Nakapasok kana sa Puso ko.

1307 Words
QUOTES: "I LOVE YOU.. AND THAT'S THE BEGINNING AND END OF EVERYTHING.." Pagbaba namin sa burol may kotse ako nakita, Paglapit namin dito pinagbuksan n'ya ako ng pintuan para pumasok sa loob. Habang umaandar naman ang kotse tahimik kaming pareho. Huminto ang kotse ni Alexander sa Isang tanawin na tanging dagat lang ang masisilayan. Lumabas s'ya sa kotse at umikot para pagbuksan ako ng pintuan. Naglakad s'ya palayo sa akin paglabas ko ng kotse. tumayo s'ya malapit sa dagat. Sumunod ako sa kanya at tumabi mula sa kanyang pagkakatayo. "Ahhmm Xander hindi mo dapat sinaktan si Lenard" Ako na ang unang nagsalita dahil parang wala s'yang balak na kausapin ako. "Bakit nag-aalala ka sa kanya? may gusto kaba sa kanya?!" Matigas ang boses n'ya na tanong n'ya sa akin. napataas naman ang isang kilay ko dahil sa kanyang tinugon sa akin. "Hoy! Mr. Ybañez! anong....." Hindi ko na naituloy ang dapat ko na sabihin sa kanya dahil bigla n'ya ako hinila para yakapin ng buong katawan n'ya. Lalo pa ito humigpit dahil nagtangka ako na umalis mula sa kanyang pagkakayakap. "Pakiusap Amira! Huwag mo s'yang Mahalin! Ako lang dapat ang nasa puso mo!" Ramdam ko sa boses ni Alexander' ang labis na pakiusap, Lalo pa humigpit ang pagkakayakap n'ya sa akin na tila para ba ako maagaw sa kanya. "Xander' aaminin ko sa'yo naguguluhan ako sa nararamdaman ko" "Anong ibig mong sabihin?" Tanong n'ya sa akin, habang hindi parin n'ya ako binibitawan ng kanyang pagkakayakap sa akin. "Hindi ko alam Xander' Siguro nag-umpisa tayo bilang magkaaway Kaya nahihirapan ako na lubusan kang kilalanin ng puso ko! Si Lenard' naman ganoon din pero hindi kasing lalim ng naging alitan natin at agad naman napalagay ang loob ko sa kanya" Mahabang paliwanag ko kay Xander' Naramdaman ko na unti-unti lumuluwag ang pagkakayakap n'ya sa akin. Hindi ko alam tila nakaramdam ako ng takot sa maari n'yang isipin at ang mahigpit na yakap n'ya sa akin ay tuluyan na mawala. "Pero hindi ibig sabihin nun na may gusto ako sa kanya" Bigla ko ulit na sabi sa kanya. Naramdaman ko ang higpit ulit ng kanyang yakap sa akin. Kaya hindi ko namalayan na unti-unti na rin pala ako gumaganti ng yakap sa kanya. Naramdaman ko ang tila pagkagulat base sa reaksryon ng katawan n'ya at sa mahinang pagsambit n'ya sa pangalan ko. "My Amira..." Napangiti ako at nabalot ng galak ang puso ko. tila alam ko na kung sino talaga ang nilalaman ng puso ko. Tuluyan na nga nakapasok si Xander sa pihikan na puso ko. Lalo ako nagalak dahil ang nararamdaman ko kay Lenard ay Isang kaybigan at parang nakakatandang kapatid. Dahil nakikita ko sa kanya si Kuya Amir, dahil hindi nagkakalayo ang ugali nila. Sa una iinisin ako pero kasunod naman nun ang lalambingin na ako. "Xander' kailan mo pa ako minahal?" Tanong ko sa kanya. naramdaman ko na dumampi ang labi n'ya sa noo ko. "Nang araw na sinuntok mo ako" "Huh? sinaktan na nga kita e! minahal mo pa ako nang mga panahon na iyon?" Pagtataka na tanong ko sa kanya, narinig ko ang bahagya na pagtawa n'ya. parang musika para sa akin ang simpleng paghalakhak n'ya. "Oo sa pamamagitan kasi ng pagsuntok mo sa akin ay ginising mo din ang batang puso ko nuon! At nang mga panahon na iyon ay nalaman ko rin kung ano talaga ang pangarap ko. Ang abutin ka at iaalay sa'yo ang buhay na nakasanayan mo" "Xander..." Sambit ko sa pangalan n'ya. Dahil labis ako natutuwa sa mga naririnig ko sa kanya. Hindi ko alam na may ganito pala na lalaki na katulad ni Xander. Dahil nang nag-aaral pa ako puro maloloko na lalaki ang mga nakikilala ko. Kaya siguro naging pihikan ang puso ko at takot ako na magtiwala dahil lagi kong iniisip na lolokohin lang nila ako. At tanging si Daddy lang ang labis na pinagkakatiwalaan ko, Kaya pinangarap