Lenard Confession

1094 Words
Quotes: I CAN STAND HIM.. NOT LOVING ME.. I CAN'T STAND HIM LOVING HER... Hinde ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman habang magkatabi kami na nakatanaw sa aming lupain. "Alam mo ba Amira? dito ako parati nagpupunta pag may pagkakataon" "Bakit anong meron sa lugar na ito?" Tanong ko naman sa kanya, saglit n'ya ako sinulyapan at agad din naman n'ya binaling ang kanyang atensyon sa aming lupain. "Sa ngayon gusto ko na lang manatili na para sa akin ang dahilan na iyon, Dahil napaisip ako kanina habang nakita kitang lumalaban at nakita ko rin ang malaking kagalakan sa mukha ni Kuya Alexander" Malungkot na tugon n'ya sa tanong ko. Parang nahuhulaan ko na ang ibig nyang sabihin. Gusto ko tuloy mailang sa kanya, Sa ngayon hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya at para kay Alexander, alam ko magkaiba ang nararamdaman ko para sa kanilang dalawa. At iyon ang gusto kong alamin. "Alam mo Amira' Mahalaga sa akin si Kuya, Hindi ko kayang saktan s'ya. at sana matutunan mo rin s'yang mahalin" "Teka nga Lenard' ano ba ang pinagsasabi mo? Ikaw ba ang nanliligaw para sa Kuya mo?" Pagtataray na tanong ko sa kanya, nakita ko na napangiti s'ya, "Hindi ko naman kailangan gawin iyon' dahil may sariling paraan si Kuya kung paano ka n'ya mapapaibig" "Talaga lang huh?" Matipid na sagot ko naman sa kanya. "Meron sana ako sasabihin sa'yo Amira' Alam mo ba na 12 years na kitang laging tinatanaw mula rito?" "Huh? bakit mo naman ginagawa iyon?" Pagtataka na tanong ko sa kanya. Bakit kailangan n'yang gawin na tanawin ako mula rito sa loob nang labing dalawang taon. "Para sa taong mahalaga sa akin' Dahil kaligayan para sa kanya ang makita ka kahit sa larawan man lamang" Nakangiti n'yang tugon sa akin. "Ang ibig mong sabihin? kinukuhaan mo ako ng larawan mula dito?" Pagtataka na tanong ko sa kanya. at may kasamang kaba na rin. Dahil hindi ko alam kung paano n'ya ako kinukuhaan ng larawan. Parang gusto ko tuloy mainis sa ginawa n'ya. "Yes' Sorry hah? Hindi ko kasi mahindian si Kuya Alexander eh' Pero kagustuhan ko rin naman ang ginagawa ko Amira. malaking katuwaan narin sa akin na nakikita kita mula rito" "May tanong ako Lenard' bakit malaking katuwaan para sa'yo ang ginagawa mo kung para naman iyon sa Kuya mo?" Ang tagal n'ya bago sumagot, at narinig ko pa ang malalim na buntong hininga n'ya. "Tulad ng aking sinabi mananatili na lamang na para sa akin iyon Amira" Malungkot na sagot n'ya sa akin. Kaya hindi ko na s'ya pinilit pang sabihin sa akin ang kanyang dahilan. "Ganoon ba? Ok sige' halika na umuwi na tayo" Pag-aaya ko na sa kanya, Nauna na ako tumayo mula sa pagkakaupo namin. pero hindi ko napaghandaan ang sumunod na nangyari, Dahil Ang kaliwang paa ko ay nadulas kaya kaagad naman n'ya ako nahawakan sa aking braso, Pero kahit s'ya ay ganoon narin kaya sabay na kami natumba mula sa lupa. Napaibabaw s'ya mula sa aking katawan. "Ayos ka lang Amira?" Buong pag-aalala na tanong n'ya sa akin. sasagot pa sana ako pero biglang may humila kay Lenard' mula sa ibabaw ko at labis ako nagulat sa sumunod na nangyari. Dahil ubod lakas siyang sinuntok sa mukha ni Alexander. "Sabi