QUOTES:
SOME BROKEN HEART..
MAY NEVER MEND..
SOME MEMORIES MAY NEVER END..
SOME WET TEARS MAY NEVER DRY..
BUT MY LOVE FOR YOU..
WILL NEVER DIE...
Sinunod ko naman si Daddy nagpalit na lang ako ng pantalon. At muling lumabas sa kwarto ko at tinungo ang gilid ng bahay kung saan natatanaw ko ang ilang kalalakihan na halos ang iba ay pawisan na dahil sa kanilang mga gawain.
Hinanap nang paningin ko si Xander' agad ko naman s'ya nakita na medyo pawisan narin dahil sa pagtulong n'ya sa ilang gawain sa Hacienda para sa magaganap na okasyon bukas.
Hindi n'ya napansin ang pagdating ko dahil nakatuon s'ya sa isang kinatay na Baboy na sinasahod nila ang dugo.
"Señorita Amira baka madumihan ka lang dito at masang-sang po ang amoy rito"
Narinig ko na Pag-aalala sa boses ng Isa sa mga tauhan ni Daddy. Kaya kaagad naman nabaling sa akin ang atensyon ni Xander na sinenyasan ako na manatili lang ako sa kinatatayuan ko.
Saglit lang at nagpaalam na s'ya sa mga tauhan ni Daddy na abala sa tatlong malaking Baboy na kinatay nila.
"Hi Good Morning"
Nakangiti na bati sa akin ni Xander' gusto ko punasan ang ilang butil na pawis n'ya sa mukha n'ya. pero nagpigil ako.
"Good Morning' kanina kapa rito?"
Inaya n'ya ako sa likod bahay kung nasaan ang gripo para makapaglinis s'ya ng kanyang katawan na may bahid pa ng dugo.
"Napaaga lang dahil sumabay na ako kay itay nabanggit kasi ni n'ya na may okasyon na magaganap bukas dito. Kasama nga n'ya kanina ang Daddy mo dahil may pinuntahan sila sa Bayan"
Paliwanag ni Xander habang nakatapat sa gripo ang kanyang dalawang braso. Napatingin ako sa gilid ng mukha n'ya nakita ko na merong ilang talsik ito ng dugo. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at binasa ko ang kamay ko para punasan ang ilang bahid na dugo sa kanyang mukha.
Napansin ko na napatigil s'ya sa kanyang ginagawa at napatingin sa akin. Ang ganda nang kanyang ngiti, At hindi man lang ako nakaramdaman ng pagkailang.
"Xander.."
Sambit ko sa pangalan n'ya habang pinupunasan ko pa rin ang kanyang mukha. Habang paulit-ulit ko binabasa ang aking palad sa patuloy na umaagos na tubig sa gripo.
"Hmmm.. bakit My Amira?"
Malambing naman n'ya na sagot sa akin.
"May hihilingin sana ako sa'yo"
"Ano ba iyon? Basta para sa'yo wala ako pwede na hindi kayang gawin"
Nakatitig lang s'ya sa mata ko. Pero hindi ko magantihan ang kanyang tingin sa akin. Inabala ko ang sarili ko sa pagtanggal pa ng ilang dugo sa ibang bahagi pa ng kanyang mukha.
"Gusto ko sana na maging malapit ka kay Bella"
Nagulat ako sa biglang paghawak n'ya sa kamay ko para pigilan ako sa pagpunas pa sa ibang bahid na dugo sa kanyang mukha.
"Anong ibig mong sabihin Amira??"
Napayuko ako sa kanyang tanong.
"Amira sagutin mo ako? Bakit kailangan ko na maging malapit sa kapatid mo?"
"Xander..."
"Amira Wala ako gusto na maging malapit sa akin na ibang babae, tanging ikaw lamang ang gusto ko na maging malapit sa akin!"
Nasasaktan ako sa naririnig ko kay Xander, Pero dapat nga matuwa ako sa naging sagot n'ya sa akin. Pero nagagalit ako para sa sarili ko.
"Xander Mahal ka ni Bella, Nag-umpisa iyon nang iligtas mo s'ya"
"Amira naman!! ano naman kung Mahal n'ya ako!!? Ikaw naman ang Mahal ko at alam mo iyan!!"
Napalakas na ang boses ni Xander' Kaya natakot ako na baka may makarinig sa amin. Kaya napalinga-linga ako sa paligid namin.
"Ano natatakot ka na baka may makarinig sa akin?? Gusto mo ipagsigawan ko pa???" Hoy kayo lahat dito!!! Makinig kayo!!!"
"Xander ano ba!!"
Pilit ko inaabot ang bibig n'ya para takpan ito. pero dahil sa mataas s'ya hindi ko ito maabot at pilit n'yang iniiwasan ang kamay ko para takpan ang bibig n'ya.
"Mahal na Mahal ko si Amira Casimiro!!!"
Labis ako nakaramdam nang takot sa isinigaw ni Xander, Kaya bigla ko s'yang hinila para lumayo sa lugar na iyon at nagtago kami sa Isang mataas na puno na hindi kalayuan sa likod bahay. Nakita ko na biglang lumabas si Manang at Palinga-linga sa paligid. Nakaramdam ako ng kaginhawaan nang muling bumalik si Manang sa likod nang kusina.
Pagpasok ni Manang nabaling na ang tingin ko kay Xander na agad naman sinalubong ng labi n'ya ang labi ko. Sa una nagpumiglas ako. Pero sa huli bumigay narin ako. ilang saglit rin namin pinagsaluhan ang maalab na halik na iyon.
"My Amira Ayoko na ulit maririnig sa'yo na hihilingin mo sa akin na maging malapit ako sa kapatid mo!"
Hindi ako nakakibo sa kanyang sinabi. Pero buo parin talaga ang desisyon ko na dumistansya kay Xander para narin kay Bella. Ayoko na muli pang makaranas nang pagkabigo ang kapatid ko. Pagkatapos ng mahihirap na kanyang pinagdaanan sa buhay habang wala s'ya sa piling namin.
"Xander.. May pinaghahandaan ako na laban. Pag nanalo ako sa laban na ito Ipapadala ako sa Canada para maging representative. At makakapasok ako sa "Horse Racing build" At magtatagal ako roon! Kaya mawawalan ako ng panahon sa relasyon natin! at gusto ko mag Focus sa Karera ng buhay na gusto kong marating"
Matagal na katahimikan ang namagitan sa amin ni Xander. Napaangat na Ang ulo ko para tignan s'ya. Nakabakas sa gwapo n'yang mukha ang labis na hinanakit.
"Kailan kapa nagdesisyon na sumali sa laban na iyon? Alam mo ba ang pinapasok mo Amira? Alam mo ba na Ang "Horse Racing Build" ay Isang laban na kung saan na puro kababaihan lamang ang pwede na sumali! At ang alam ko ay ang nasa likod nito ay Isang malaking sindikato na pag natalo ka ay hinde kana pwedeng makaalis pa sa kanila"
Nagagalit ang mga ugat sa panga ni Xander habang sinasabi n'ya sa akin ang mga iyon.
"Pero pag nanalo naman ako. Makikilala ako sa buong mundo Xander! Dahil sila mismo ang gagawa ng pangalan ko para makilala ako"
Lalo naningkit ang mata ni Xander sa galit sa pagkatitig sa akin.
"Yan ba talaga ang gusto mo? O ginagawa mo lang ito para lumayo ka sa akin para mapalapit sa akin ang kapatid mo!!?"
Bigla ko binaling ang aking paningin sa ibang direksyon. Hindi ko kasi matagalan ang mata n'ya na nanlilisik sa galit. Nasasaktan ako para sa tingin na iyon. Wala na ang kanyang mata na tila nangungusap.
"Buo na ang desisyon ko Mr. Ybañez! Maiwan na kita, kailangan ko na pumasok sa loob ng bahay baka hinahanap na ako ni Daddy"
Tumalikod na ako sa kanya, at lumakad palayo sa kanya. Pero kasabay naman nun ang mabilis na paglandas ng mga luha ko na tila nag-uunahan sa pagdaloy.
"Amira!!!"
Napahinto ako sa Pagsigaw n'ya sa pangalan ko. Pero hindi ako lumingon dahil ayoko makita n'ya ang pag-iyak ko.
"Alam mo ba kahapon? Nakaramdam ako pagka inggit sa Daddy mo"
Napakunot-noo ako sa sinabi n'ya, pero pinakinggan ko pa ang mga sasabihin n'ya.
"Dahil nakita ko kung paano ka lumayo sa tabi ko, Para tumakbo at salubungin s'ya nang mahigpit na yakap, Alam mo ba? Sabi ko sa sarili ko sana dumating rin ang araw na tatakbo ka sa mga bisig ko dahil ayaw mo ako mawala sa buhay mo!"
"Amira maraming taon kitang minahal Tapos ako dalawang araw lang na naging tayo? tapos palihim pa? Alam mo ba na sobrang hirap para sa akin na ilihim ang relasyon natin! gusto ko ipakita sa lahat nang tao na ang babaeng mahal ko! Sa wakas ay Minahal na rin ako!! Pero Mahal mo nga ba talaga ako Amira??"
Kahit hindi ko s'ya nakikita Alam ko umiiyak narin s'ya. dahil garalgal na ang boses n'ya.
"Ako kasi Amira Mahal na Mahal kita!! Alam mo ba na Ikaw ang Pangarap ko! Narating ko ang lahat ng meron ako ngayon ng dahil sa'yo!!!"
"Pangarap kita mula noon hanggang ngayon Amira!! Pero bakit tila ang hirap mo parin abutin!!"
Lalo ako napaiyak sa mga sinabi ni Xander, Gusto ko na humarap para tumakbo papunta sa kanya at makulong ulit sa bisig n'ya. Pero bago ko iyon gawin narinig ko ang boses ni Bella.
"Alexander' kanina pa kita hinahanap sabi kasi nang Isang tauhan ni Daddy kanina kapa raw nandito"
Kaya sa huli nanaig ang unang desisyon ko na ipaubaya na s'ya kay Bella...