ko na isang katulad ni Daddy ang Mamahalin ko balang araw. May pagkakatulad naman si Xander at Daddy Lalo na sa larangan ng pagpapatakbo sa kabayo. Pero sa ngayon hindi ko hahanapin kay Xander ang ibang katangian ni Daddy na wala sa kanya. Basta ang alam ko tuluyan na s'yang nakapasok sa puso ko. "Hmmm.. Bakit?" Malambing na boses ni Xander. "Huwag ka na sana magalit kay Lenard' huwag mo hayaan na magkalamat ang magandang samahan ninyo ng dahil lang sa akin" Dahil sa aking sinabi hinawakan n'ya ako sa magkabilang balikat ko at tinignan ako sa mata ko. "Hindi naman ako galit sa kanya. Lalo na't alam ko na wala kang nararamdaman para sa kanya. Pero aaminin ko sa'yo My Amira nakakaramdam ako ng takot dahil nalaman ko na matagal na pala siyang may nararamdaman sa'yo" "Xander lahat naman tayo may karapatan magmahal at hindi natin iyon mapipigilan. At ayon narin sa narinig ko mula kay Lenard sinubukan naman n'ya iyon pigilan dahil mahalaga ka para sa kanya" "Alam ko naman iyon, pero pagdating kasi sa'yo natatakot ako sa pwede na mangyari. Natatakot ako na baka mahalin mo ang kapatid ko. Patawad Amira kung makasarili ang tingin mo sa akin ngayon. Gusto ko bukod sa pamilya mo ako lang magmamahal sa'yo at mamahalin mo" Labis ako nagagalak sa mga naririnig ko mula kay Xander, pero hindi ko alam nakaramdam din ako nang kaba at takot. "Sa ngayon Xander bukod sa Pamilya ko, Ikaw Ang kaunaunahang lalaki na mahalaga para sa akin. Hayaan mo na Lalo kapa kilalanin ng puso ko! basta ang alam ko sa ngayon gusto kita!" Dahil sa sinabi ko nakita ko ang labis na kagalakan sa mata at labi ni Xander. Lalo s'ya gumwapo sa paningin ko. Nakaramdam ako nang kilig dahil ang mata n'ya na humahanga ay tanging ako lang ang nakikita. "Panghahawakan ko iyang sinabi mo My Amira' Labis mo ako pinaligaya. Alam mo ba na gusto na kitang pakasalan ngayon! para masiguro ko na wala na maari pang makaagaw sa'yo sa akin!" "Grabe ka huh! kasal agad? Hindi ba pwede na ligawan mo muna ako?" "Hahahaha! 12 year na ako nanliligaw sa'yo siguro naman pwede ko nang makuha ang sagot mo ngayon My Amira??" "Huh?? 12 years?? Paanong? eh kailan lang naman ulit tayo nagkita makalipas ang 12 years diba??" Pagtataka na tanong ko sa kanya. Mababakas din sa kanya ang labis na pagtataka. At ang pagkunot-noo n'ya. "Lagi ako nagpapadala ng sulat sa'yo? umaasa ako na balang araw sasagutin mo ang isa sa mga iyon. kahit na alam ko na ayaw mo sa akin" "Huh?? Wala ako natanggap na kahit na isang sulat mula sa'yo!" Tugon ko naman sa kanya. "Pero paano? Wala naman bumabalik sa akin na kahit na Isang sulat ko para sa'yo. Kaya ang alam ko natatanggap mo iyon!" Tugon naman n'ya sa akin. "Hayaan muna nga, Oo nga pala may magandang balita ako para sa'yo, Malapit na umuwi sila Daddy at Mommy mo" Magandang balita nga ang sinabi ni Xander sa akin. Lalo tuloy ako nanabik na makita sila Daddy at Mommy. "Talaga??" "Yes! at may kasama sila na labis mong ikakatuwa. Kasama na nila si Bella ang kapatid mo" Unti-unti nawala ang ngiti sa labi ko. Pero hindi ibig sabihin nun ay hinde ako Masaya para sa pagbabalik ni Bella na kapatid ko. Labis lang ako kinabahan sa malaking pagbabago na magaganap sa buhay namin. At alam ko na hindi na ako ang prinsesa ng Daddy ko Lalo na't makakasama na namin si Bella. "My Amira alam ko nararamdaman mo! Para sa akin nag-iisa kitang My Princess Amira" Bumalik na ang magandang ngiti sa labi ko dahil sa kanyang sinabi. Sa ngayon alam ko na may isang tao na labis na magpapaligaya sa akin. "Salamat Xander" Ako na ang kusang naglapat nang labi ko sa labi n'ya na labis n'yang kinagulat. Pero saglit lang naman ang pagkagulat n'ya dahil kaagad naman n'ya tinugon ang halik ko....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD