Lenard' Happy Place

1025 Words
QUOTES: I STILL FOR YOU EVERYDAY.. "Hoooo Wow Congrats My Amira!" Nakangiting bati sa akin ni Xander sabay abot niya sa akin ng Isang kumpol na bulaklak. "Salamat" "Ikaw na naman ang nanalo, May video call ang Daddy mo gusto mo naba panuorin?" "Mamaya na lang" Tipid kong sagot sa kanya. sabay linga ko sa paligid ko, dahil hindi ko alam parang mayroon ako gustong makita. "Sino hinahanap mo?" Tanong sa akin ni Xander, Kaya napabaling ang tingin ko sa kanya. "Uhhmm Wala naman, Tara uwi na tayo" Nakangiti kong tugon naman sa kanya. Sino nga ba Inaasahan ko na makita ko? sino nga ba Inaasahan ko na lalapit sa akin para batiin ako? Pagdating namin sa loob ng Hacienda nila nagmadali ako lumabas ng sasakyan ni Xander. Pagpasok ko sa loob ng bahay nila siya naman labas ni Lenard' sa kusina, Kaya bigla ako napahinto para sana tumuloy sa kwarto ko. "Congratulation" "Thank you' bakit hindi ka nanunood?" "Bakit inaashan mo ba na manunuood ako?" Nakangiti n'yang tanong sa akin, kasabay ang Lalo paniningkit ng kanyang mata. Kaya para na naman akong hindi mapakali. "Uhhmm. A e' hindi naman" Sagot ko sa kanya, sabay iwas ng aking paningin sa kanya. dahil kakaiba na naman ang kanyang tingin sa akin. na tila may panunukso. "Nanduon ako, pinanood kita" Narinig ko na bulong n'ya sa tenga ko. bago n'ya ako iniwan para tuluyan na s'yang lumabas ng bahay. narinig ko pa ang boses ni Xander na kinakausap s'ya. Kaya tuluyan ko na silang iniwan na dalawa at tumungo na ako sa kwarto ko. Nakapagpalit na ako ng kasuotan nang makarinig ako nang katok sa pintuan ng kwarto. Kaya tumungo ako dito para pagbuksan kung sino ang nasa labas. "Kakain na" Ang nakangiting si Xander ang napagbuksan ko. "Sige" Tipid kong sagot ko sa kanya. Lumabas na ako ng kwarto at sabay na kami tumungo sa kusina. Pagpunta namin sa kusina nakita ko si Tatang Nardo na nakangiti sa akin, pati na rin si Lenard'. Paglapit ko sa lamesa nakita ko ang maraming pagkain na nakahain at may Cake pa na nakasulat bilang pagbati sa akin. gusto ko maiyak sa nakikita ko. Dahil kahit wala ako sa Hacienda namin at wala sa tabi ko sila Daddy at Mommy may Isang pamilya parin ang gumawa ng parati nilang ginagawa sa tuwing mananalo ako. "Congrats iha' siguradong sobrang proud na naman sa'yo ang Daddy mo" Nakangiti na pagbati sa akin ni Tatang Nardo. Kaya nginitian ko naman siya nang ubod ng tamis. "Salamat po Tatang Nardo" Inalalayan na ako ni Xander para maupo at naupo na rin s'ya sa tabi ko. "Hello po" Napalingon kaming lahat sa pinanggalingan ng boses, Si Eva na malaki ang pagkakangiti habang lumalapit sa amin at agad din na naupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Xander. "Oh Eva sabayan muna kami kumain'" "Sige po Tatang' Ou nga pala Alex samahan mo naman ako, diba nag promise ka sasamahan mo ako sa pamilihan?" Boses ni Eva' na naglalambing kay Xander. "Pero Eva' may gagawin ako" "Sige na Alexander' samahan muna s'ya, Nandito naman si Lenard' s'ya na ang gagawa para kay Amira" Biglang singit naman ni Tatang Nardo, napakunot-noo ako sa sinabi ni Tatang, anong gagawin ni Xander? na si Lenard' na lang ang gagawa? Pagkatapos namin kumain' nagmadali nang inaya umalis ni Eva si Xander, napasunod ako ng tingin sa dalawang lumabas ng kusina habang nakahawak si Eva sa braso ni Xander. "Baka naman matunaw silang dalawa" "Hah? ah eh'" Nauutal kong sagot kay Lenard', "Maupo ka muna d'yan, Hugasan ko lang hetong mga pinagkainan natin" Bigla ako lumapit sa kanya para tulungan na s'ya, "Tulungan na kita" "H'wag na' maupo kana lang duon" Nakangiti n'yang utos sa akin. "Ayoko gusto ko tulungan na kita" Pagpupumilit ko parin sa kanya. "Hmm sige' Ikaw bahala" Nakangiti n'yang tugon sa akin, Kaya napangiti na rin ako. Magkatulong kaming naghugas ng pinggan. paminsan-minsan napapansin ko nakatitig s'ya sa akin. Kaya naiilang ako pero pag nagbibiro naman s'ya kaagad rin naman napapalitan ng malakas na tawanan namin. "Diba may promise ka sa akin? na kapag nanalo ka? Naging seryoso na si Lenard' habang sinasabi n'ya sa akin iyon. "Bakit umoo ba ako sa'yo?" Nakataas ang kilay ko na sagot ko sa kanya, pero nakangiti naman ako. "H'wag mo sabihin na hindi mo..?" "Ok tara na alis na tayo?" Biglang kong singit sa sasabihin n'ya. kaya nakita ko ang biglang pagbabago ng kanyang reaksyon. kung kanina salubong ang kilay n'ya. ngayon ang laki na ng kanyang pagkakangiti. kasabay ang singkit na mata n'ya. Nagpupunas pa lang ako ng kamay ko ng bigla na n'ya ako hinila palabas sa kusina. Paglabas namin sa pintuan ng bahay may Isang kabayo ng naghihintay sa amin. kaagad n'ya ako hinawakan sa magkabilang kong bewang, At walang kahirap-hirap n'ya ako binuhat para mapaupo sa kabayo. Kaagad rin s'yang sumampa at pumulupot na sa bewang ko para magpatakbo na n'ya ang kabayo. "Saan tayo pupunta Lenard'?" "Dadalhin kita kung saan lagi ako nagpupunta para matanaw ang taong lubos na nagbibigay sa akin ng kaligayahan" Sagot n'ya sa akin, Naramdaman ko ang lalong paghigpit ng kanyang braso sa bewang ko kasabay ang mabilis pa na pagpapatakbo sa kabayo na sinasakyan namin. Nakarating kami sa Isang may kataasan na burol. Nauna siyang bumaba at hinawakan ulit n'ya ako sa dalawang bewang ko para buhatin pababa sa kabayo. Pagkatali n'ya sa kabayo hinila ulit n'ya ako sa kamay para mas lumapit sa may kalakihan na lupain na aming natatanaw sa ibaba mula dito sa itaas ng burol. Napakunot-noo ako dahil lupain namin ang ang aking natatanaw, pati ang malaking bahay namin na nakapagitna sa malaking lupain ay akin din natatanaw. "Hacienda namin ang natatanaw ko Lenard' ah? at may ganito palang lugar kung saan tanging Hacienda lang namin ang makikita?" Natutuwa kong tanong sa kanya. Habang sumasabay ang mahabang buhok ko sa masarap na hangin. Naramdaman ko na inayos n'ya ang buhok ko, inalalayan n'ya ako maupo at ganoon din s'ya, magkatabi kami na nakaupo sa burol habang parehas kami nakatanaw sa Hacienda namin. Lalo ko tuloy namiss si Daddy at Mommy pati narin si Kuya Amir..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD