QUOTES:
EACH DAY OF OUR LIVES WE MAKE DEPOSITS IN THE MEMORY BANKS OF OUR CHILDREN....
Nasa aking silid na ako at nanatili ako na nakatingin sa kisame. Nakaalis narin si Xander' na hindi man lang kami nagkaroon ng pagkakataon na makapag usap dahil laging nakadikit sa kanya ang kapatid ko na si Bella.
Alam ko gusto n'ya ako kausapin. Pero ako na rin ang umiiwas, Nakikita ko sa kanya kanina ang labis na kalungkutan sa naging asal ko kanina. Pero kahit naman ako ay nasaktan sa ginagawa ko na pag iwas ko sa kanya.
Nasa malalim ako na pag-iisip nang marinig ko na biglang tumunog ang Phone ko. kinuha ko ito para sana sagutin. Pero si Xander ang tumatawag nakauwe na siguro s'ya sa Hacienda nila. Pero bago ko ito masagot may kumatok naman sa kwarto ko at nakita ko na bumukas na ito at nakita ko ang nakangiti na si Bella.
"Hi Ate Amira' pwede ba pumasok?"
",Yeah oo naman pasok ka"
Nakangiti ko na sagot ko sa kanya. Napatingin ako sa hawak ko na phone ko, dahil muling tumatawag si Xander Kaya bigla ko na lang nai-off ito.
Naupo sa tabi ko si Bella. At nakangiti na yumakap sa akin. Nagulat ako sa ginawa n'ya. Dahil buong akala ko ayaw n'ya sa akin. dahil hindi man lang n'ya ako kinakausap mula kanina pa.
"Ate' kaybigan mo ba si Alexander?"
Nagulat ako sa bigla n'yang tanong sa akin.
"Huh? ah eh parang ganoon na nga"
"Talaga? Ibig sabihin alam mo ang lahat-lahat sa kanya?"
"Hindi naman lahat, Bakit Bella?"
"Diba narinig mo naman ang kwento ko kung paano kami nagkakilala at kung paano n'ya ako iniligtas sa masamang sindikato"
"Oo narinig ko naman lahat"
"Kasi Ate alam mo ba na matagal ko na s'yang hinahanap? Kasi nangako ako sa kanya na s'ya ang lalaki na papakasalan ko at gusto ko s'ya makasama habang buhay"
"Ganoon ba? Nangako rin ba s'ya sa'yo?"
Nakita ko ang labis na kalungkutan sa mga mata ni Bella.
"Hindi ate eh' kasi sabi n'ya naawa lang s'ya sa akin. dahil hindi lang daw n'ya kaya makita na may babae na mapapahamak, tapos sabi n'ya 12 years na raw s'ya na engaged sa babaeng Mahal n'ya"
Nakaramdam ako ng matinding kaba at kasiyahan sa huling sinabi ni Bella.
"Totoo ba na engaged na s'ya Ate Amira? kasi napaka imposible diba na engaged na s'ya sa nakalipas na 12 years? dahil bata pa s'ya nang mga panahon na iyon?"
"Huh? Ah eh hindi ko alam Bella eh"
Matipid na sagot ko sa kanya.
" Ate Amira tulungan mo ako! Gusto ko talaga si Alexander eh'! matagal ko na s'yang gusto na makita! Kaya ngayon na nakita ko na s'ya gusto ko na s'ya ang lalaki na para sa akin. Kasi alam mo ba pakiramdam ko ligtas ako sa piling n'ya! Ate kung alam mo lang ang hirap na buhay na dinanas ko sa lansangan. kung saan-saan ako napadpad para lang mabuhay. kung ano-anong trabaho ang pinasok ko para lamang manatili na buhay para malaman ko kung saan talaga ako nagmula"
Umiiyak na pagku-kwento ni Bella sa akin. Ramdam ko ang hirap na dinanas n'ya habang wala s'ya sa piling namin.
Ano nga ba ang magagawa ko para sa kanya? alam ko na labis ang kasiyahan ni Mommy na nakita na nila si Bella. Saksi ako kanina kung paano muling tumawa nang malakas si Mommy habang panay ang kwento ni Bella. At si Daddy naman labis ang tuwa rin habang nakikita n'ya na bumalik na ang dating sigla ni Mommy.
"Ate Amira sige na! Sabi kasi ni Daddy malapit daw sa'yo si Alexander"
"Huh?? Ah Oo s'sige t'tignan ko kung ano ang magagawa ko"
"Talaga Ate?? Salamat!!"
Sabay yakap sa akin ni Bella kaya sabay kami napahiga sa kama ko. Napapikit ako ramdam ko ang pangingilid ng aking luha. Na agad-agad ko naman pinigilan.
"Ate Mabait ka pala. Akala ko kasi kanina masungit ka! Hindi ka kasi nagsasalita mula pa kanina eh"
"May iniisip lang ako kanina Bella"
"Ganoon ba? Nabanggit nga nila Mommy na Successful ka raw sa larangan ng Kabayo"
Hindi ako kumibo sa sinabi ni Bella. Dahil ang nasa isip ko ay si Xander.
"Ate kilala mo ba yung babae na sinasabi ni Alexander na Mahal n'ya? hindi kasi ako naniniwala na may asawa na s'ya eh! at tinanong ko si Mommy kung binata paba si Alexander! sabi ni Mommy binata pa raw! ang saya ko Ate"
Muli ako napaupo sa kama, At ganoon rin s'ya.
"Bella may babae na pala s'ya na Mahal bakit kailangan s'ya pa ang gustuhin mo na makasama?"
Nakita ko ang biglang pagbabago ng reaksyon ni Bella. Kung kanina Masaya s'ya ngayon naman ay nabalot nang sobrang kalungkutan ang kanyang mukha.
"Ate Amira matutunan din n'ya ako na Mahalin. Lalo na pag naging malapit na kami sa isa't-isa! pangako Ate Mamahalin ko ang kaybigan mo! At ang swerte ko naman Kaybigan pala ng Ate ko ang lalaki na matagal ko nang gusto na makita"
Hinaplos-haplos ko ang buhok ni Bella. Nakaramdam ako nang awa para sa kanya. Ngayon ko naramdaman ang pagiging nakakatandang kapatid para sa kanya.
"Patawad Bella hah? nang mga panahon na wala ka sa amin! Ang dami mong hirap na pinagdaanan. Samantalang ako nandito ang ganda ng buhay"
Mangiyak-ngiyak ko nang sambit sa kanya. Nakita ko ang labis na pagtataka sa kanyang mukha.
"Wala ka naman kasalanan Ate Amira eh! At alam ko na Mahal mo ako!"
Mangiyak-ngiyak na rin n'yang tugon sa akin. Kaya bigla ko na s'yang niyakap nang mahigpit at ganoon rin s'ya sa akin.
"Ang saya ko naman ang dalawang dalagita ko magkasama na"
Boses ni Mommy na nasa loob na pala nang kwarto ko. At masayang nakatingin sa amin ni Bella. Lumapit sa amin si Mommy at parehas kami na niyakap ni Bella. Ang kanina pa na luha na pinipigilan ko ay kusa nang lumabas. Dahil sa kaligayahan na nararamdaman ko. Dahil nalaman ko na walang galit o sama nang loob sa akin ang kapatid ko.
Ate Amira gusto mo ba matulog sa kwarto nila Mommy? duon kasi ako matutulog ngayon eh"
"Huh? hindi dito na lang ako sa kwarto ko"
"Anak Amira'? ang tagal rin kita na hindi nakasama iha'"
Sambit ni Mommy. gustuhin ko man pero mas kailangan ngayon ni Bella nang solong atensyon nila. Kaya hindi ko iyon ipagdadamot kay Bella.
"Mommy may kailangan po kasi ako na tawagan"
Pagdadahilan ko na lang.
"Ganoon ba ok sige' iha' maaga ka magpahinga hah" I love you anak"
Sabay yakap sa akin ni Mommy. Sabay na sila na lumabas ni Bella sa kwarto ko.
Muli ako nahiga sa kama ko. At napako na naman ang tingin ko sa kisame. Nakapa ko naman ang phone ko sa gilid ko kaya kaagad ko ito kinuha at muling binuksan.
Nagulat pa ako sa bigla na pagtunog nito. At si Xander ulit ang tumatawag.
"Yes hello"
"Hayy sinagot mo rin My Amira. Bakit pinatay mo ang phone mo? kanina pa kita gusto na makausap"
"Nalobat lang Xander' Kaya ngayon ko lang napansin"
Pagdadahilan ko na lang rin kay Xander.
"Ganoon ba? Yung tungkol nga pala kay Bella, Handa ako ipaliwanag ang lahat sa'yo"
"Ok na' naikwento na naman ni Bella eh"
" Ganoon ba? Bakit kanina parang iniiwasan mo ako My Amira? Pakiusap h'wag mo nang gagawin iyon!"
"Hinde naman kita iniiwasan. Ayoko lang na makahalata sila Daddy"
Napapikit ako sa mga sinasagot ko kay Xander.
"Ahmm.. My Amira gusto mo ba dalawa na tayo na magsabi sa Daddy mo tungkol sa relasyon natin?"
"Huwag!!! Ahhh! ako na lang ang bahala"
"Sige Ikaw ang bahala, ang gusto ko lang naman humarap sa Daddy mo habang sinasabi mo sa kanya"
"Ako na nga ang bahala diba!!!"
Biglang tumaas ang boses ko sa huling sagot ko kay Xander. May luha na naglandas sa kabilang pisngi ko dahil sa inasal ko. Nasasaktan ako para sa sarili ko at para narin kay Xander.
"My Amira h'wag ka magalit. Ok sige' maghihintay Ako kung kailan kana handa"
"Hindi naman ako galit. Sige na Xander gusto ko na magpahinga"
"Sige My Amira' Mahal na Mahal kita! Sobrang saya ko talaga"
"Ganoon din ako bye Xander"
Pagkasambit ko nun, bigla ko nang tinapos ang Pag-uusap namin. At dumapa ako sa kama ko habang umiiyak parang pinipiga ang puso ko..