Bella Casimiro

1254 Words
QUOTES KUNG KAILANGAN KO NG TULONG MO, HIHINGIN KO. PERO KUNG HINDI KO HINIHINGI, HUWAG MO IBIGAY NANG KUSA, DAHIL NATATAKOT AKO SA MAAARI NA MAGING KAPALIT.. PERO KUNG PUSO KO ANG HIHINGIN MO NA KAPALIT HANDA KO IYON IBIGAY SAYO NG KUSA.. Kinabukasan maaga ako gumising. Dahil gusto ko na ako ang magluluto nang agahan namin ngayon. Tapos na ako mag prito ng ilang ulam nang maramdaman ko na may pumulupot na dalawang braso mula sa aking likuran. "Good morning My Amira! Ang ganda naman ng umaga ko! Sana dumating ang araw na lagi ako gigising na Ikaw ang unang makikita ko" Sabay halik n'ya sa pisngi ko. At nagtagal na ang labi n'ya sa leeg ko. "Xander' baka biglang may pumasok" "Masyado pa maaga para gumising si Lenard'" "Hindi lang naman s'ya ang inaalala ko eh' diba maaga nagigising si Tatang Nardo" Pagkasambit ko nun, Nakarinig na kami na papalapit na yabag. Kaya kaagad ko s'ya na itinulak na napalakas yata dahil sa kabang naramdaman ko. Napaupo si Xander' sa sahig buti na lang at Hindi tumama ang ulo n'ya sa lamesa na sakto naman na pasok ni Tatang Nardo sa loob ng kusina. At Nanlaki ang mata sa nakita na sitwasyon ni Xander. "Ohh Alexander nag-away na naman ba kayo? Kinukulit mo na naman yata si Amira eh?" Sabay lapit ni Tatang sa kanya para tulungan na s'yang tumayo. "Hindi naman po Tatang! s'ya kasi ang magluluto ng agahan ngayon. Kaya tinuturo ko lang sa kanya ang tamang pag gamit ng asin sa pagkain para hindi tayo magkasakit sa bato" Nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi.Tila nakaramdam ako nang inis. "Ganoon ba?" Hayaan mo at matutunan din iyon ni Amira' Lalo na't pag nagka pamilya na s'ya" Sagot naman ni Tatang sa kanya. Na kinalaki naman ng kanyang ngiti. Pero dahil sa kanyang sinabi kanina ay nakakaramdam parin ako ng inis Kaya inismiran ko s'ya na kinakunot noo naman n'ya. "Tapos naba iyan Amira? Kumain na tayo" "Opo Tatang" Si Lenard ba ay tulog pa? ang alam ko maaga iyon aalis ngayon ah!" Narinig ko na tanong ni Tatang. "Hindi ko lang po alam itay dahil kagigising ko lang naman" "Ganoon ba? O s'ya sige kumain na tayo! Salamat Amira sa agahan" Nakangiti na sambit ni Tatang Nardo. Naupo na ako sa bakanteng upuan sa tapat ni Tatang Nardo, At naupo naman sa tabi ko si Xander' gusto ko s'ya paalisin dahil baka makahalata sa amin si Tatang Nardo. "Masarap ang Fried rice mo ngayon Amira ahh" Nakangiti na papuri sa akin ni Tatang Nardo. "Salamat po Tatang" "Talaga po itay? edi ibig sabihin pwede na po s'ya na mag-asawa?" Si Xander naman na tanong n'ya kay Tatang. "Aba oo naman! mapalad ang lalaki na mamahalin ng Isang Amira Casimiro" Nakangiti na sagot naman sa kanya ni Tatang. "Mapalad pala ako" Nanlaki ang mata ko sa naging sagot ni Xander, Kaya kaagad ko s'ya na kinurot sa hita sa ilalim ng lamesa. "Aray!!" Bigla n'yang sambit. Kaya nagulat si Tatang. "Oh bakit iho?" "Ah may langgam po yata ang loob ng pantalon ko" Naging sagot naman ni Xander' "Iha' bukas na pala ang Uwi ng mga magulang mo, Nakausap mo naba sila?" "Opo Tatang nakusap ko na po si Daddy" "Heto na pala ang huling araw mo sa amin!" "Oo nga po eh' Salamat po sa pagtanggap ninyo sa akin dito. marami po ako natutunan" Bukal sa loob ko na sambit ko kay Tatang. gusto ko pa sana idugtong na natutunan ko rin na kilalanin at mahalin si Xander. Pero para na lang muna iyon sa akin. Kinabukasan maaga ako gumising, Dahil ayon sa huling pag-uusap namin ni Daddy maaga silang Makakauwe. At nagprisinta rin si Xander na ihatid ako sa Hacienda at sasamahan n'ya ako na hintayin duon sila Daddy. Hindi ako mapakali sa kina-uupuan ko habang katabi ko si Xander na nanatiling hawak ang isang kamay ko. "My Amira Relax ka lang!" "Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko Xander' matanggap Kaya ako ni Bella? Sigurado alam n'ya ako ang huling kasama n'ya nang araw na mawala s'ya" Kinabig n'ya ang ulo ko papunta sa kanyang dibdib. "Bakit naman Hindi? at wala ka naman kasalanan kung bakit s'ya nawala! at Hindi mo iyon kagustuhan. Kaya ipanatag mo ang loob mo" Sabay lapat ng labi n'ya sa noo ko. Gumaang ang loob ko sa naging sagot ni Xander sa akin. Nakarinig na ako nang paghinto ng sasakyan sa tapat ng bahay namin. Kaya sabay kami napatayo ni Xander mula sa kinauupuan namin na Sofa. Nakita ko na unang pumasok si Daddy sa pintuan na kaagad naman napatingin sa akin. Kaya napatakbo ako para yumakap sa kanya. Kaagad naman n'ya ako ginantihan ng mahigpit na yakap. "I miss you Daddy" Mangiyak-ngiyak na sambit ko sa kanya. "I miss you too My Princess" Kaagad ko rin nasilayan si Mommy na pumasok sa pintuan habang may nakahawak sa braso n'ya. Napako ang tingin ko sa babaeng kasama ni mommy habang papalapit sa amin ni Daddy. Maputi s'ya mataas sa akin ng konti, balingkinitan ang katawan. At hanggang balikat ang buhok na kulay Ash brown. Maganda rin s'ya na sa tingin ko ay hawig n'ya si Mommy. "Amira Anak" Narinig ko na boses ni Mommy Kaya kaagad ako lumapit dito para salubungin s'ya nang mahigpit na yakap. "Mommy namiss po kita" "Ako rin iha' patawad kung kailangan ka namin iwanan dito ha!" Malungkot na sambit ni Mommy sa akin. Ramdam ko ang paghihirap nang loob n'ya habang sinasambit n'ya ang kataga na iyon sa akin. "Ok lang po Mommy' May dahilan naman po kayo eh" Nakangiti ko na tugon kay Mommy. "Ah nga pala iha' si Bella ang kapatid m..." "ikaw?? ikaw nga!!!" Hindi pa natatapos ni Mommy ang dapat na sabihin, Dahil sa biglang pagsalita ni Bella, Nagulat rin kami sa biglang pagtakbo nya para salubungin nang yakap ang papalapit sa amin na si Xander. Nanlaki ang mata ko sa ginawa ni Bella, Pati si Xander' ay nagulat sa ginawa nito. "Bella iha..." Boses ni Mommy na labis na nagulat sa aming nakita. Kaagad naman humiwalay ng pagkakayakap si Bella mula kay Xander at hinila ito para mas lumapit pa sa amin. "Mommy' Daddy's naalala po ninyo ang kinukwento ko sa inyo na nagligtas sa akin mula sa masamang sindikato?" "Yes iha'" Boses naman ni Daddy. "Daddy s'ya po iyon! S'ya po yung nagsabi sa mga sindikato na asawa n'ya ako. Para hindi ako tuluyan na gawan ng masama ng matandang namumuno sa malaking sindikato na iyon!" Labis ang pagkagulat ko sa aking naririnig mula kay Bella. Na nakahawak parin ang dalawang kamay sa braso ni Xander. "Daddy s'ya rin po yung gusto kong hanapin ninyo. Dahil pinangakuan ko na papakasalan ko para makaganti man lamang ako sa mabuting ginawa n'ya para sa akin. At daddy nang mga panahon na iyon Dahil sa ginawa n'ya Pinangako ko sa sarili ko na s'ya ang lalaki na para sa akin" "Dumarami na Ang utang na loob ko sa'yo binata" Boses ni Daddy. Nakita ko pa ang labis na kagalakan sa mukha ni Bella at muling syang yumakap kay Xander na nakatingin sa akin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanilang dalawa. Gusto ko mawalan ng ulirat sa aking naririnig mula kay Bella. Pilit ko iniiwasan ang tingin ni Xander na tila sa pamamagitan nun ay gusto akong kausapin. Gusto ko nang kumawala ng luha ko, Pero pilit ko itong pinigilan..Anong laro ito ng tadhana? Bakit si Xander pa? Na natutunan ko nang mahalin..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD