako nakatayo habang tinatanaw ko ang babaeng lihim kong minamahal"
"Hah? bakit ako?"
"Ang dami mong tanong Amira"
"Pero kasi......"
"Kung gusto mo lang naman' gusto ko kasi mailabas ang lahat ng nakatago dito sa dibdib ko! dahil hinde ko alam kung kailan ito pwede na lumabas' alam mo ba kinausap ako ni Kuya kanina? Pilit n'ya ako pinapaamin pero hinde ko kayang umamin sa kanya"
"Pero Lenard bakit ako ang isa.....?
"Malalaman mo ang lahat ng sagot pag pinagbigyan mo ang kahilingan ko Amira' Dahil gusto kong subukan na sumugal kahit na alam ko na may tao akong masasaktan.."