Lihim na Relasyon.

1224 Words
QUOTES" EVERY WOMAN DESERVES TO HAVE A MAN WHO IS PROUDLY WILLING TO SAY TO THE WHOLE WORLD, " YEAH SHE'S MY ONE AND ONLY. SHE IS BEAUTIFUL AND SHE IS MINE" Nakaangat ang dalawang paa ko habang pinagsasaluhan namin ang mainit na halik. Naramdaman ko na pumulupot na ang dalawang braso n'ya sa bewang ko para angatin ako. Saglit na humiwalay ang labi n'ya sa labi ko. at nakita ko ang kakaibang pagsilay nang ngiti sa kanyang labi. "Baka kasi mangawit ka, Nakatingkayad kana" Pakiramdam ko namula ang buong mukha ko sa kanyang sinambit. "Bakit naman kasi sobrang taas mo eh! hindi tuloy kita maabot" Sagot ko naman sa kanya, Narinig ko na naman ang matunog na paghalakhak n'ya na lalong nagpapasingkit sa dalawang mata n'ya. "Hindi mo naman ako kailangan abutin My Amira' Dahil ako ang kusang yuyuko para sa'yo! At Aabutin ka sa abot ng aking makakaya" "Ano ba yan! kung Ano-ano sinasabi mo!" Kunwari na pagtataray ko na tugon ko sa kanya. "Ang ganda mo talaga pag nagagalit ka" Napanguso naman ako sa sinabi n'ya. Agad naman n'ya dinampian ang labi ko na nakanguso parin. "Ano ba?" "Bakit? ikaw rin naman hinalikan mo akong bigla diba?" Nakangiti n'yang paliwanag sa akin. Kaya lalo ako napanguso na dinampian na naman n'ya ng saglit na halik. "Ibaba muna nga ako Xander!" Kunwari na pagtataray ko sa kanya. "Ayoko nga!" "Baka mangawit kana! Sige na ibaba muna ako!" "Sabihin mo muna na Mahal mo ako!" "Huh? ano ba ito pananakot?" "Hmmm.. Hindi naman! Kasi hinalikan muna ako kanina diba? dapat una mo muna sinabi na "Mahal kita Xander" bago mo ako hinalikan" "Hahaha! Patawa ka Xander!" Natatawa ko na sagot ko sa kanya. Sa ngayon Ayoko muna sabihin sa kanya ang salita na iyon. Dahil sasabihin ko rin sa kanya iyon pag nakausap ko na si Daddy. Para Pormal na malaman ng Pamilya ko na may namamagitan na sa amin ni Xander. "Ang daya naman! ako nga kulang na lang ipagsigawan ko sa buong mundo na Mahal na Mahal kita e!" "Grabe ka naman!" "Pero tayo na diba? diba My Amira?" Gusto ko kiligin sa tanong n'ya at sa mata n'ya na tila nangungusap habang hinahantay ang sagot ko. "Hmmm.." Tanging lumabas lang na boses sa labi ko, kasabay ang pagtango ko. "Yess!!!" Malakas na sigaw n'ya, Kasabay rin nun ang umikot-ikot kami habang buhat parin ako ng bisig n'ya. "Hoy ano ba? ibaba muna ako!" Natatawa na utos ko sa kanya. Kaagad naman n'ya ako binaba. "Salamat My Amira! Wala nang bawian ah? Girlfriend na talaga kita hah!" Labis ang kagalakan ang nakabakas sa kanyang mukha, Habang sinasambit n'ya sa akin ang mga kataga na iyon. "Yes tayo na! pero pwede ba na ilihim muna natin?" Ang kanina na kagalakan n'ya ay napalitan nang labis na pagtataka. "Bakit naman?" "Ahhmm.. Kasi gusto ko muna kausapin si Daddy. At gusto ko ako ang unang magsasabi sa kanya" "Ganoon ba? Naiintindihan kita, sige ok lang pero pag nakausap muna ang Daddy mo pwede ako naman ang kakausap sa kanya?" "Huh? Anong sasabihin mo?" Pagtataka na tanong ko sa kanya. "Basta usapang lalaki iyon!" "Ok sige' Ikaw bahala, Uwi na tayo gusto ko makausap sila Daddy naiwan ko kasi ang phone ko sa kwarto ko" "Ok let's go My Princess Amira" Sabay lahad n'ya kanyang Palad sa akin. At kaagad ko rin naman inabot ang palad ko. Paghinto ng kotse sa tapat ng bahay nila, Bigla ko na hinila ang isang palad ko na nanatiling hawak n'ya habang nagda-drive s'ya. Nakita ko ang labis na pagtataka sa kanyang reaksyon. "Diba sabi ko sa'yo wala muna dapat makaalam?" Narinig ko ang malalim na buntong hininga n'ya. "Grabe parang ang hirap naman!" Paghihirap nang loob n'ya na tugon n'ya sa akin. Pero kasabay naman nun ang bigla n'ya paghalik sa labi ko na labis kong kinagulat, Hindi na ako nakatanggi dahil ang dalawang palad n'ya ay nakalapat sa magkabilang pisngi ko. "Abot kamay na nga kita! Pero patago naman. pero ok lang maghihintay Ako" Nakangiti n'yang sambit sa akin. Kaya napangiti narin ako. lumapat ang isang palad ko sa pisngi n'ya. Na kaagad naman hinawakan ng isang palad din n'ya. "Pag-uwi ni Daddy kakausapin ko kaagad s'ya at sasabihin ko ang tungkol sa atin. Nangako kasi ako sa kanya na s'ya ang unang makakaalam pag may lalaki na akong nagugustuhan" Tinanggal n'ya ang palad ko na nakalapat sa pisngi n'ya, At dinala n'ya ito sa labi n'ya. lubos na kagalakan ang nararamdaman ko ngayon. Dahil ganito pala pag nagmahal kana. Lahat ng simpleng bagay na ginagawa ng taong mahal mo ay lubos ang kaligayan ang mraramdaman mo. Paglabas namin sa kotse, Kaagad naman sumalubong si Eva na salubong ang kilay pagkakita n'ya sa akin. Pero kaagad rin s'ya na lumapit kay Xander na kumapit pa ang kamay sa braso nito. Kaagad na tumaas ang kilay ko na kaagad naman napansin ni Xander. Kaya kaagad n'ya na tinanggal ang kamay ni Eva na nakapulupot sa braso n'ya. Mababakas naman sa huli ang labis na pagtataka dahil sa inasal ni Xander. "Hey! Alex" Boses ni Eva, Iniwan ko na sila at nauna na ako pumasok sa loob ng bahay. Ramdam ko na nakasunod lang sa likuran ko si Xander at Eva na naririnig ko pa na panay ang tanong nang huli kay Xander. Pagdating naman namin sa sala s'ya naman na labas ni Lenard mula sa kusina na may hawak na Can beer. Saglit lang s'ya na napatingin sa akin. Nakita ko sa mga mata n'ya ang labis na kalungkutan. Kaagad naman n'ya iniwas ang tingin sa akin at tuluyan na s'yang pumasok sa kwarto n'ya. "Alex alam mo ba kanina pa iyang si Lenard' hindi ko makausap ng matino! lagi ako sinusungitan!" Narinig ko na boses ni Eva. Humarap ako sa kanilang dalawa at nakasalubong ko naman ang mata ni Xander' tila labis ang pag-aalala sa akin. "Ahmm..Maiwan ko na kayo! Pasok na rin ako sa kwarto ko" "Hatid na kita Amira" "Hey Alex!! bakit kailangan mo pa s'ya na ihatid? ilang hakbang lang naman ang kwarto n'ya ano!!" Pagtataray na sagot naman ni Eva. Na tinignan pa ako ng nanlilisik n'ya na mata. "Oo nga naman Xander' h'wag muna ako ihatid. Magkita na lang tayo bukas nang umaga ako ang magluluto nang agahan natin!" Nakangisi ko na sambit. Lalo nanlisik ang mata ni Eva dahil sa aking sinabi. Nakita ko naman ang biglang pagkindat ng Isang mata ni Xander sa akin kasabay ang pag nguso ng labi n'ya na tila gusto ako halikan. Hindi iyon napansin ni Eva dahil nasa akin ang atensyon nya na tila gusto na ako sabunutan. Kaagad na ako tumalikod dahil tila Lalo ako kinikilig sa inasal ni Xander. "Xander??? Bakit ka n'ya tinawag sa ganoon na pangalan Alex???" Narinig ko pa na himutok ni Eva. Pero bago ko maisara ang pintuan narinig ko pa ang sagot ni Xander sa kanya. "Magandang Pangalan diba? at sa lahat ng pangalan na itinatawag sa akin iyon ang paborito ko!" "Edi pwede rin kita tawagin na Xander?" "No!! Si Amira lang ang pwede na bumigkas ng pangalan na iyon sa akin" "Alex naman eh!!" "Umuwi kana Eva' pagod na ako kailangan ko na rin magpahinga" Tuluyan ko nang naisara ang pintuan ng kwarto ko. Kaya hindi ko na alam kung ano pa ang iba nilang pinag-usapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD