QUOTES
BEING A FAMILY MEANS YOU ARE A PART OF SOMETHING VERY WONDERFUL..
IT MEANS YOU WILL LOVE AND BE LOVED FOR THE REST OF YOUR LIFE...
Pagmulat ko nang aking mata kisame na naman ang nasilayan ko. bigla naman ako napangiti ano nga ba ang inaasahan ko na makikita sa kwarto ko. Hindi ko rin alam kung anong oras na ba ako nakatulog kagabi sa sobrang pag-iisip dahil sa pag-uusap namin ni Bella.
Tumayo na ako para makapag banyo, pero bago iyon napatingin ako sa Phone ko at kinuha ito. May message ako at galing iyon kay Xander.
Xander: Good morning My Amira. Ang lungkot ng kusina namin dahil wala ka rito. Namiss ko na ang Fried Rice mo na maalat, Kaya heto wala ako gana kumain. Miss na kita agad, "
" I Love you" sana magkita tayo mamaya"
Napangiti ako sa nabasa ko, Sabay iling at buntong hininga. Muli ko binalik ang phone ko sa ibabaw ng table at Pumasok na ako sa banyo.
Paglabas ko ng kwarto ko, Nakita ko ang ilang trabahador sa Hacienda na abala sa buong kabahayan. Nang tuluyan na ako nakababa napatingin naman ako sa labas ng malaking pintuan namin at ganoon rin ang ibang tauhan ni Daddy na tila abala rin.
"Ohh iha' gising kana pala"
Napatingin ako sa boses na galing sa kusina, Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
"Manang...???"
Tuwang-tuwa ko na sambit. Dahil ilang taon ko rin hindi nakita si Manang dahil umuwi ito sa probinsya nila. Lalo nadagdagan ang edad n'ya dahil maputi na lahat ng kanyang buhok.
"Ako nga iha"
Tumakbo ako papunta kay Manang para yakapin s'ya, Ganoon rin naman s'ya sa akin.
"Manang kailan kapa nakabalik? Bakit ngayon lang kita nakita? Bakit hindi man lang sinabi sa akin nila Daddy at Mommy?"
Mangiyak-ngiyak ko na tanong kay Manang. Dahil bukod sa mga Lolo at Lola ko ay tinuring ko na rin s'ya na Lola ko. Sobrang Mahal ko si Manang dahil s'ya ang nag-alaga sa amin ni Kuya Amir.
"Kanina lang ako nakabalik iha' at hinde rin naman ako magtatagal"
Nalungkot ako bigla sa sinabi ni Manang.
"Bakit naman po?"
"Amira iha' matanda na ako, At kailangan ko na rin nang pahinga"
"Pero dito na lang po kayo sa amin. h'wag na po kayo magtrabaho Manang"
Hinaplos ni Manang ang buhok ko, Kaya Lalo ako nakaramdam na matinding kalungkutan.
"Mas gusto ko sa probinsya namin iha' kahit sino naman pag tumatanda na mas gusto na lang manatili kung saan ka namulat at pinanganak"
"Manang..."
Umiiyak ko nang sambit.
"ilang buwan pa naman ako mananatili rito iha' dahil hinahantay ko lang ang Apo ko na Anak ng kapatid ko na lumuwas dito para maturuan s'ya sa mga gawain dito. At sigurado na makakasundo mo s'ya dahil mahilig din iyon sa mga hayop at sumasali rin s'ya sa karera"
"Talaga po Manang?"
"Oo iha' at lagi rin s'ya panalo"
"Talaga po parati po s'ya panalo sa Horse Racing?"
Pananabik na tanong ko kay Manang. Nakita ko na natawa si Manang Kaya napakunot-noo ako.
"Hahaha Lagi s'ya panalo sa Karera ng kalabaw iha'"
"Talaga po? ilang taon na po s'ya?"
"18 years old iha' at alam mo ba na lagi rin s'ya panalo sa aming probinsya sa mga beauty pageant?"
Mababakas sa mukha ni Manang ang labis na kagalakan habang nagku-kwento tungkol sa Apo n'ya.
"Kailan po s'ya luluwas dito? At ano po ang pangalan n'ya?
Pananabik na tanong ko naman.
"Steffi ang pangalan n'ya, May kailangan lang s'ya na asikasuhin sa probinsya at susunod narin s'ya sa akin dito"
"Sige po' Manang hihintayin ko po s'ya at makakaasa po kayo na pakikisamahan ko po s'ya kung paano ko po kayo pahalagahan"
Nakangiti ko na tugon kay Manang. Na labis rin naman n'ya na kinatuwa.
"Salamat iha"
"Ahh Manang bakit po sobrang Abala ang mga Tao ngayon?"
Bigla ko naman naitanong kay Manang. At muli ko inikot ang aking paningin sa mga tao na sobrang abala sa kanilang mga ginagawa.
"Hindi mo ba alam iha'? Magkakaroon ng pagdiriwang bukas at Ipapakilala na si Bella na Isa sa mga Casimiro at bukas na din ang Uwi ni Amir"
Muli ako napatingin kay Manang,
"Talaga po Manang uuwi na po si Kuya Amir?"
Labis ang kagalakan ko sa aking narinig. Dahil makalipas ang maraming taon babalik na si Kuya Amir.
Nakita ko si Daddy na galing sa labas at papasok na sa loob ng bahay.
"Daddy!!!!"
Bigla kong sigaw at tumakbo para yumakap dito. Na agad naman n'ya ako sinalubong ng mahigpit na yakap.
"My Princess bakit?"
"Daddy totoo po ba? Dito na ulit si Kuya Amir? makakasama na ulit natin s'ya?"
Tuwang-tuwa na tanong ko kay Daddy.
"Sobrang Miss mo na nga talaga ang kambal mo"
"Opo Daddy sobrang Miss ko na po si Kuya Amir"
Umiiyak ko nang tugon sa kanya. At muli n'ya ako niyakap at hinalikan n'ya ako sa tuktok ng ulo ko. Napapikit ako sa ginawa ni Daddy. Dahil lagi n'ya ito ginagawa sa akin para pakalmahin ako.
"Yes My Princess dito na ulit ang Kuya mo! At Hindi na s'ya muli pang aalis"
Lalo ako naiyak sa naging sagot ni Daddy. Pakiramdam ko muling mabubuo ang bahagi ng puso ko dahil muli na namin makakasama si Kuya Amir. Kailangan ko na muling ihanda ang sarili ko sa alaskador ko na ka-kambal. Napangiti ako sa isipin na iyon.
"Ahhh!!! Daddy thank you po!"
Umiiyak ko na sambit kay Daddy, Halos walang paglagyan ang kaligayahan na lumulukob sa aking buong pagkatao. pakiramdam ko unti-unti na ako makakawala sa kalungkutan na pilit kong kinukulong ang sarili ko.
"You're Welcome iha' ngayon na nandito na si Bella siguro naman panahon na para muli tayong mabuo. At gusto ko na makumpleto ang kasiyahan ninyo nang Mommy mo"
"Nasa labas nga pala si Alexander at parang Ikaw yata ang hinahantay kanina pa"
Bigla ako napakalas mula sa pagkakayakap kay Daddy. Dahil sa kanyang sinabi.
"Bakit daw po?"
Nahihiya ko na tanong kay Daddy. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip ni Daddy. Dahil tanging si Mommy lang ang may kakayahan na basahin kung ano ang iniisip ni Daddy.
"Hindi ko alam' panay ang sulyap sa bintana nang kwarto mo e' nanduon s'ya sa gilid ng bahay at tumutulong sa pagkatay ng mga Baboy"
Pakiramdam ko namula ang buong mukha ko sa sinambit ni Daddy.
"Sige na at puntahan mo na s'ya iha"
"Sige po' Daddy"
Tumalikod na ako para lumabas sa bahay. Pero nasa pintuan pa lang ako nang bigla ulit nagsalita si Daddy.
"My Princess.."
Kaya napatigil ako sa paglakad at nilingon ko si Daddy na sobrang seryoso ng kanyang mukha.
"Bakit po Daddy?"
"Pwede ba na magpalit ka ng iyong kasuotan bago ka lumabas?"
Pagkasabi ni Daddy nun ay agad na s'yang tumalikod. Nanatili naman ako sa kinatatayuan ko habang naka-awang ang aking labi. Tinignan ko ang kabuuan ko. Ok naman ang suot ko ahh? Naka maong short naman ako na hindi naman kaiklian. At naka T-shirt naman ako na hindi naman gaano kita ang pusod ko.
Bakit naging conservative naman si Daddy ngayon sa suot ko? eh lagi naman ito ang suot ko pag nasa loob lang naman ako nang Hacienda. At panatag naman ang loob ko dahil alam ko na
mabuting tao ang mga tauhan ni Daddy. Dahil lubos na ginagalang nila si Daddy.