ko na eh! totoo ang hinala ko! Ahas ka Lenard'!!" Galit na galit na sigaw ni Alexander' sa kanya. Kaya bigla na ako napatayo mula sa lupa, At patakbo na tinulungan si Lenard' na nakalugmok sa lupa. "Xander bakit ginawa mo iyon? Ano ba ang problema mo!!?" Pagtataka na tanong ko kay Alexander' na mababakas sa mukha ang labis na galit at hinanakit. Pero saglit lang n'ya ako tinignan at muli s'yang napatingin kay Lenard' na nakatayo na sa aking tabi. Tinanggal ni Lenard' ang kamay ko na nakahawak sa braso n'ya kaya napatingin ako sa kanya, Pero iniwas lang n'ya ang kanyang tingin sa akin. "Kuya Alexander nagkakamali ka! Mali ang nakita mo! "Lenard' kailan mo pa s'ya minahal? alam mo naman na mahal ko s'ya nuon pa diba?" Nakatuon ang aking atensyon kay Alexander' pero dahil sa kanyang sinabi napako ngayon ang aking tingin kay Lenard' na mababakas ang labis na hinanakit. "Kuya mali ka nga ng iniisip!" Hindi ko siya ma..." Hindi ko alam kung masasaktan ba ako sa dapat na isasagot sana ni Lenard', pero bigla rin naman na sumagot si Alexander sa dapat sana na sasabihin n'ya. Kaya hindi na n'ya naituloy kung ano man ang dapat na sasabihin n'ya. "Huh!! wag na tayo maglokohan Lenard'! Nakita ko ang mga larawan n'ya nakatago sa kwarto mo! At kanina sa laban ni Amira sabi mo hindi ka pupunta para manuod, Pero nakita kita Lenard'! nakita ko ang labis na paghanga sa mga mata mo habang pinapanuod mo s'ya lumaban! Kaya sabihin mo ang totoo!!! Mahal mo rin si Amira diba?? Sagot Lenard'!!!" Halos sumigaw na si Alexander sa huling sinabi n'ya kay Lenard'. "Oo Kuya!!! Mahal ko si Amira!!!" Mula kay Alexander' na kanina ang aking atensyon ay muling nabaling kay Lenard' na nakatingin narin pala sa akin. "Mahal ko si Amira Kuya! hindi ko alam kung paano at kailan nag-umpisa! basta ang alam ko lang habang tumatagal araw-araw ko na s'yang gustong makita mula rito! gusto ko s'yang lapitan pero pinigilan ko ang sarili ko, Dahil lagi ko sinasaksak sa isip ko na para lamang s'ya sa'yo!!" Muli s'yang napatingin kay Alexander na mababakas na ang labis na galit, "Kasalanan mo rin naman Kuya eh! Dahil sa ginawa mo para mo lamang ako ipinain sa sarili kong nararamdaman! Hindi mo man lamang ba inisip na kahit na sinong lalaki ay mapapaibig sa isang babae na tulad ng Isang Amira Casimiro? Pero kahit ganoon Kuya pilit ko itong itinago para sa'yo" "Ganoon ba? utang na loob ko pa pala sa'yo ang paglilihim mo sa akin Lenard!?" "Hindi Kuya.." Mababakas sa boses ni Lenard' ang labis na kalungkutan, Dahil siguro sa nakikita rin n'yang hinanakit na nakabakas sa mukha ni Alexander. "Amira umuwi na tayo!" Parang bigla ako nagising mula sa Isang panaginip dahil sa maawtoridad na boses ni Alexander. "Huh? O'oo s'sige" Hinde ko alam kung ano ang dapat kong isipin sa mga narinig ko mula kay Lenard', Napalingon pa ako sa kanya bago hilahin ni Alexander' ang kamay ko para ilayo sa kanya. Sobrang lungkot ng kanyang mukha habang sinusundan n'ya kami ng tingin. At nabaling naman ang aking tingin sa kamay ni Alexander na mahigpit na nakahawak sa kamay ko habang sabay kaming lumalakad palayo kay Lenard'.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD